Jema’s POV
Saturday
Nagising akong wala ng katabi maybe naliligo na yun dahil may naririnig akong ingay sa loob ng cr ng kwarto nya, pagkatapos kong maligpit yung hinigaan namin ay nag prepare na din ako ng damit ko para maligo na sakto naman sa pag labas ni Deanna sa Cr.
“oh bata aga mo magising ngayon ah?” tanong ko sa kanya na ikina gulat nya
“a-ah w-wala fa-family bonding kasi tuwing weekend kaya sa restau mag b-breakfast sabay gala kaya bilisan mo na jan gising na silang lahat.” Pa utal utal na sabi nito
Ano na naman kayang nangyari sa batang ito tsk
“bakit di mo sinabi sa akin agad baka tayo na lang hinihintay ngayon bwiset ka talaga.”
“nag tanong ka ba? Dali na hintayin ka namin sa labas” sabi nya sabay labas na ng room nya
Naligo na ako agad at nag ayos kung matatawag bang pag aayos to sa pag mamadali ko nakakainis talagang bata yon.
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako and parang ako na lang talaga ang hinihintay nilang lahat dahil nakita ko na lahat sila ay nasa living room na.
“good morning po, sorry po kung natagalan ako.” Nahihiyang paumanhin ko dito
“it’s okay iha tara na sa restau doon na tayo mag breakfast, and Deanna bring your car na lang convoy na lang tayo bring Jema with you, we will fetch Viv and Ava baka di tayo mag kasya sa car ko” sabi ng Dad ni Deanna
Nagsilabasan naman kaming lahat at sumakay sa car, ang yaman talaga ng family ni Wong iba na naman ang car na gamit namin ngayon.
“Deans sino si Viv and Ava?” tanong ko dito, malay ko kung sino diba para mapag handaan ko hahaha
“daughter of ate Cy” maikling sagot nito
Pansin ko kanina pa ako di masyadong pina pansin ng batang to ano na naman kaya ang problema nito
“may anak na pala si Ate Cy, hindi halata ha, bakit wala sya sa inyo?” Tanong ko ulit dito
“hiraman kasi sila, ate’s partner is working abroad while ate Cy is very busy being a nurse kaya nandoon muna sila Viv sa mama ng partner nya, next week doon na naman sa house ang mga bata” ahh kaya pala hindi ko sila nakita nung dumating kami sa bahay nila
Pero wala bang bahay sila ate cy ? Hahah curios ako masyado pero di ko na tinanong sabihan pa kong paki alamera
“Ate cy have house naman, but mostly night shift sya that’s why she’s always in our house, mom tell her na doon muna mag uwian cause knowing ate baka mapurga lang sya sa mga instant na pagkain di naman kasi kami magaling mag luto” sabi nyang bigla sa akin
“di naman ako nagtatanong ah” sabi ko dito kahit curios naman talaga ako haha
“sinagot ko na baka nahiya kapa mag tanong eh” sabi nya pa
After a while ay nakarating na kami sa isang mamahalin na restaurant. Bigla namang nahiya yung suot ko pagpasok namin, sobrang elegant ng lugar may mini fountain pa sa loob nito and ang lalaki ng chandelier.
Di talaga bagay mag shirt and jeans dito, tiningnan ko suot nila Deanna pareha lang naman ng sa akin pero iba talaga ang datingan nila masyadong magaganda ang lahi nila para di madala ang mga suot nila.
Umupo na kami and si sir Dean na ang nag sabi sa waiter kung ano ang mga order namin.
“young lady what can you say about this place?” biglang tanong ni sir Dean sa akin