JEMA'S POV
Akala ko maicecelebrate namin ni Fhen na kami kami lang yung birthday nya pero nag plano pala ng surprise celebration yung Mom nya kaya change of plans sinabihan ko na lang si Fhen na dinner for two na lang kami mamaya kaya ang pagkaka alam nya ay may lunch lang sila ng family nya di rin kasi nya alam na invited ang buong team mamayang lunch.
"hey mom meet your future daughter in law Van, and Van meet my mom."
"oh i thought you and your captain...."
"mom wag kang magpapaniwala sa issue okay we're just team mates"
Nasa bukana na ako ng pintuan nila Fhen ng narinig ko sila ng mama nya na nag uusap sa sala nila, parang napako yung mga paa ko sa narinig ko, aatras na sana ako ng nakita kami ng kasambahay nila Fhen
"ma'am nandyan na po ang mga bisita nyo" sigaw ni manang na dahilan para makuha ang atensyon ng lahat ng tao na nasa loob, tiningnan ko ang mga team mates ko pero nakatingin lang din sila sa akin pareha ko na maski sila ay di alam ang gagawin
Yumuko muna ako at bumuntong hininga bago ngitian ang mama ni Fhen
"hello po tita thank you po sa pag-invite sa amin" bati ko dito sabay beso
"naku wala yun iha and team mates kayo ng anak ko kaya welcome kayo dito." sagot nya sa akin, ngiti lang ang itinugon ko dito
"anak I invited them pala, close talaga kayo ng Captain mo noh? I guess that's a gift for you" sabi ng mom nya na nakatingin sa maliit na box na dala ko
"ahm happy birthday Fhen gift pala ng team sayo" bati ko kay Fhen
Tahimik lang ito na naka tayo sa gilid na may kasamang babae ito yung babae na kasama ni Fhen sa mall ah, kinuha ni Fhen yung regalo ko sa kanya at binuksan
"oh hon look my gift is the same from their gift" singit ng katabi na babae ni Fhen
Dun ko lang napansin ang suot na relo ni Fhen, tangina lang gusto ko ng umalis sa bahay na to, kanina ko pa pinipigilan yung luha na gustong lumabas sa mga mata ko, parang may bumara sa lalamunan ko ang bigat sa pakiramdam
"Fhen why don't you introduce your girlfriend to your team mates para makakain na tayo" suggest ng mom ni Fhen
Tinitigan ko lang si Fhen na ngayon ay naka tingin na sa akin
"hey hon tulala ka jan, by the way I'm Van nice to see you guys" sabi ni Van dahil parang di na alam ni Fhen kung ano ang sasabihin nya.
Pagkatapos kumain ay niyaya kami ng parents nya na uminom ng konti tahimik lang ako dito na nakikinig tinatanong nila yung babae kung paano nag simula ang relationship nila sagot lang ng sagot yung si Van pero si Fhen naka yuko lang di sya sumasabat sa usapan puro tango at ngiti lang ang sagot nya kung tatanongin sya
"ano nga palang trabaho ng parents mo Van?" tanong ng papa ni fhen
"ahm my family is in to business po tito actually sooner or later ipapamana na nila ang company sa akin, ma and Fhen talk about our future na din so after we graduate we will accomplish those plans po" mahabang sagot ni Van sa parents ni Fhen
"wow! So you're planning for your future already might as well you will start calling us Dad and Mom na din"
Ang sakit, ang sakit pakinggan na yung taong mahal na mahal mo may plano na sa future pero di ikaw ang kasama, ang sakit na kahit wala silang ginagawa unti unting natatapakan ang pride ko, na sa bawat papuri na naririnig ko kay Van ay parang harap-harapang pang iinsulto sa pagkatao ko
Nagpipigil lang akong umiyak kaya ang hirap huminga napansin yata ito ni Kring kaya nag paalam na kaming umuwi, si Kring na ang nag drive ng kotse ko dahil pagkalabas ko pa lang ng gate nag uunahan ng lumabas ang mga luha ko hanggang maka pasok ako ng kwarto namin, sobrang sakit..
"besh tama na yan kanina ka pa iyak ng iyak eh" yakap yakap ako ni Kring habang humihikbi
"ako... Ako dapat yun besh eh, ako yung nauna pero bakit ganon?"
"3 years na besh... 3 years na kami mas matagal kaysa sa 5 months pa lang pero bakit parang ako yung kabit? Bakit mas pinakilala nya pa yung bago nya kaysa sa akin.? Dahil ba mas masyado akong focus na ma achieve namin ng sabay yung ngayon kaya hindi ko napag planohan yung future namin? Bes bakit ang sakit?" hindi na ako sinagot ni Kring yinakap nya na lang ako habang umiiyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pagod.