EPISODE 17
*TIM’s POV*
Gabi na nang makarating sa apartment si Peter at hindi siya katulad nang pag-alis niya kanina, wala siyang imik ngayon at tila malalim ang nasa isip, hindi ko tuloy maiwasang isipin na dahil ito sa paghihiwalay nila ni Abby; hindi ko maiwasang isipin na sobra ang lungkot na nararamdaman niya sa paghihiwalay nila dahil matagal din silang nagsamang dalawa; hindi ko maiwasang isipin na napasubo na lang siya sa sitwasyong ito at ayaw na niya sa akin dahil sa una pa lang e babae naman ang gusto niya talaga at lalong hindi ko maiwasang isipin na…
“Tigilan mo na ang pag-iisip ng kung anu-ano diyan.”, biglang sambit ni Peter sa akin sabay yakap.
“Anong ibig mong sabihin?”, tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi e nabasa niya ang nasa isipan ko at ngayon e kinokomentohan niya ang kung anumang tumatakbo sa kukote ko.
“Kilala na kita at alam kong may nasa isip ka. Weirdly and honestly, I know what is running on your mind kaya I wanted to ask you a favor to not think about it anymore.”, nakangiti niyang sabi sa akin sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko mawari pero parang dahil sa hawak na iyon e kumalma ang buong kaluluwa ko, yung kaninang parang di mawaring isipan e parang ok na ngayon.
Tinugon ko na lang ng ngiti si Peter na parang sinasabi sa kanya na ok na ako at kung gusto niyang ikwento ang nangyari sa kanila ni Abby kanina ay makikinig ako.
“Pitoy, kung nahihirapan ka na nasaktan mo si Abby e willing akong maggiveway”, bigla kong entrada. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya at bumakas ang inis sa mukha.
“Tingin mo ba laro lang ang ginagawa natin? Kasi kung oo e pwedeng pwede kong gawin yung sinasabi mo pero puso na kasi itong pinag-uusapan natin e. Ako yung nakataya ditto, Tim, hindi ba pwedeng ipaglaban mo naman ako?”, tumagos ang mga salitang binitiwan niya patungo sa akin. Medyo mali nga naman ako doon sa parting iyon.
“Sorry.”, mahina kong usal.
“Alam mo malungkot ako na wala na kami ni Abby, totoo yun, pero iyon ay dahil alam kong nasaktan ko siya at hindi dahil sa mahal ko pa siya kaya wag mo na akong itulak pa sa kanya. Ok lang ba ‘yun?”, nakangiting sabi sa akin ni Peter. Tumango ako bilang tugon sa kanya at ilang saglit pa ay naramdaman ko na lumapat ang labi niya sa mga labi ko. Muli, nakaramdam ako ng assurance mula sa kanya, isang assurance na totoo ang nararamdaman niya at di siya nabigla lang sa mga desisyon niya… sa iba e parang OA pero sa akin, malaki ang ibig sabihin noon.
“May batang gustong mag-emote.”, nangingiti niyang sabi sa akin na sinagot ko lang ng pagmemake-face, para kasing napahiya ako at naramdaman kong nagblush ako sa pang-aasar niya.
Niyakap niya ako at ganun din ako sa kanya, ewan ko ba pero pakiramdam ko e sobrang saya ko, yung tipong wala naman siyang sinasabi pero kinikilig ako. Siguro ganito pag mahal mo, masaya ka kahit na wala naman talagang espesyal na nangyayari dahil ang makasama siya ang pinakaespesyal na pakiramdam. Lintik sa kakesohan talaga kapag nagmamahal.
“Birthday mo na nga pala next week, ano na ang balak mo?”, nakangiting sabi sa akin ni Peter.
“Hmmm… before that may sasabihin sana ako sa’yo.”, medyo nag-aalangan ako sa sasabihin ko kasi alam kong pwedeng di niya magustuhan at ikagalit niya pa.
“Ano iyon ‘tol?”, tanong niya sa akin.
“Balak ko kasing lumipat na ng bahay sa makalawa.”, kabado kong sabi.
“Ha? Bakit ka aalis? Ok naman tayo dito ah saka ngayon pa bang official na yung pagiging tayo?”, may halong panunumbat niyang sabi.
“Actually, yun yung dahilan kung bakit gusto kong umalis ng apartment mo. Ayaw ko naman kasing isipin ng mama mo na nandito ako nagsisiksik kasi ginagawa nating lover’s den itong apartment. Pwede siguro kung nakapagsabi na tayo sa kanila pero yung ganitong palihim pa natin na ginagawa, siguro mas makakabuti kung…”
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.