DEANNA'S POV
Season 80 is over natapos ang season na di man lang kami naka abot sa final four, the school gave us 3 week break kaya umuwi muna ako dito sa Cebu para makapag pahinga and to talk to my parents na di na ako mag lalaro ng volleyball, dalawang linggo na ako dito pero di ko pa rin nasasabi sa kanila na ayaw ko ng mag laro puro inom lang kasi ang inatupag ko, uuwi akong late na tulog na ang parents at kapatid ko tapos pag umaga di ko na sila naaabutan dahil papasok na sila sa trabaho, minsan na rin akong napasabak sa gulo pero dahil isa akong WONG abswelto agad ako kaya di nakakarating sa parents ko
"ma'am Deanna kakain na daw po sabi ng parents mo" katok ng isang kasambahay namin dito sa kwarto ko
Weekend ngayon kaya siguro hindi pumunta sila mommy sa company, bumaba naman ako agad para kumain and ngayon ko sasabihin na di na ako maglalaro next season
"what's wrong with you Izabella?" bungad na tanong ni mom sa akin
"what Mom?"
"look at yourself you're drunk again!!" sagot nito sa tanong ko at tinuro turo pa ako, di ko na lang ito sinagot at umupo na katabi ang kapatid ko
"Judin enough already we'll talk later" suway ni dad kay mom dahil tatalakan nya na naman sana ako
"Izabella go to my office after this, me and your mom wants to talk to you" sabi ni dad, tumango na lang ako dito
Pagkatapos kumain ay sumunod na ako sa kanila dahil nauna na silang pumasok sa office ni dad, pina upo nya ako sa couch na nasa office nya at dun naman sila umupo sa couch na nasa tapat ko
"what's happening to you Izabella? You've been here for two weeks pero inom ka lang ng inom, kung di ka yayayain di ka rin lalapit sa amin." pasigaw na tanong ni mon
"nothing mom"
"anong nothing kamusta na grades mo? yung volleyball career mo?" - mom
"I don't want to play anymore mom" sabi ko dito
Nagulat naman si dad sa sinabi ko, he's the one who helped me para ma achieve tong goal ko na makapaglaro ng volleyball sa isang sikat na University kaya ganyan na lang ang pagka gulat nya sa sinabi ko
"why sachi is there something wrong?" tanong ni dad sa akin yumuko na lang ako, ano bang isasagot ko na nakakapagod na, na nakakawala na ng gana
"is this because of that girl Izabella?" tanong ni mom and this time ako naman ang nagulat
"do you think di namin alam lahat? Lagi ka na lang lasing ilang beses ka na ding napaaway hindi ka namin pinakikialaman but that doesn't mean na hindi namin alam ang pinag gagagawa mo!!!" galit na galit na talaga si mommy sa akin and I don't have the guts na sagutin sya
" grow up Izabella ayusin mo yang buhay mo" dagdag pa ni mom
"mom ayaw ko na po talaga mag laro please understand"
"in one condition Izabella hindi ka na mag lalaro pero ikaw na ang mag ha-handle ng business natin sa manila" - mom
"what?!! No mom you know that I don't want to handle your business!!"
Matagal na nila akong pinipilit na mag handle ng business nila but I always decline it ang laki ng scope ng business ng family namin and hindi ko gusto ang ganong kalaking responsibility. Ate Cy, Ate Nichole and Joseph they took up medicine kasi ayaw din nila mag manage ng business namin napilit lang ako ni dad na business ang kunin na course dahil nagpa tulong ako na maka pasok sa varsity because it is really my dream na maka paglaro sa UAAP but now parang bumaliktad na lahat
"choose Izabella continue playing volleyball or manage our business there in manila?" - mom
"mom what are you thinking? Hindi lang isa ang business natin sa manila tatlo yun for godsake pano ko ima-manage lahat yun?"
"you're planning to quit volleyball diba so may time kana para sa business and ikaw lang ang pumayag na mag manage ng business natin kaya that's my condition" - mom
"pumayag ako noon mom but I said na kung kailan na ako ready, you can't do this to me mom!!" reklamo ko dito
"I can do that Izabella you know me"
Tumingin naman ako kay dad asking for help, tumingin muna si dad kay mom na ngayon ay naka taas na ang kilay sa kanya umiling muna si dad bago ako sagutin
"I'm sorry sweetie but I can't do anything about it" sumunod na sya pag labas ni mommy pero tinapik nya muna ang shoulder ko sabay bulong
"ayaw kong awayin ng mommy mo so better make a good decision na lang" huling sabi nito sabay labas ng office nya.
Ghad kailan pa naging under si dad kay mom??, pagkalabas nila mom ay pumasok naman agad yung tatlo kong kapatid tsk alam ko kanina pa to sila nakikinig sa labas eh
"sachi anong trip mo?" tanong ni Joseph sakin
"achi and dichi pwede kayo na lang mag handle sa business nila mom tapos pag graduate ni Joseph pag tulungan nyo na lang ayaw ko na talaga mag laro nakakapagod na" mahabang sabi ko sa kanilang tatlo pero ang mga bwiset umiling lang
"di bagay sa akin ang ma stress dahil sa business lang kaya nga ako nag nurse para busy ang sched ko at di ako guluhin nila daddy" ate Cy
"likewise, and ayaw kong makipag plastikan sa harap ng ibang tao knowing business world ang daming two faced people" - sabi naman ni ate Nichole
"me too and suicide din pag ikaw na nag manage ng company, you need to survive sa business itself and to survive sa mga threats na natatanggap mo so okay na din ako to pursue my course" sabi naman ni Joseph
Nakaka bwiset yung mga reasons nila normal lang naman talaga yun pag nag mamanage ng business ah
"seriously guys yan talaga reasons nyo kaya kayo kumuha ng med?" tanong ko dito with full of sarcasm
"ahmmm nung una yun lang pero ngayon magagamit ko na rin ang profession ko to determine kung anong veins ang unang puputok sa ulo mo dahil sa pagka stress kay mommy hahaha" ate Cy
"ate it's more like kung sinong unang sasabog ang ulo between mom and sachi hahahaha" gatong na pang aasar ni ate Nichole at nag tawanan silang tatlo
"kala ko naman makaka tulong kayo ibibigay ko pa naman sana mga credit cards ko kung sino ang papayag mag manage ng business nila mom" paawa ko sa kanila, last nato kung di pa talaga sila bumigay ewan ko na lang
"talaga sachi??? Hahaha pero kahit ibigay mo pa pati collections mo ng sapatos at sports car NO pa rin ako" sabi ni ate Cy ginulo nya pa ang buhok ko and kiss my cheek bago lumabas
"sayang din yung cards mo sachi but NO din ako sayang beauty ko hahahaha try harder baby" ate Nichole said she kissed my cheek too before leaving the office
"alam mo ate I really want your car collections... " yes!! Maybe Joseph will help me na
".... But I love myself more than those precious cars of yours, gusto ko pang mabuhay so NO din ako hahahaha" bwiset akala ko yun na eh
"uso maligo ate just so you know, you stink na kasi" sabi nito sabay halik and labas.
Narinig ko pa ang mga tawanan nila sa labas, lalo yatang lumala sakit ng ulo ko.... Headache from hangover and headache because of my family NAKAKAINIS!!!!
