DEANNA'S POV
"Hey Margarett wake up we're here already" tinapik ko ang pisngi nito ng makarating na kami sa bahay
Nagising naman ito agad at tumingin tingin sa labas ng sasakyan
"come on dun ka na lang matulog ulit sa room" I said at inalalayan syang lumabas sa taxi
I'm wondering why Margarett is so quiet or maybe inaantok pa talaga sya. We are about to enter our house ng bigla syang huminto at pinigilan ako
"wait lang Deanna time out muna, kinakabahan ako eh" sabi nya sa akin
Hahaha kaya pala ang tahimik nya kinakabahan pala, akala ko di to marunong kabahan eh.
"anong akala mo nasa game ka para mag time out? Hahaha mas okay pala na kabahan ka eh kasi tumatahimik ka" asar ko sa kanya, inirapan lang ako nito at hindi na ulit umimik
"don't worry wala pa sila mom jan nasa office pa yun and for sure sila achi nasa work din, let's go para makapag pahinga ka ulit sa room." aya ko dito at pumasok na kami sa bahay.
Sumunod lang sya sa akin papasok, we don't have stay in maids kaya kami lang ni Margarett sa bahay ngayon. She immediately arrange her stuff and take a nap after, napagod yata talaga sya sa byahe.
JEMA'S POV
Nagising ako ng madilim na sa labas wala din si Deanna sa room nya kaya naligo muna ako. Pagkatapos kong mag bihis ay napag pasyahan ko ng bumaba para hanapin si Deanna.
Pababa na sana ako ng makasalubong ko sya na papaakyat patungo sa kwarto nya.
"finally you're awake, they are already here. They are looking for you downstairs I'll take a bath muna mauna kana doon" sabi nya ng makita ako
Aba loko loko ba to hindi nya ba nakita na pagpasok pa lang sa bahay nila ay halos lumabas na lahat ng pawis ko sa katawan tapos papaunahin nya pa akong bumaba
"sabay na tayo samahan na kita sa kwarto mo sabay na tayong magpakita sa parents mo" mabilis na sabi ko sa kanya bigla namang nang laki ang mata nya at namula yung tenga nya. Luh? Napano to?
"ahhmm... You mean.. Me.. You... In my shower room..." utal utal na sabi nito habang tinuturo yung sarili nya at ako, ng ma gets ko yung pino point out nya ay bigla itong hinampas sa braso nya
"aww what the heck!!"
"baliw ang ibig kong sabihin sabay na tayo bumaba mamaya hihintayin kita sa labas ng shower room, ayaw kung humarap sa family mo na ako lang mag isa noh" sabi ko dito habang hinihimas nya yung braso nya
"ohhh.. Okay I thought you want to... Tsk nevermind" sabi nito sabay takbo sa loob ng kwarto nya bwiset na Wong to kung ano ano pinag iisip.
Naka upo lang ako sa bed nya habang hinihintay syang lumabas ka txt ko na rin sila ate Ji and ate Ly di daw nila alam plano ni Deanna but I should go with the flow na lang daw total nandito na daw naman ako.
"let's go downstairs na we will have our dinner with them." yaya nya sa akin sumunod lang naman ako sa kanya.
Ngayon ko lang napag masdan ng maigi ang lawak ng bahay nila Deanna at halatang mamahalin yung mga gamit.
Pag dating namin sa dining area nandoon na ang mga magulang at kapatid ni Deanna at naka handa na rin ang mga pagkain halatang kami na lang talaga ang hinihintay.
"ehem... Can I get all your attention please, family this is Margarett and Margarett meet my family" bibong pagpapakilala ni Deanna sa amin. San kaya hinuhugot ng babaeng ito yung lakas ng loob nya pangiti ngiti lang sya samantalang ako parang mauupos na sa kintatayoan ko.
