DEANNA’S POV
Katatapos lang ng training sa araw na to and it’s been 1 week noong humingi ako ng favor para sa surprise na gagawin ko at sa 1 week na yon ay nag focus ako sa pag plan ng mga gagawin ko para sa surprise.
“Pongs may class ka pa ba after lunch?” tanong ko dito habang nag aayos kami sa sariling mga gym bag namin.
“ wala na, di daw kasi papasok si prof. Bakit?” Ponggay
“good, wala na din kasi akong class eh so ngayon na tayo bumili ng mga gagamitin natin” sabi ko dito, tumingin naman sya sa akin na parang nagtataka.
“gagamitin para saan Deans?” tanong nya sa akin na parang di na iintindihan kung ano ang sinasabi ko.
“labo mo naman Pongs diba pumayag ka na tutulungan mo ako sa surprise ko para sa anniv. Namin.” Sagot ko dito habang naka pout
“ngayon na ba tayo mag uumpisa parang masyado pa yatang maaga para mag prepare sa surprise mo, hindi ka ba napagod sa training natin?” sabi ni Ponggay
“wala na kasi tayong masyadong time eh magiging busy na tayo sa upcoming games tsaka grab na natin yung time na to na pareho tayong hindi busy” sagot ko naman sa kanya
“ok sige wala rin naman na akong gagawin, tara na para makapagpahinga na rin tayo pagkatapos.”
JESSICA’S POV
“Inspired na inspired si captain ah masyadong ginalingan eh sakit ng kamay ko sa pag receive ng bola” pang aalaska sa akin ni Berns habang hawak nya ang kamay na namumula pero naka ngiti ng nakakaloko.
“sinabi mo pa napagod nga din ako sa kakahabol ng bola, tsaka ikaw ba naman pag setan ng mahal mo hindi ka pa ba ma iinspired.” Gatol naman ni Ellie sa sinabi ni Berns.
“yan dyan kayo magaling eh sa pang aasar sa akin, syempre gagalingan ko talaga Berns para makapasok naman tayo sa finals noh yun kaya yung goal ko sa team natin.” Sabi ko sa kanila habang inaayos ko ang mga gamit ko.
“ano ba yan mare nakaka pressure ka naman masyado, hahahah buti pa libre mo nalang ako para di puro volleyball ang pinag-uusapan natin.” Singit ni Kring sa usapan namin.
“kasi naman po last playing year ko na kaya to , regalo ko na din sa sarili ko pagnagkataon na maka pasok tayo kahit final four lang noh and sorry besh may date kasi kami ni Fhen ngayon kaya got to go girls hinihintay na ko ni Fhen sa labas see you next training.” Nag wave na ako sa kanila habang papalabas ng gym nag txt na kasi si Fhen at hinihintay nya na ako sa labas, routine na din namin to na after every training ay mag de-date kami pag pareho kaming hindi busy
“oh hon ba’t ang tagal mo nakalabas nagugutom na ako tsaka gusto ko narin mag pahinga nakakapagod kasi ang training natin ngayon.” Salubong sa akin ni Fhen at hinalikan ako sa pisnge.
“kilala mo naman kasi si Berns at Ellie ang lalakas mang asar kaya ayon natagalan ako sa loob, ako na lang mag d-drive para maka pag pahinga ka kahit konti.” Sagot ko dito pagkatapos ko syang yakapin.
“ wag na hon ako na lang mag d-drive alam ko namang pagod ka rin eh bilisan na lang natin mag lunch para makapagpahinga na tayo sa dorm pagkatapos.” Ngumiti na lang ako at sumakay na sa kotse nya para maka-alis na rin kami.
Nakarating na kami sa restaurant na pagkakainan namin at naghihintay na lang kami sa inorder namin, habang si Fhen ay busy sa kanyang phone kaya kinausap ko muna ito kasi nabobored na ako.
“hon kamusta nga pala school mo, wala ka na bang paper works na gagawin?” lagi akong nag u-update sa pag-aaral nya kasi ayaw ko din naman na puro ako at volleyball lang ang iniisip ng gifrlfriend ko.
“ahm ok lang naman magiging busy na rin kasi naghahabol sa shed. Isama mo pa yung training araw-araw.” Sagot nito ng hindi tumitingin sa akin at busy pa rin sa phone nya.
“hon kala ko ba gutom ka ito na pagkain natin oh ano bang pinagkakaabalahan mo?” usisa ko dito dahil wala naman sa akin o sa pagkain ang atensyon nya.
“wala to hon tiningnan ko lang sa GC yung activity na gagawin namin, sige na kain na tayo.”
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa dorm para makapag pahinga.