A/N:
Pasensya na kung natagalan bago ito matapos pero eto na siya!!! hehehe.
Bago ko tuluyang tapusin ito e gusto ko lang ipaalam sa inyo na magsisimula na next week yung Time, it's a prequel to Courage kung saan makikilala natin si Benj at Chris.
Hopefully e mabasa niyo yun at maenjoy ninyo.
I need your comments to continue writing para alam kong may nagbabasa at willing pang magbasa ng mga gawa ko.
Maraming salamat po.
--JABEE
_____________________________________________________________________________
FINAL EPISODE
“Sir, tara na po.”, sambit sa akin ng tsuper ni Abby nang sunduin ako nito.
“Nasaan po si Abby?”, pagtanong ko rito nang hindi ko makita si Abby sa sasakyan. Tila hindi ako narinig nung driver at nagpatuloy lang sa pagpapaandar ng sasakyan. Naalala ko tuloy nung unang beses na nagdrive si Peter nung hayskul kami, parang ganito rin si Kuya Driver, hindi nagsasalita at masyadong focus sa manibela.
“Kailan ka pa natutong magdrive?”, tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya pero hindi niya ako pinansin. Nice talking ang putek.
Ilang minuto pa siyang nagmaneho patungo sa hindi ko alam kung dadaan ba ng langit o impyerno dahil sa wala namang sumasagot sa mga tanong ko.
“We’re here.”, bigla niyang sambit at lumabas na siya sa kotse. Gayundin ako na medyo manhid na ang pwetan at panis na ang laway dahil sa kawalan ng kadaldalan.
“Ano ba’ng meron di---“, hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko kung gaano kaganda ang lugar na pinuntahan namin. Isa itong farm na malapit sa isang lawa na napakalinaw pa ng tubig.
“Ang ganda di ba? Regalo sa akin ito ni Lolo bago sila pumunta ng States at ang sabi niya e alagaan ko raw ang lugar na ito pero habang hindi ko pa kaya dahil 16 pa lang ako e mananatili ito sa custody nila Mama pero balang araw, magpapatayo ako ng isang bahay sa gitna ng farm para dito na kami titira ng taong makakasama ko buong buhay ko.”, nakangiti siyang umuusal ng mga salita at sa balintataw ko ay naglalaro na sana ako na lang yung taong iyon pero alam kong imposible at mananatili na lang akong kaibigan niya.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at hawak niya ang kamay ko ngayon.
“Tol, pramis mo saken na kung hindi ko man makita yung girl of my dreams ko e hindi mo pa rin ako iiwan a.”
Napangiti na lang ako sa sinabi niya at niyakap siya nang mahigpit, ewan ko kung bakit pero parang may nagtulak sa akin na gawin ito.
“Sir, nandito na po tayo.”, sambit sa akin ng driver. Naglakad ako ng dahandahan patungo sa lugar kung saan nagdiriwang ng anniversary celebration ang mga magulang ni Peter. Mabuti na lang at nagpadala si Jonas at Benj ng coat and tie kanina sa bahay nang malaman nila na pupunta ako rito at kung hindi e mukhang maa-o-out of place ako.
Nang makapasok ako ay nakita ko si Peter sa may stage, gwapo tulad ng dati, matipuno gaya nung huli naming pagkikita pero isa lang tumimo sa isip ko… kung nakabalik na siya, bakit hindi siya nagsabi? Bakit hindi niya ako hinanap? Dahil ba may iba na siya?
Ilang saglit pa ay kinuha niya ang mikropono at huminga ng malalim bago nagsalita…
“Happy Anniversary Mom, Dad. It’s indeed God’s blessing to have found that person you will love for the rest of your life but it’s a choice to fight for that love and my dear parents, I thank you for being brave enough to have fought for that love which brings us to the world, that love which kept this family together. Thank you. I wish I could have the same fate of loving someone who can give me my own kids and the they so-called “normal family” but I think I’m not born to fulfill such destiny instead, I fell with a fellow man.”
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomantizmWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.