“Leave the house”, habang kumakain ako ay umaalingawngaw bigla ang sigaw sa akin ni Peter. Hindi ko alam kung ano na naman ang tinira nito: katol ba o rugby? Hindi ko na lang pinansin kagaya ng dati.
“Umalis ka na rito!”, patuloy niya sa pagsigaw. Muli, hayaan na lang siya at mapapaos din yan pero ang hindi ko kinaya e yung tinulak niya yung upuan ko.
“Nakatira ka ba ng rugby? Ano’ng problema mo?”, tanong ko sa kanya na pasigaw dahil na rin sa pagkabugnot saka muntik na akong mabulunan.
“Ayaw ko na andito ka.”, isa pang sigaw ni Pete.
“Alam ko na ayaw mo at dahil sa kakasigaw mo e malamang alam na rin ng buong village pero ito yung kailangan mong intindihin: Ayaw ko rin na kasama ka pero kailangan ko. 2 years lang ang kontrata ko rito, 3 months na ang lumipas. 1 year and 9 months na lang ang ipagtitiis natin, ibalato mo na saken yung siyam na buwan at yung natitirang isang taon e ipagnonobena ko sa Nazareno para bumilis ang pagdaan.”, seryoso at pigil ang galit kong sinabi ito sa kanya.
Tumahimik siya pero mukhang bumwelo lang at sumigaw sa bandang mukha ko ng “AYOKO”, sobrang magkalapit yung mukha ko at mukha niya. Napatitig ako sa mata niya, singkit pero malamlam at ramdam ko na parang nakangiti siya, nasa pagdeday dream ako ng bigla siyang bumulong: “Gagawin kong miserable ang buhay mo”. Ok na sana talaga e pero may pagkamorning breath pa si loko e kaya napatakip ako ng ilong at tinanong siya kung nakapagtoothbrush na siya.
Biglang lumayo si Peter at inamoy ang hininga gamit ang pagbuga sa palad. Bigla siyang bumulalas ng tawa at hinampas pa ako sa balikat. He’s just so weird lalo pa at nagpapahanda siya ng almusal kaya hindi ko napigilan ang magtanong, “Breakfast? Kakain ka?”
“Ay hindi! Kaya nga nagpapahain e dahil kakain.”, nakangiti pa rin si Peter sa akin na parang yung ngiti na meron siya dati nung magkasama pa kami lagi.
“Pasensya naman. Hindi ka naman kasi nag-aalmusal kapag papasok ka diba?”, tugon ko sa kanya.
“Sino ba’ng may sabi na papasok ako?”, at ginugulo niya na ang buhok ko habang may panggigigil na pagtusok sa tagiliran ko.
“Anak ng tinapa! May sanib ka ba? Kanina lang e pinapalayas mo ako tapos nakikipagkulitan ka ngayon? Ano ba’ng hinihithit mong kumag ka?”, nagtataka kong tanong pero hindi ko mapigilan ang mapangiti. Shit! I am missing this guy so much.
“Wala akong hinithit. Ang dami mo pang sinasabi, Tim. Maghain ka na lang ng para sa dalawang tao.”, sambit niya. Medyo nalungkot ako sa sinabi niya, feeling ko kasi e may bisita siya kaya ganun na lang siya kasaya pero hayaan mo na nga lang pero dahil di ako makapigil e tinanong ko siya kung bakit para sa dalawa ang pinapahain niya.
“Kasi sasabayan MO akong mag-almusal.”, sabi sa akin ni Peter na medyo demanding.
“Kumain na ako.”, tugon ko.
“edi kumain ka ulit.”
“Busog na ako. Samahan na lang kita sa table habang kumakain ka.”, sambit ko na may pilit na ngiti.
“Hindi! KAKAIN KA ULIT!”, nakasigaw siya at seryoso ang mukha.
Tumayo ako at hinawakan ang kwelyo niya, napupuno na ako talaga e pero konting timpi pa , “Kapag di ka tumahimik, gulpi ka sa akin. Napipikon na ako.”, sambit ko sa kanya.
Nakita ko ang paglunok niya na kahit walang laway, gusto kong matawa sa itsura niya pero hindi naman pwede, masisira ang act. Dahil sa itsura niya ay may naalala ako sa nakaraan.
*FLASHBACK*
“Tarantado ka a!”, at isang malakas na suntok ang iginawad ko sa taong tumutulak-tulak sa bestfriend ko. Walang kahit na sinuman ang pwedeng makasakit sa kanya, wala.
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.