EPISODE 12: It Started with a Kiss

3.5K 143 8
                                    

EPISODE 12

“Sana after ng araw na ito e hindi ka na magtago sa akin. Namimiss na kita.”, sambit ni Jonas habang nasa tapat na kami ng apartment na tinutuluyan ko.

“Hindi naman ako nagtatago. May sira ka talaga e.”, nangingiti kong sabi.

“O siya! Sige na. Bye.”, at kasabay ng paalam na iyon ay isang halik sa labi ang ibinigay sa akin ni Jonas. Hindi ko alam kung dahil sa kawalan ng kahalikan o dahil sa lungkot ko e nadala ako sa halik na iyon. Nasa ganuong ayos kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalakeng napakasungit at matalim ang tingin… si Peter.

Napahinto ako at namutla dahil alam kong may issue na naman ang isang ito. Mabilis naman akong nagpaalam kay Jonas at tumango ito na sinasabing ‘bye’. Agad akong hinatak papasok ni Peter.

“Babay daw! Wag ka nang babalik a!”, isang sigaw na mula kay Peter para kay Jonas habang nasa loob na kami ng apartment at matalim pa rin ang tingin sa akin.

.

.

.

Moment of silence. Patay ako sa isang ito.

“Kanina ka pa nakauwi? Kamusta ang Palawan? Medyo namula yung balat mo siguro nagbabad ka sa beach no?”, sunod-sunod na tanong ko pero bakas pa rin ang pag-aalala

“Hindi pala pumapatol sa kung sinu-sino, a!”, sarkastiko ang usal ng bestfriend ko at tila mainit ang ulo dahil hindi pinansin ang tanong ko.

“Hindi ko pinatulan si Jonas at hindi lang siya basta kung sinu-sino dahil kaibigan ko siya.”, naiinis na ring tugon ni Tim.

“Bakit? Lahat ba ng kaibigan mo hinahalikan mo? E bakit ako at yung barkada natin dati, hindi mo naman hinalikan dib a? Oh wait! Oo nga pala, KAIBIGAN mo siya. Ano ba iyong pagkikita ninyo? Celebration kasi paalis ka na ng bahay? Bakit di mo sinabing aalis ka na?”, tuloy-tuloy na litanya ni Peter na hindi ko maintindihan kung bakit galit.

Hindi ko siya gustong sabayan sa galit niya dahil hindi iyon makakabuti para iresolba ang mga bagay-bagay sa pagitan namin.

“Kararating mo lang ‘di ba? Mama mo yung nagsabi sa akin na pwede na akong umalis kaya ang akala ko e alam mo na. Saka ngayon pa lang naman tayo nagkita.”

“Hindi pwedeng magtext? Hindi pwedeng tumawag? At bakit nakapatay ang cellphone mo?”si Peter.

Naalala kong pinatay ko pala ang cellphone ko kasi ayaw ko siyang makausap nung mga nakaraang araw.

“E ano naman sayo? Saka bakit ba parang napakalaking issue nito? Magkasama kayo ni Abby na nagbabakasyon at nagcecelebrate, ayoko namang makaistorbo sa bakasyon ninyo dahil pwede namang dito tayo mag-usap.”, pangangatwiran ko.

“Ayaw makaistorbo? O baka naman kasi kasama mo yung syota mo kaya ayaw mong mang-istorbo? Ganon ka ba kaatat na makasama siya? Hindi na ako nagtataka kung may nangyari sa inyong kung anong kababuyan sa loob ng apartment ko. Tangina! Ang baboy mo!”, galit pa ring sambit ni Peter

                Kinuyom ko ang palad ko at dahil sa sobrang galit ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ko pero dahil hindi ko naman siya kayang saktan ay sa pader ko ito ipinatama. Mabilis na namaga ang aking kamao at may bakas rin ito ng dugo.

COURAGE (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon