JEMA'S POV
Pagkatapos naming kumain ni Cy ay nagpasama sya sa akin na mag grocery lulubos-lubosin ko na daw pagsama sa kanya.
"ano madam wala ka na bang bibilhin? Uuwi na tayo." sabi nya sa akin matapos nyang bayaran yung mga binili nya
"actually meron pa, tara samahan mo ako sa jewelry shop" sabi ko sabay hila sa kanya
"aba first time to madam ah ano bibilhin mo?" tanong ni Cy
"malapit na kasi birthday ni Fhen bibilhan ko sya ng gift, I think relo na lang walang relo si Fhen eh" sagot ko sa kanya habang namimili ng relo
"grabe naman di mo nga binibilhan sarili mo tapos kay Fhen todo effort ka, tsaka relo?para ano para magka time yung jowa mo sayo? Hahahaha" ang ingay talaga ng tao na to ang sarap sungalngalin eh
"alam mo ang dami mong sinasabi bitter ka masyado, kung di lang sa sports mo iisipin ko talagang bakla ka eh mag gf ka na nga para di lovelife ko pinapansin mo" pagkatapos kung bayaran yung napili kong relo hinatid na ako agad ako ni Cy sa dorm
"salamat sa pag sama madam see you when I see you again and good luck sa game nyo" paalam ni Cy, pumasok na agad ako sa loob pagkaalis ni Cy, hayyyys wala na naman si Fhen busy sya masyado, lagi na lang akong mag-isa dito sa room namin
MADDIE'S POV
The team already know about the issue and I plan to talk to the team para maayos na to, I can't believe na magagawang lokohin ni Sam si Deans, di ko rin masisisi si Deans kung hindi sya maniwala kay Ponggay mahal na mahal nya kasi si Sam and she can't afford to lose her.
I'm here at the living room waiting for the whole team para magka ayos na kami I was currently scrolling through my phone when the door opens tumatakbong pumasok si Deanna na umiiyak
"hey Deans what happened?" tanong ko dito pero tumakbo lang ito at pumasok sa room nila. I follow her pero naka lock na yung door
"Deans open it please let's talk, what happen ba?" tanong ko ulit sa kanya while knocking the door
"please leave ate Mad's" sigaw nya sa akin, she's crying so hard now ngayon ko lang narinig at nakita si Deanna na umiiyak ng ganun ka tindi
Bumaba ako sa living room para kunin sana yung spare key ng kwarto nila ng dumating si Dani at Jules na hingal na hingal din katatakbo
"ate Mads you've gotta watch this" hingal na sabi ni Dani sabay tutok ng cellphone nya sa mukha ko
"what the! Saan galing to?" tanong ko sa dalawa it was video of Deanna, na galit na galit na sinisigawan sila Sam and Ethan
"we just saw it on one of the page ng Ateneo kaka post nga lang eh." Pagkatapos sabihin ni Dani yun ay saktong nagsi datingan ang ibang team mates namin na wala dito
"Mads did you see it na?" tanong ni Bea sa akin
"yes I already did, make a way Bei na wag kumalat sa social media and make sure na ma delete agad yan" utos ko sa kanya, may tinawagan agad si Bea
"ate Mads where's Deanna?" tanong ni Ponggay
"nagkulong sa kwarto nyo ayaw akong buksan"
"Mads tapos na, nadelete na din yung pinost sa page" pagsingit ni Bea sa usapan namin
"should we talk to Deans right now?" tanong ni Kat, everyone is concerned kay Deanna
"I think pabayaan muna natin si Deanna the more na pipilitin natin yun the more na di tayo kakausapin non" sagot ni Ponggay
Hanggang sa mag dinner kami hindi lumabas si Deanna, nakitulog na lang si Pongs sa room nila Jules di na din namin sinubukan na buksan yung room nila baka kasi mas magalit lalo si Deanna
*
Maagang nagising lahat ng lady eagles dahil may training kami ngayon, pagkatapos naming mag ayos ay pinuntahan namin si D sa kwarto nila pero wala na sya doon pati gamit nya pang training ay wala na din I guess umalis na sya ng maaga.
Natapos ang araw na di kami kinakausap ni Deanna, makakasama lang namin sya pagkakain na pero pagkatapos non ikukulong na naman nya ang sarili nya sa kwarto
DEANNA'S POV
3 days! 3 days had passed since Sam broke me, this is the 3rd day that I don't want to talk to anyone. I still join our training pero wala eh lutang talaga, lagi akong napapagalitan but the hell I care, pumapasok pa naman ako sa mga classes ko pero pag trip kong mag kulong sa kwarto aabsent ako, my team mates try to approach me but maski sila di ko rin pinapansin. That feeling that I've got pissed off easily, alam kung kahit hindi kumalat yung video pero marami pa ring naka kita ng nangyari, maraming tao na tinititigan ako while I'm walking anywhere in the campus and yun ang mas lalong nakakainis. Every night tinitingnan ko yung mga pictures namin ni Sam that sometimes results sa pagka miss ko sa kanya and later on it will turn out to anger when I remember that the joke was on me na habang kami pa nagpapaligaw na pala sya sa basurang yun kaya ang ending lagi akong nakaka tulog kaiiyak
Today is Saturday and the coaches cancelled the training instead they gave as an assignment, pag-aralan daw namin ang lady falcons kasi sila ang makakalaban namin bukas. Lahat kaming lady eagles ay nasa living room para panoorin ang previous game ng Adamson.
Naka upo ako sa couch na pang isahan tutok na tutok sa screen pero wala doon ang atensyon ko gusto kong mag kulong lang sa kwarto pero sure ako na papagalitan nila ako kaya sinunod ko na lang sila hindi naman din nila ako kinakausap kaya nag stay na lang ako"lakas talaga ng captain nila noh? Di man lang nasindak sa mga blockers" rinig kong sabi ni ate Jho tiningnan king mabuti yung tinutukoy ni ate Jho and napa kunot yung noo ko ng ma realize ko kung sino yun GALANZA kaya pala familiar sya masyado kasi na encounter ko na sya sa loob ng Court
"partida maganda connection nya sa setter nila jowa nya kasi eh" - Dani
"stalker ka ba Dans saan mo na naman nalaman yan?" takang tanong ni ate Bea
"duhhh ate Bei uso social media" sabi ni Jules habang winiwave ang phone nya
"ang tsismosa nyo talaga baka fake news yan ha issue kayo"-ate Mads
"we don't do gossip ate Mads we collect facts alam nyo yun" sagot ni Dani sa kanila.
Nakikinig lang ako sa usapan nila, Galanza and Emnas? So they are in a relationship but may kasama syang ibang lalaki sa mall? Tsk improving na talaga ngayon kung sino pa yung mga inosente tingnan sila pa yung gago at manloloko tsk face can be deceiving sometimes....