EPISODE 14
3RD PERSON POV
Habang palapit ng palapit ang mukha nila sa isa’t isa ay nagring ang phone ni Tim. Agad niyang tinalima ang telepono niyang tumutunog, ito na rin kasi yung paraan niya para maiwasan ang isang bagay na kung mangyayari e ikakakabog ng buong sistema niya. Si Peter naman e parang naistatwa sa kinatatayuan dahil hindi niya alam kung ano at bakit niya naramdaman ang naramdaman kanina.
“Sino yung tumawag sa iyo?”, tanong ni Peter kay Tim na halatang pinipigilang magkaroon ng hindi magandang tono ng pananalita.
“Si Jonas.”
“Si Jonas na naman? Ano naman ang kailangan niya sa iyo ngayon?”, naiinis na sabi ni Peter.
“Kakabati lang natin tapos gumaganyan ka na naman?”, si Tim.
“E kasi naisip ko lang naman na baka biglang umalis ka sa bahay na ito dahil dyan sa boyfriend mong hilaw lalo pa’t tapos na yung kontrata mo kay Mommy.”, pagmamaktol ni Peter.
“Boyfriend kong hilaw? Mayroon ba akong boyfriend?”, sambit ni Tim. Alam niya naman kung sino ang tinutukoy ng kaibigan niya pero isang malaking HINDI naman kasi talaga ang relationship status nila.
“Si Jonas! Sino pa ba? At wag kang tumanggi dahil ginawa niyo pang lover’s lane yung harap ng pinto natin.”, ramdam na ramdam na ni Peter ang pagkainis dahil bumabalik sa kanya ang mga eksenang magkalapat ang labi nung dalawa na parang sayang saya itong si Tim.
“Eto na naman po kami! Hindi ko nga siya boyfriend at siya lang yung humalik sa akin, medyo nasarapan lang ako ulit kaya gumanti ako.”, nakangiting sagot ni Tim, “Saka hindi pwedeng maging kami dahil may iba naman akong gusto” dagdag pa nito.
Napatigil si Peter dahil wala siyang alam na taong gusto ng kaibigan at tila may kurot sa puso niya nang marinig na may napupusuan pala ito.
“Ibang gusto? Hmmm… sino yan?”, pangungulit ni Peter.
“Bakit mo gustong malaman?”, si Tim na kinakabahan dahil sa maaaring ibulalas ng bibig.
“Wala lang. Pero di nga, sino iyon Timothy?”, at mas naging curious pa si Peter na malaman kung sino nga ba ang tinutukoy ng kaibigan.
“Wala. Hindi ko sasabihin.”
“Siguro ako iyon kaya ayaw mong sabihin?”, si Peter na nang-aasar, ang mukha niya ay nasa tapat ng mukha ni Tim.
“E kung ikaw nga, ano namang gagawin mo?”, tila naghahamong tono ni Tim na sa totoo lang ay nagulat sa mismong sinabi.
Nabalot sila bigla ng katahimikan at ang mga tibok ng puso ay tila naghahabulan at sa kalagitnaan ng kaguluhan at kaba ay isang halik ang iginawad ni Peter kay Tim, isang mapusok na halik… puno ng emosyon at ang kanilang mga dila ay nagsasayaw sa loob ng bibig ng isa’t isa ngunit makalipas ang halos isang minuto ay bumitaw sa halik si Peter at ngumiti
“yan ang gagawin ko kung ako yun. So ako nga ba?”, si Peter
Wala na namang salitang lumabas sa bibig ni Tim at ang tanging nagawa niya lang ay lumapit muli sa kaibigan at bigyan ito ng isang halik, yung mas mapusok, yung mas puno ng damdamin at mas mainit sa kanina nilang halik na pinaghatian na pinutol rin niya agad at isang mahinang sorry ang isinunod niya.
“Hindi ka naman kailangang magsorry,e. natuwa ako sa halik mo… ewan ko kung bakit pero masaya ako pero kung gaano ako kasaya ay ganon din ako kalito sa nangyayari. Masyado akong naguguluhan sa nararamdaman ko pero wala kang kasalanan.”
BINABASA MO ANG
COURAGE (bromance)
RomanceWe don't choose whom to love but we choose what we do with that love.