Chapter Twenty Seven

16 1 0
                                    

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko, iniwan na ako ni Marco at mag-aayos raw siya ng gamit at babalik na siya ng Manila, gugulo na ang buhay ni Angela.

Napangisi ako sa naisip ko, Marco promised that after this game, he'll pursue my best friend.

Walo na lang kaming matitira rito, apparently, Hanzel would still work dahil iyon rin ang ginagawa nila Leonard but they do focus on the game.

Napalingon ako sa hallway, I saw Hanzel, bagong gising, nagtama ang tingin namin, he was wearing his white shirt and board shorts, I gave him a small smile at saka siya nagtungo sa akin, he kissed the side of my head bago naupo sa tabi ko.

"Is there something wrong? May nagawa ba ako? You left the room, did I do anything wrong?"

"Wala, nagutom lang ako, hindi na kita ginising, I know you're tired from our trip"

Nakaharap siya sa akin habang kumakain ako, I scooped some noodles at saka iyon hinipan, iginiya ko iyon patungo sa kanya, he slurped it hanggang sa maubos niya, pinaghatian namin iyong ramen.

Nilagay ko sa lababo ang pinagkainan namin at saka iyon sinimulang hugasan, he hugged me from the back and rested his chin on my shoulder.

"Tell me, did I do something wrong? May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan? I know we have a problem, please tell me, I wanna know"

"Wala talaga, babe, nagutom lang ako, you did nothing wrong, I left the room dahil nagugutom na ako, iyon lang talaga"

Hindi naman siguro ako ilalaglag ni Marco sa pinag-usapan namin kanina, right? Blood is thicker than water, pero hindi pa rin ako sigurado.

"You sure?"

"Mm-hmm, huwag mo ng isipin ang pang-iiwan ko sa'yo sa kwarto, I was just hungry"

Nakayakap lang si Hanzel sa akin.

"Pati ba naman sa kusina?"

Napalingon ako sa nagsalita, si Warren, I gave him a small smile.

"Grabe na kayo ah, sa Insta puro ka-sweet-an niyo ang nakikita ko, tapos pati ba naman sa personal" saad pa niya.

Tinawanan ko lang siya, Hanzel was just quiet at nanatili ang yakap sa akin, nagpunas ako ng kamay.

"I'm preparing dinner, anything in mind?" tanong niya sa akin.

"Paella? Parang gusto ko makatikim ng Spanish food" saad ko sa kanya.

"Ay, in that case hindi pala ako ang dapat magluto"

"Eh sino pala?"

"Yan, si Diorr, isa sa specialty niya iyon, marunong ako, pero mas masarap ang gawa ni Diorr" sambit niya.

I glance at him, tiningnan niya rin ako pabalik.

"You didn't cook that while we're in Manila"

"You didn't asked, and I didn't know you eat that" pangangatwiran niya.

"Okay then, you cook tonight"

"Okay" sang-ayon niya.

"I guess the kitchen is yours..." saad ni Warren, "Again" dagdag pa niya.

Tumango naman si Hanzel, Warren smiled and left the kitchen.

"Where should we start?"

"I'll cook it on my own, you can just watch or you can leave the kitchen, too"

"Huh? Gusto kong tumulong, please"

"Alright"

Ako ang kumuha ng lahat ng kailangan niya, and then he starts cooking, pinanood ko itong magluto, he looks like a professional, alam niya na ang lahat ng kailangan niyang gawin, ni hindi niya tiningnan ang paghihiwa niya! He was looking at the other things he was cooking habang naghihiwa!

Six Months [Book 1: Playboy Series] Where stories live. Discover now