JEMA'S POV
"Ano Jema ganyan ka na lang palagi? Kung di makakatulog ng lasing makakatulog naman kakangawa anong mapapala mo jan sa kakaiyak sa hinayupak mong ex?" pagkaupo ko pa lang para mag breakfast sermon na agad ni ate Jovy ang narinig ko.
After ng graduation ay lumipat agad ako ng apartment, pumunta ang family ko sa graduation pero umuwi din sila agad pagkatapos dahil may klase pa si Mafe nagpa iwan naman si ate Jovy dito para tulungan ako mag lipat pinilit pa nga ako ng parents ko na umuwi muna sa amin pero hindi na pwede dahil umpisa na rin ng training namin sa club team, nanagako naman ako kila nanay na pag may time dadalaw ako sa kanila.
"ano tutunganga ka na lang jan? Sumagot ka, san na yung hayop na Fhen na yun wag lang sya magpapakita sa akin, talagang makikita nya ang hinahanap nya ang kapal ng mukha ng babaeng yun"
simula ng malaman ng family ko ang nangyari galit na galit na sila kay Fhen isang beses na nga lang daw sya humarap sa parents ko at nangako na di ako sasaktan hindi pa daw tinupad
"ate ano ba! Ang aga-aga ang ingay mo" sabi ko dito
"anong maaga eh almost lunch na pero pang breakfast mo pa yan dahil late ka nanaman nagising tsaka mag-iingay ako kung kailan ko gusto para lang magtigil yang ka ngangawa mo sa kupal mong ex" mahabang sagot naman ni ate
"anong magagawa ko eh mahal na mahal ko yung tao eh" pagkatapos kung sabihin yun ay automatic na may dumapong kamay sa ulo ko letse ang sakit ng batok ni ate
"aray ang sakit non ah!!!" sabi ko sabay irap, bwiset ang lakas non parang umalog utak ko
"huwag mo akong ma irap-irapan Jema ha baka dukutin ko yang mata mo at anong mahal? Tigil tigilan mo na yang nararamdaman mo sa Fhen na yun dinig ko hina habol-habol mo pa yun ayusin mo yang kinikilos mo buhay at bukas mo na ang sinisira mo dahil sa babaeng yan" mahabang sabi ni ate Jovy habang tinuturo turo ako
"di naman kasi ganon kadali yun ate eh mahal ko yung tao kaya hayaan nyo muna ako"
Lumipat na ako sa sala dahil tapos na rin naman akong kumain sumunod naman si ate at umupo sa couch katabi ko
"alam mo ba nung nandito pa si Justin sabi nya hanggang kaya nya walang makaka panakit sa inyo ni Mafe lalo na sayo, na alala mo ba na kahit na may iniinda na syang sakit gusto nya pa ring masaya ka, sya ang unang nagagalit pag may umaaway at nananakit sayo sya din ang mas nasasaktan kapag nakikita ka nyang umiiyak, diba sabi ni Justin dati gustong gusto nya makapaglaro ng volleyball pero hindi nya kaya dahil mahina na sya kaya nangako ka na ikaw ang tutupad non para sa kanya... "
pareha na kaming umiiyak ni ate huminga muna sya ng malalim bago ituloy ang sasabihin nya
"... Pero anong ginagawa mo ngayon Jema? Hindi lang pangarap mo ang sinisira mo pati pangako mo kay Justin sinisira mo na din ng dahil lang iniwan ka, naiintindihan namin na nasasaktan ka pero yung sabihin mo na hayaan ka na lang namin hindi ko kaya yun, kaya please ayusin mo na to. " yakap yakap na ako ni ate ngayon dahil ang lakas na ng iyak ko
" sorry ate, sorry ang sakit parin kasi talaga ate eh sorry" sabi ko dito habang umiiyak
"ok lang naiintindihan ko, naiintindihan ka namin pero tama na kakaiyak ha" sabi nya habang pinupunasan ang luha ko
"opo ate aayusin ko na po to mag fofocus na lang ako sa volleyball" sabi ko at nag punas na rin ng luha
"hayyys Margarett college graduate kana pero ikaw pa rin yung uhuging baby namin ni Justin" asar ni ate sa akin
"namiss ko yun ate, namiss ko yung ate ko na tumatawag sa akin ng Margarett miss na miss ko na si ate Justin" mahinang sabi ko dito, hinimas nya naman ang likod ko... Ganito lagi ginagawa nila ate sa akin pagkatapos umiyak
"sure ako binabantayan tayo nun kaya wag kang iyak ng iyak dahil sa ex mo dahil malulungkot yun ikaw din baka multohin tayo non" biro ni ate kaya natawa na lang din ako
Hayssst buti na lang nandito si ate para pagsabihan ako sa mga mali ko, tama si ate sayang lang ang oras ko kung mag mumokmok at iiyakan ko si Fhen aayusin ko na ang buhay ko para sa pamilya ko at para kay ate Justin.
DEANNA'S POV
"Izabellaaaa bumaba ka dito!!!!!" pag bukas ko pa lang ng door ng room ko para lumabas eh sigaw agad ni mommy ang narinig ko
"bakit po mom? By the way good afternoon mommy" sabi ko dito sabay halik, nakita ko naman na parang mas nagalit si mom
"tinanghali ka na naman ng gising ang laki na talaga ng pinayat mo, pinapasabi ng coaching staff nyo na pinapabalik ka na dahil may mga bagong announcement na sasabihin sa inyo" haysss kailan pa nanging bungangera si mommy, and what?
"what? New announcement? Para saan daw? Bakit di ko alam yan?" tanong ko kay mom
"that's what I'm talking about, ikaw ang member pero wala kang ka alam-alam, now you have to decide take over to the business or babalik ka na ng manila sunod bukas?" sasagot na sana ako ng bigla akong inakbayan ni ate Cy at ate Nichole
"mom easy kumukunot na naman yung noo mo oh mamaya na mag d-decide si sachi for now mag d-date muna kami" sabi ni ate Cy kay mom sabay hila sa akin pabalik sa room para raw maligo at makapag bihis
"sachi your treat ha salamat in advance hahaha" sabi ni ate Cy habang namimili ng susuotin ko
"what! Kayo nag aya tapos ako gagasto?" pag palag ko dito sabay hilata sa bed ko
"here, wag ka nang umangal treat us for saving your ass there earlier, simula nung umuwi ka talak na yan ng talak si mommy tsk ikaw naman kasi nagpapaka broken dun sa ex mong di kagandahan" sabi ni ate Nichole sabay bato ng towel sa mukha ko, sapilitan naman nila akong pinapasok sa cr para maligo na..
Nandito na kami ngayon sa mall ang ending whole family ang date namin, celebration na din daw sa pagiging best setter ko last season, naalala ko na naman ang advice ng siblings ko sa akin
"mas better kung maglalaro ka na lang Deans at least alam mo goal mo" - ate Cy
"and besides ate kahit mag matigas ka na hindi mag laro and hindi i handle ang business sa manila, for sure ipapatapon ka sa states para sapilitang ihandle yung ibang business doon" - Joseph
"hayssss sachi alam naman namin kung anong gusto mong gawin eh di mo naman igi-give up basta basta yung mga pinag paguran mo kaya wag kang madrama jan"- ate Nichole
Haysss see you again Manila...