A/N:
Para sa mga nag-iisip at di makarelate sa McDo commercial na tinutukoy ko, please refer to the video attached. :)
EPISODE 9:
3RD PERSON POV
“Tim, napansin ko pala na medyo namamaga ang mata mo kanina nu’ng dumating ka sa resto. May problema ba?”, tanong ni Peter kay Tim nang makarating sila ng bahay. Tila naestatwa si Tim sa tanong ng kaibigan, hindi niya kasi mahanap ang tamang sagot para sa tanong na iyon.
“Parang hindi naman a. Baka dahil sa antok. Nga pala, ano nga pala ang balak mo sa proposal kay Abby?”, at tila may tumusok na namang kung ano sa puso niya.
“Matulog na muna tayo at bukas na natin pag-usapan iyan saka nga pala…”, idadagdag sana ni Peter ang nakita kaninang umaga pero naisip niyang ipagpabukas na lang ang anumang seryosong usapan.
“Sige. Tulog na ako.”, pagpaalam ni Tim sa kanya. Pareho silang walang ganang magsalita at tila tinatantya kung makabubuti ba ang sasabihin sa isa’t isa. Suddenly, an awkward feeling dominated the house.
Si Tim ay dumiretso na sa higaan matapos maghilamos at sepilyo samantalang nagtagal sa shower si Peter pero isa lang naman ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa: ano ba itong nangyayari sa kanila lalo na kay Peter na kahit minsan ay hindi naisip na maaaring mabawasan ang pagtingin sa kasintahan.
Bumangon si Peter sa higaan at kinatok si Tim, may naalala siya na nangyari kaninang umaga.
“Tim!”, unti-unting nagbuild-up ang inis sa kanya pero hindi niya ito gustong ipahalata sa kaibigan.
“Yes?”, kalmadong sambit ni Tim.
“Sino ba ‘yung kasama mo kaninang umaga?”, si Peter na hindi ngumingiti.
“Kailangan talagang katukin mo pa ako ngayong gabi? Hindi mo na ba maipagpapabukas ‘yung tanong na iyan?”, naiinis si Tim sa ginagawa ni Peter ngayon.
“Ang dami mo pang sinasabi! Bakit hindi mo sabihin kung sino?!?”, tumataas na ang boses ni Peter at nararamdaman na ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng dalawa.
“Sinabi ko na kaninang umaga di ba? Yung business partner ko sa events coordination na negosyo ko.”, mataas na tono na rin ni Tim.
“Bakit hindi mo masabi kung ano yung pangalan? Sino ba kasi ‘yon?!?”
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Tim dahil hanggang sa mga oras na iyon ay ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Jonas dahil sa magiging reaksyon ng kaibigan. “Si….”
“Si Jonas!?!? Si Jonas di ba? Bakit hindi mo na lang sabihin kasi sa akin?”, at naitulak ng malakas ni Peter si Tim dahilan para mabuwal ito. Natulala lang si Peter sa nangyari sa kaibigan pero nang makabangon si Tim ay isang malakas na suntok ang pinakawalan nito.
“Ano ba ang problema mo? Kakatok ka ng dis-oras ng gabi para lang mang-away? Gago ka ba talaga? Saka bakit ka ba nanggagalaiti d’yan?”, naiinis na sambit ni Tim.
Si Peter naman ay tulala pa rin; hindi ito dahil sa pagkatulak niya kay Tim o sa pagsuntok nito sa kanya kung hindi dahil sa hindi niya maintindihan na damdamin, ang alam lang niya ay labis siyang naghihimutok nang bumalik sa kanya ang eksenang magkasama ang kaibigan at ang matagal na nitong manliligaw.
“Sorry. Gulo lang ‘yung utak ko.”, si Peter na sinusubukan pa ring intindihin ang sarili habang nakaupo sa sahig
“Tumayo ka na nga d’yan. Ok na sa akin ‘yun.”, nakangiting usal ni Tim. Hindi niya rin naman kasi kayang tiisin ang isang ito.
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.