EPISODE 8
*FLASHBACK*
"Aalis ka na naman?", naluluha kong banggit dahil ngayong araw ay nagpapaalam si Abby, ang kauna-unahan at tanging laman ng puso ko.
"Uuwi naman ako tuwing may pagkakataon e saka 2 years lang ako doon. Maggegain lang ng experience saka may ilang seminars and trainings pa akong kailangang puntahan.", nakangiti si Abby sa akin at kinoconvince ako na dapat maging ok lang ang lahat.
"Hon, nakakastress lang kasi itong ganito na kakabalik mo lang from your 4 year stay doon tapos aalis ka na naman.", habang panay ang buntong hininga ko.
"I hope you understand Pete. This is my dream and didn't we promise each other that we will support each other's dreams?", hawak niya ang kamay ko at nakatitig sa mga mata ko na tila nagsasabing 'please'
"Ano pa nga ba? Basta 2 years lang Hon a. I am sorry din kasi I can't join you in France dahil ako ang pinapamahala nila nitong mga stuffs dito. As for our promise, yeah, we will support each other's dreams.", at hinagkan ko siya sa kanyang mga labi. I froze at the thought that I have to wait for me to see my lady love again. Oh how I wish that time would stop at this very moment so I can be with her forever.
I kissed her before she checked in at the airport, an hour has not passed by yet I so miss her.
*END OF FLASHBACK
TIM's POV
"Hello Peter? Bakit ka napatawag?", nag-aalangang pagsagot ko sa telepono lalo pa at kasama ko si Jonas. Baka bigla na lang magsalita itong kumag na ito at malalaman ng bestfriend ko na ito ang kasama ko at pihadong away na naman ito.
"Tol! Dumating na si Abby from France and I want to give her a welcome party which will also serve as our engagement party kasi balak kong magpropose sa kanya sa gabing iyon, could you help me with that one? I know you're good on arranging such events so please help me make that night a special one!", tila excited ang boses ni Peter sa telepono.
"Sure.", yun na lang ang nasabi ko at pinutol niya na ang tawag.
"Sino yung kausap mo?", si Jonas na kagagaling lang ng restroom. Katatapos lang din kasi naming makipag-usap sa kliyente at awa ng Diyos e naclose namin ang deal.
"Wala. Si Peter lang.", pinipilit kong ipamukha na wala lang sa akin si Peter at maging ang sinabi niya ay wala lang din sa akin kahit na ang totoo e... ewan ko.
"Bakit siya napatawag?"
"Bakit ba andami mong tanong?", naiinis kong tugon.
"Bakit ang init ng ulo mo? You never raised your voice on me until today.", napapailing na sambit sa akin ni Jonas. Kung sabagay, mali na sigawan ko siya pero parang ang hirap lang kasi ng lagay kong ito...
"Hindi mo mararamdaman iyang sakit na iyan kung ako na lang kasi yung pipiliin mo.", sambit ni Jonas habang hawak ang kamay ko. I think I needed that touch, yung hawak na alam mong sigurado, yung hawak na alam mong di bibitaw at yung hawak na hindi ka sasaktan.
"Jonas, thank you."
"For?"
"Being always there. I think I haven't thanked you enough.", naluluha kong sambit.
Niyakap ako ni Jonas at sa yakap na iyon ay tila narinig ko siyang sinasabing 'I understand'.
"Hangga't hindi pa kayo, mananatili ako. Ayos lang ba iyon?", nakangiting sabi ni Jonas.
"That equates to you staying with me forever.", nakangiti kong sabi.
"Whatever.", at nagtawanan na lang kami ni Jonas.
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
Storie d'amoreWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.