JESSICA'S POV
"Hon sorry kanina kung akala mo nasigawan kita ha di ko sinasadya sorry." biglang sabi ni Fhen habang naka unan ako sa braso nya at nakayakap sa tummy nya.
"wag ka ngang biglang nagsasalita hon nakakagulat ka, akala ko tulog ka pa and you don't need to say sorry ok, naiintindihan ko" sagot ko dito at tumingala para makita sya, she smiled at me and kiss my hair
"thank you hon, sige na mag prepare ka na I'll date you na lang para maka bawi ako cause I will be busy na rin sa pag comply ng paperwork sa school next week" - Fhen
"okay hon wait lang magbibihis muna ako" I kissed her sa cheek bago ako tumayo, pumunta ako ng bathroom to change my clothes pants and shirts lang kasi ayaw ni Fhen na nagsusuot ako ng short shorts except pag nasa court may pagka strict si Fhen sa akin dapat kailangan ok sa kanya ang mga ginagawa or sinusuot ko sinusunod ko na lang para di kami mag away.
After kong mag bihis ay lumabas na ako and I saw Fhen waiting for me naka bihis na din pala ito.
"tara hon gala tayo sa mall" yaya nya sa akin and grab my hand palabas ng dorm. Pag dating namin sa mall ay naglaro lang kami sa arcade and nag window shopping kasi wala naman kaming bibilhin.
After ilang hours ay niyaya nya na akong mag dinner sa mamahaling restaurant
"ahm hon grabeng bawi naman tong ginagawa mo may reservation pa talaga ha." I said and smiled at her
"syempre naman ikaw pa, and I told you na magiging busy na ako soon so di na natin magagawa to" sagot nya sa akin habang kumakain
"by the way thanks hon for this day wag mang bababae habang di tayo magkasama ha." biro ko dito, bigla naman itong nasamid habang kumakain kaya binigay ko yung tubig sa kanya.
"hey are you ok?" I ask her at tumayo para himasin ang likod nya
"I'm okay hon nagulat lang ako sa biro mo alam mo naman na di ko magagawa sayo yan diba, finish your meal na uwi na tayo pagkatapos napagod kasi ako sa mga pinag gagagawa natin." mahabang sabi nya at pina balik na ako sa inuupoan ko kanina.
After eating umuwi na kami sa dorm hayyyysss this day is tiring but I'm happy dahil nakasama ko si Fhen ngayong araw sayang lang kasi minsan na lang namin to magagawa dahil busy na din sa school at sa team but ok lang lagi ko rin naman sya makakasama sa training.
DEANNA'S POV
Nandito ako sa dorm ngayon naka upo sa couch habang nilalaro ang cellphone ko ng dumating si ate Bei at Ponggay
"good evening ate Bei and Pongs bakit ngayon lang kayo? Kanina pa naka uwi yung iba ah." tanong ko dito ng makapasok na sila
"nag mall lang best may binili kasi ako and si ate Bea naman may binili na books" napatingin naman ako sa hawak na paper bag ni Ponggay, I smile at her kasi yung mga pinamili nya is yung gagamitin namin para sa surprise na gagawin namin
"yeyyy thanks sa pag tulong sa akin bes ha, sorry kung di kita nasamahan sa pamimili nyan" sabi ko sabay turo ng mga pinamili nya
"it's okay Deans magkasama naman kami ni ate Bea kanina" - Ponggay
"ang aga mo yata umuwi? Past 6 pa lang ah akala ko mag d-date kayo ni Sam pagkatapos mo syang sunduin?" tanong ni ate Bei na ngayon ay naka upo na sa couch
"may gagawin daw sya te kaya hinatid ko na lang sya pauwi" sagot ko kay ate
Nagka tinginan naman silang dalawa sa sinabi ko hmm parang may ibig sabihin yung mga titigan nila.
"bes pwedeng mag usap tayo after dinner? Yung tayong dalawa lang." Ponggay said in a worried tone
"ano yun Pongs parang seryoso yan ah baka mag confess ka sa akin ha di tayo talo tsaka mahal ko si Samantha alam mo yun" biro ko sa kanya habang natatawa
"sira di yun mangyayari nuh basta usap tayo mamaya buddy ha" she slightly smile before going to our room para mag bihis.
Nang matapos mag luto si ate Kat and Jules ay tinawag ko na sila lahat para sabay-sabay na kaming kumain, syempre pag nag sama-sama ang team di talaga pwedeng di mag ingay kaya matagal din kaming natapos sa pagkain.
"Deans tapos ka na?" sabi sa akin ni Ponggay pagkatapos nyang mag hugas ng kamay
"malapit na Pongs tapusin ko lang to" sagot ko sa kanya habang pinag papatuloy ko ang pag kain
"sunod ka na lang sa room pagkatapos ha" sabi ni Ponggay sa akin tumingin muna sya kay ate Bea bago sya pumasok sa room namin.
Tinapos ko na agad ang pagkain ko and after washing my hands sumunod na ako sa kwarto, mukhang seryoso talaga ang pag uusapan namin ni best friend.
"what is it buddy? May problema ka ba bakit hindi ka mapakali?" tanong ko dito ng madatnan ko na pabalik balik ang lakad nya sa kwarto
"Deans please listen to me ok, and always remember na we are always here for you" sabi ni Pongs sa akin habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko
"ok spill it makikinig ako wag mo na akong bitinin kinakabahan na ako sayo eh" sabi ko sa kanya honestly kinakabahan na talaga ako namamawis na nga yung kamay eh, ngayon ko pa lang kasi naka usap si Pongs ng masinsinan at ganito pa talaga sya ka seryoso na naka titig sa akin
"Deans I think Samantha is cheating on you, ahm I mean Samantha is cheating on you and I'm sure about it."
