DEANNA'S POV
Malapit ng matapos ang pinapa nood namin ng nag ring ang phone ni ate Mads
"hello ate Ji"
"ok po we'll prepare muna"
"sige see you later" after the call ay tumingin sya sa amin"guys prepare na, ililibre tayo ni ate Juju" ate Mads said
Automatic naman na umingay at nag unahan na pumasok sa mga rooms nila. Naiwan si ate Mads at ate Bei na nakatingin sa akin I know na yayayain nila ako kaya inunahan ko na sila
"don't want to, dito lang ako I want to sleep."
Pagkatapos ay napag pasyahan ko na umakyat na sa room nasa hagdan na ako ng nag vibrate ang phone ko
*Ate Juju calling*
"tsk" pagkasagot ko ng tawag ay nag salita agad si ate Jia
"pag di ka sumama kami ni ate Ly kakaladkad sayo" pagkatapos nyang sabihin yun ay binaba nya na agad yung tawag
Urrggghh!!!! sometimes I really hate ate Ji when she's so bossy and I can't do anything about it. After the call nagbihis agad ako para makasabay sa kanila papunta sa mall.
----
"oh ji napadalaw kayo" tanong ni ate Ly ng nakita nya kami
Tingnan mo to akala ko pa naman plano nilang dalawa to parang alam ko na plano ni ate Ji umandar na naman pagka kuripot nito
"ah oo ate Ly diba ililibre natin sila diba?" sagot ni ate Ji and kiss ate Ly sa cheek we also did the same at sumunod kay ate Ji sa VIP room
"akala ko pa naman kung saan mo kami ililibre ate dito lang pala" maktol ni Jules kay ate Ji
"ang lalakas nyo kaya kumain kaya dito na lang worth it yung bayad tsaka may discount pa" sagot ni ate Ji sabay ngise kay ate Ly
"bwesit ka Ji budol to ah malulugi resto ko eh ang lalakas lumamon nyang mga bitbit mo" sabi ni ate Ly at pinagtuturo kaming lahat.
Nakikinig lang ako sa kanilang lahat habang nag kukulitan, minsan sinasali nila ako sa usapan pero tango at pekeng ngiti lang ang sagot ko sa kanila, hanggang matapos kaming kumain ay di nila ako naka usap ng matino.
After sa resto ni ate Ly ay nagyaya sila na maglibot sa mall, kay ate Ji na lang ako sumabay habang nag hiwa-hiwalay na yung iba
"kamusta ka na Deans" ate Ji starts to open up the conversation at sa lahat ng questions yan ang pinaka ayaw kong marinig
"ok lang naman ate" sagot ko rito pero di ko sya tiningnan
"yan ba ang ok sayo Deans? Ayusin mo yang buhay mo Deanna di ko gusto yung mga naririnig at nakikita ko ngayon" ate Ji
Yumuko na lang ako dahil di ko alam ang isasagot ko, nagpaalam si ate Ji na mag ccr muna kaya hinintay ko na lang sya dito sa labas
Naalala ko na naman yung sinabi ni ate Ji hayssss anong ineexpect nila? Na magiging masaya ako dahil niloko ako? Na maging okay ako dahil pinag palit ako sa past nya?
Nasa malalim akong pag-iisip ng may bumangga sa akin
"what the!!" nasa gilid na nga nabangga pa
Pag tingin ko sa bumangga sa akin ay nakita ko si Emnas yung setter ng Adamson
"sorry bro di ko sinasadya may tumatakbo kasi natulak kami" paliwanag nya sa akin
"huwag mo akong i-bro di kita kapatid tsaka sa laki ng daan mang babangga talaga kayo?!!" sagot ko dito I really get pissed easily lalo na at kaharap ko ang Galanza na to
"di ka ba nakikinig sabing nabangga nga lang din kami di namin sinasadya yun" sabi pa ni Emnas
"whatever" sagot ko na lang at inirapan sila
"sungit" dinig kong sabi ni Galanza, tinitigan ko lang sya at tinaasan ng isang kilay naiinis talaga ako sa mga taong tulad nya
"cheater" sagot ko sabay tingin sa kanilang dalawa, nagulat na lang ako ng itulak ako ni Fhen
"ano sabi mo?" tanong nya sa akin, aba!! Bakit sya pa affected di naman sya ang sinabihan ko
Pinigilan naman sya agad ni Galanza, gaganti na sana ako ng dumating si ate Ji
"tara na Deans hatid na kita" sabi ni ate Ji, napansin nya naman agad yung nasa harap ko
"oh hi Jema, wala kayong training?" tanong ni ate Ji dito
"wala ate may game bukas eh kaya relax muna by the way ate ito si Fhen Emnas gf ko po" pakilala ni Jema daw sa gf nya, nag shake hands naman si ate tsaka si Emnas
"ok see you na lang sa training Jema ihahatid ko pa kasi to" paalam ni ate Ji sa kanila
"so kilala mo pala yung dalawa?" tanong ni ate Ji habang nag d-drive papunta sa dorm
"hindi ate Ji nabangga lang nila ako kanina, bakit kilala mo si Galanza ate?" tanong ko pabalik dito
"ah yun ba, bagong recruit ng club namin nakakasama na rin namin sa training kaya naka close na namin ni ate Ly, mabait din yun" ate Ji
Yun mabait? Eh ang maldita nga tingnan eh tsaka cheater pa, sagaran din panloloko nun paano kaya nya nagagawa na sumama at ipakilala sa iba yung jowa nya kung may iba pa syang nilalandi tsk sayang maganda sana pero di marunong ma kontento sila pa yung minamahal nag hahanap pa talaga ng iba at lalaki pa talaga nakaka baba ng moral sa aming naloloko yung ganun sana iniwan na lang nila kaysa sa pinag sasabay-sabay tsk.
"oh bata baba na ayusin mo yang buhay mo Deanna ha" huling sabi ni ate Ji bago sya umuwi, di ko man lang sya nasagot ang dami dami ko kasing iniisip
Pumasok na ako sa dorm para mag handa para sa game namin bukas laban sa lady falcons.