A/N:
Sorry na kung matagal ang update nito. Medyo hindi lang makatao ang schedule ko sa opisina nitong nakaraang linggo at wala akong mahanap na inspirasyon. Babawi ako every weekend, promise ko yan! :)
PETER’s POV
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang magkaroon kami ng sagutan at kahit ano pa ang gawin ko ay ayaw akong kausapin ni Tim, puros sticky note na lang ang ipinapatong sa mesa, ref at minsan pa nga e sa noo ko. Hindi na nga kaya talaga ako papansinin nito? Hindi ko rin naman kasi matantya kung paano ko ba siya susuyuin dahil hindi naman siya madalas magalit o magtampo, ito pa nga yata yung una e.
Walang interaction na talaga sa pagitan naming dalawa at nalulungkot akong isiping ganito kami ngayon samantalang ang saya saya namin kamakailan lang.
Nakatitig lang ako sa bestfriend ko ngayon habang kumakain siya ng almusal, walang pasok at medyo boring pero makita ko lang siya e parang nagkakaroon ako ng pag-asa na magiging ok ang araw ko, tiyak na mabubuo ito kung magkakasundo na kami.
Kinuha na naman ni Tim yung booklet niya ng post-it’s at tila may isinulat; maya-maya pa ay lumakad ito palapit sa akin at biglang tinuktok ang noo ko.
“Kumag ka, bakit ka tingin ng tingin? May pinaplano kang masama?”, pagkabasa ko ng note niya ay napangiti na lang ako, ibig kasing sabihin e napansin niya ako at masaya na ako dahil doon. Agad akong sumulat sa sticky note ng mga katagang, “namiss na kasi kita bestfriend, peace na tayo?”. Iniabot ko sa kanya ang note at napansin kong sumilip ang ngiti sa labi niya. Mukhang magkakabati kami kaya lang bigla siyang tumingin sa akin ng masama at pinunit yung sticky note. Oh men! Ano bang problema nito? Chicks lang kung makaarte? Ay naman!
Pero hayaan mo na, galit kasi at kasalanan ko naman kung bakit siya naiinis e, ang laki kasi ng bibig ko at ang talas ng dila ko. Tsk! I have to win my bestfriend back kasi mahal… mahalaga siya sa akin. Tama, mahalaga kasi siya sa akin.
Sumandal ako sa may sofa at nanood ng TV, Sabado ngayon at wala masyadong interesanteng palabas pag ganitong umaga kaya pinagbigyan ko yung sarili kong matulog na lang muna. Hayahay ang buhay.
.
.
.
“May pagkain sa mesa pag nagutom ka, alis lang ako.”, may note sa may ref galing kay Tim. Ano ba naman itong bestfriend ko? Iniwanan niya ba talaga akong mag-isa? Tss…
Gaya ng dati e mag-isa akong kumain ng tanghalian, beef steak ang ulam at favorite ko kasi talaga ito, siguro dapat gawan ko ng favor si Tim para matuwa naman siya sa akin at pambawi sa masarap na ulam.
Umakyat ako ng kwarto at nakita kong nakabukas ang kwarto ni Tim, medyo nagkaroon na ako ng idea sa dapat gawin. Lilinisin ko ang kwarto niya!
Sinimulan ko ang pagwalis sa sahig at pati na rin ang paglampaso para malinis na malinis, ang mga CD’s niya ay inayos ko na rin, ewan ko ba sa isang ito, ang daming CD’s e may mp3 players naman na saka smartphones. Pinunasan ko ang mga pasimano at pinalitan ang kurtina gayundin ang bed sheets niya. Sakto nga kasi may mga bed sheets na binili si Mommy na nagkapareho ang design kaya itutulad ko ang design ng bed sheet ko sa bed sheets niya. Nakakatuwa talaga!
Habang inaayos ko na ang mga displays niya ay napansin ko ang nakausling papel sa bandang drawer niya at dahil may pagkapakialamero ako e tiningnan ko ito… litrato naming dalawa nung hayskul pa. Ang payat pa namin pareho at sobrang grabe yung ngiti. Nakakatuwang tingnan yung picture dahil kung pwede lang na ganyan kami lagi e ganun na lang kaya lang kasi e marami rin akong sira ng ulo.
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomansaWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.