EPISODE 10: BitterSweet

3.6K 126 8
                                    

EPISODE 10

*TIM’s POV*

“Halos sampung buwan ka ng nandyan anak, kamusta ka naman d’yan?”, si Nanay, nangungumusta gamit ang Skype.

“Ok naman po ako, actually, mas nagiging close kami ni Peter ngayon.”, pagmamalaki ko sa nanay ko at sa mga kapatid ko.

“Sabi ko naman sa’yo na magiging ok din kayo niyang kaibigan mo e.”, bakas sa mukha ni Nana yang saya sa binalita kong iyon. ALam ko naman kasing napamahal na rin sa kanila si Peter kaya nga ganoon na lang din ang lungkot nila nung nagkaroon kami ng problema ng bestfriend ko.

“Kuya, e di ba malapit na birthday ni Kuya Peter? Pwede ko ba siyang bisitahin diyan at pasayahin ko siya kasi birthday niya naman.”, sabat ng malandi kong kapatid na si Serah.

“Ay! Ano ka bang bata ka? ‘Yan ba ang tinuturo sa inyo sa eskwela? Ang lumandi? Pumunta ka sa kwarto mo at tsitsinelasin kita nang mawala ang kalandian mo.”, sermon ni Nanay sa kapatid ko.

“Ayan kasi! Malandi ka na e bata ka pa.”, natatawa kong sabi. Nakita ko naman ang pagkapikon at hiya sa itsura ng kapatid ko.

Hindi na rin naman nagtagal at natapos na ang pag-uusap naming dalawa ng nanay ko kaya inayos ko na yung bahay, nagligpit at hinanda ko na rin yung sarili ko para bumili ng ireregalo kay Peter dahil ulang araw na lang at birthday na niya.

Paalis na sana ako ng bahay ng magring ang telepono ko,

“Hi! Tim speaking. Sino po ito?”, tanong ko sa taong nasa kabilang linya. Hindi kasi registered ang number ng tumawag sa telepono ko.

“Hi Tim! Good morning!”, nabosesan ko na agad ang tumawag, nanay ni Peter, ang dahilan kung bakit ako nasa bahay na ito.

“Hello Tita! Kamusta po kayo?”, masaya kong pagbati. I was not like this when we last talked pero dahil sa ok na kami ni Peter e mas komportable na akong kausap ito.

“I am good. Ikaw? You sound so happy ngayon a. It’s nice to hear you like that.”, si Mrs Sandoval na gusto yatang pantayan ang taas ng energy ko.

“Ok naman po ako. Tita, wala po si Peter sa bahay ngayon e. Around 5 pa yung labas niya sa office, may ipagbibilin po ba kayo?”, tanong ko sa ginang na kausap ko.

“No. It’s you that I wanted to talk to sana.”,kinabahan naman ako sa sinabi niya. Baka naman kung ano na naman ang hilingin nito sa akin e.

“Ahmmm… tungkol saan po? May problema po ba?”, nag-aalangan kong tanong.

“Wala. In fact, may good news pa nga ako sa iyo e. I decided to cut the contract and you can leave the apartment anytime you want. Peter has changed so much and nagkasundo na kayo plus the fact that Abby is already here para samahan ang anak ko. I don’t see any reason for keeping the contract.”, nakabibingi para sa akin ang mga sinasabi ngayon ng nanay ni Peter sa akin. Ewan ko kung dapat bang maging masaya ako o ano? Sa loob ng sampung buwan e nasanay na ako na si Peter ang kasama ko araw-araw.

“Hijo? Are you still there?”, tawag sa akin ni Mrs. Sandoval.

“Yes, Tita. How about our debt?”

“Ok na iyon. Kalimutan na natin ‘yon. I will be giving out the proof of payment sa tauhan namin dito para maipadala sa bahay ninyo. Ok lang ba iyon?”

“Opo. So, should I leave now?”, tanong ko.

“Ikaw bahala. Alam ko namang gusto mo na ring makasama ang pamilya mo. Kung hindi man e pwede ka namang magstay pa rin d’yan if you need a place to stay in sa Manila pero you are free as a bird na.”

COURAGE (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon