Chapter Thirteen

24 2 0
                                    

Naniwala ako sa sinabi niya, there's no point of doubting him, all he ever did was help me, nakaupo ako roon sa couch, it's five thirty in the afternoon, may kailangan lang daw itong tapusin, taimtim akong naghintay sa kanya, nakakunot ang noo niya habang binabasa ang isang folder, he pressed the phone.

"Miss Estrella?"

["Sir?"]

"In my office, please"

["Right away, Sir"]

Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Angela sa opisina niya.

"Ano po yun?"

"Have you check those files I've told you to check yesterday?"

"Yes Sir, inilagay ko na po rito kaninang umaga, bago dumating si Miss Aurelio"

"Must've misplace it, you can go now, thanks"

"Sige po, Sir"

Lumabas na si Angela, I waved goodbye at her, she smiled at me at saka dumiretso na palabas, uuwi na ito, it's already six in the evening, Hanzel keep on looking for that folder.

"Want me to help? Anong kulay ba ang folder na iyon?"

"It's blue, just like the others, it's the company's folder color"

Tumango ako at saka siya tinulungang maghanap, it's sounds important kaya hinanap ko iyong mabuti.

"Is this it?"

Tumingin siya sa akin, hawak ko ang isang blue folder na makapal.

"Yes, that's it, carry it, we're going home"

"Okie"

Bitbit ko iyon, he wore his suit and took his suitcase and we left the building, nakaka-curious kung bakit importante ang hawak kong folder, tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang nasa aking mga hita ang folder na pinadala niya, we stopped for a while dahil sa traffic, nakaramdam ko ng paghawak sa aking kamay, I glance at it, marahan niyang pinisil ang aking kamay.

"What's wrong?"

"Wala"

"Tell me, is this still about January's words? Is it about her? Or the employee thing?"

"Wala, naisip ko lang yung iba pang sinabi sa akin ni Tita Marielle, pero sa akin na lang iyon, pwede?"

Tumango ito, alam kong gusto niyang magtanong, gusto niyang malaman kung ano iyon pero hindi na siya namilit.

"What are you going to cook for dinner, baby?"

"What's your favourite?"

He started to drive again.

"Menudo"

"Then I'll cook that"

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, we went to the supermarket to buy what we need, katulad ng nangyari sa coffee shop at sa fast food chain, women's head turn to see him, siya ang may tulak-tulak ng cart at ako naman ang kumukuha ng kailangan ko, nakarating kami sa can goods section.

"Oh, spam"

Naglagay ako ng isa roon, then he grabbed three more.

"Takaw"

"For storing" depensa niya.

Nag-ikot-ikot kaming dalawa sa mga stall, ang dami niyang pang-stock na binili, hindi naman ako ang magbabayad kaya hindi na ako nagreklamo, dumampot ako ng cookies, dalawang container iyon.

"Babayaran ko na lang sa'yo"

Tumango lang ito, I took more banana milk.

"The addiction" sambit niya.

Six Months [Book 1: Playboy Series] Where stories live. Discover now