JEMA'S POV
Game day ngayon at Ateneo ang kalaban namin and para sa team namin it is a do or die match kahit may next game pa kami because of the team standing , pag nanalo kami pasok na sa final four, pinaghandaan talaga namin ang Ateneo ngayon.
Nag uumpisa na kami mag warm-up nang mahagip ko yung Wong na nag se-set na alala ko na naman yung banggaan sa mall napaka yabang nya talaga napaka salungat ng dini describe nila ate Ji, nag sorry na nga si Fhen di man lang nakinig buti na lang napigilan ko si Fhen na napaka mainitin din ang ulo muntik pa tuloy silang mag bangayan.
Pagkatapos namin mag warm-up ay pumasok na ang Ateneo sa court para sila naman ang mag warm-up
*And Ateneo defeated the lady falcons in fifth set!! *
Mga katagang narinig ko para matauhan ako
We lost....
Wala ng final four....
Wala ng championship para sa amin, para sa akin....
Tumayo na ako sa pagkaka upo at pumunta kay coach air
"coach I'm sorry, sorry for disappointing you" sabi ko kay coach habang umiiyak, yinakap nya ako para i comfort
"no one's at fault captain, you did your best and I'm so proud of you" sagot ni coach habang hinihimas ang likod ko, napa hikbi na lang ako sa sinabi ni coach
"now go you should congratulate the opposing team"
Umalis ako sa pagkakayakap kay coach para mag pasalamat sa kalabang team. Ng nasa gitna na ako ng net ay nagka titigan kami ni Wong she smirk when she reach my hand na kinainis ko, yumuko na lang ako dahil nag babadya na namang tumulo ang luha ko.
Nakaka disappoint, kung hindi lang ako nag stare down edi hindi din nya ako binawian, nakaka intimidate ng inistare down din ako ni Wong pa balik, ng dahil sa stare down na yun masyado kung iniingatan bawat spike ko which is hindi naka tulong dahil nabasa na talaga nila ang atake namin
Iyak lang ako ng iyak ng nilapitan ako ni Fhen
"hon tama na yan, you did your best and that's enough okay." sabi ni Fhen sa akin
"no hon, mas may mailalabas pa ako eh, mas may maibibigay pa ako, napaka pabaya ko hon kaya naman nating maipanalo yung kanina eh" sagot ko habang umiiyak pa rin, lumapit ang ibang team mates namin at niyakap ako
"we all did our best Jema kaya wag mong sisihin sarili mo siguro hindi talaga para sa atin to kaya tahan na ok" sabi ni Kring sa akin.
Pagkatapos naming mag usap-usap ay naligo na kami at umalis ng arena.
"hon kain muna tayo bago pumuntang dorm" yaya ko kay Fhen habang nag d-drive sya
"sorry hon ha may gagawin pa ako eh, may tatapusin pa kami ng ka group ko" sagot nya ng hindi tumitingin sa akin
"sige okay lang ingat ka sa lakad mo okay?"
Pagka dating namin sa dorm ay hindi na bumaba si Fhen para ihatid ako, pagka baba ko pa lang sa kotse nya ay pina andar nya agad ito, haysss lage na lang talaga, busy sya masyado wala na kaming oras sa isa't isa.
Papasok na sana ako sa kwarto ng tawagin ako ni Kring
"hoy besh san jowa mo? Tara kain tayo tsaka gala na rin nakaka stress matalo my ghad" aya ni Kring na hinihilot pa ang ulo nya
"may lakad si Fhen besh eh pero hintayin mo ako bihis muna ako nagugutom na rin kasi ako eh" sagot ko dito at pumasok na sa kwarto para makapag bihis
---
Katatapos lang namin kumain ni Kring at nag aya sya namag libot-libot muna dahil stress daw sya sa pagkatalo namin sumama na lang ako dahil wala naman akong gagawin sa dorm
"besh si Fhen ba yun? " tanong ni Kring habang may tinuturo sa loob ng restaurant
"ahh oo yata?" sabi ko, naka talikod si Fhen sa amin at may kasama syang babae na may bitbit na paper bag
"tara puntahan natin besh, sino kasama nya?" dagdag na tanong nya pa
"naku wag na besh nag paalam naman sya kanina na may gagawin silang project baka may binili lang sila dito tsaka kakain lang, mamaya maka istorbo lang tayo sa kanila" sabi ko kay Kring sabay hila dito
Pagkatapos naming gumala ay umuwi na kami sa dorm, nag text na rin si Fhen sa akin kanina na di sya dito matutulog kasi pina uwi sya sa kanila
DEANNA'S POV
Katatapos lang namin mag training and napag pasyahan ng team na manood ng game ng ADU vs. UST na gaganapin daw dito sa BEG nag uumpisa na yung game kaya umupo na kami sa unahan
"ang lakas talaga ng Queen falcon"
"grabe yung Galanza pawisan na pero maganda pa rin"
"balita ko ka team na yan nila ate Ly sa CCS ang galing nya noh"
Ilan lang yan sa papuri na naririnig ko tungkol kay Jema, tsk naalala ko yung stare down nya sa akin ang yabang talaga pero di naman mapanindigan kasi nung binawian ko ng stare down biglang nag off yung play nya, I smirked at her ng matapos ang game pa nga eh she deserves it naman para mabawasan man lang ang kayabangan nya sa katawan.
Natapos ang game na nanalo ang Adamson, nagka yayaan nang umuwi kaya nag sitayoan na kami, nakita ko na naman sila Samantha at Ethan na nag uusap sa di kalayuan kaya huminto muna ako para pag masdan sya
na mimiss ko na talaga sya sobra...
"hey Deans let's go" tawag ni ate Bei sa akin ng huminto ako, inakbayan nya ako at tumingin sa direksyon ng tinitingnan ko
"she's happy na ate Bei" unti unti na namang pumapatak ang luha ko
"ngayon ko lang napansin na they really look good together"
"kailan ba ako mapapagod kakaiyak ate? Ang sakit sakit pa rin kasi talaga eh"
Hindi ako sinagot ni ate Bea, she just put her towel sa ulo ko para siguro walang maka kita na umiiyak na ako, naka yuko ako habang nag lalakad ate Bea is tapping my shoulder assuring me na nandyan lang sya para makinig
F*ck this feeling, kung sino pa ang unang nang iwan sila pa ang masaya
Ang sakit lang....