Athasia POV
Nandito kami ngayon sa Mall, kasama si Dan yung driver namin na ka-age ko lang, siya magdadala nang mga pinamili ko ^___________________^ Atsaka nabili ko na din siya ng mga damit at pabango, Para naman naenjoy niya din yung pamamasyal namin sa Mall hindi yung ako lang.
"Dan, may gusto ka bang bilhin? Ako na lang bibili parang treat ko na to sayo." tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang Penshoppe,
Bibisita muna ako sa mga staffs dun :)) Namiss kong pumunta doon kaya bibisita ako ang kaso wala si Prissy.
"Good day Miss Athasia!" bati saken ni Alice isa sa mga staffs doon sa penshoppe
"Hi! Saan si Manager Lee?" tanong ko dito.
"Ah nasa office nya po, kakausapin nyo ba?"
"Ah hindi na, may bibilhin ako dito."
"Para kanino ba Miss?"
"Dito kay Dan, may bago bang labas na damit?"
"Ah yes po, wait kunin ko lang."
Agad na umalis si Alice para kunin yung mga damit, umupo muna ako sa isang couch malapit sa fitting room dito sa shop. Nakita ko naman si Dan na palakad lakad sa harapan ko.
"Dan! Ano ba yan? Nakakahilo ka, umupo ka nga." I said it in annoying tone
"Sorry Ma'am Athasia, wala kase akong pambili ng damit eh. Baka mahal po."
"Hahahaha! Seriously? Hindi ka mapakali dahil sa presyo ng damit? Ghaaad! Daniel Steve Ardencio, sa tingin mo ba hahayaan kitang bayaran yun? Ofcourse not! Nakalimutan mo na bang model ako netong shop na to? Tsss"
"Ay! Sorry po talaga Ma'am Athasia" sabay bow nya :3
Hahahaha! Pinaka-LOYAL na driver namin, ewan ko dito kung bakit di pa to nag kakaroon ng Girlfriend :3 Well it's not my business anymore.. Lumabas naman sa stock room si Alice dala-dala yung mga bagong damit na kinuha niya para kay Dan.
"Miss Athasia, pili na lang po kayo." sabi ni Alice habang pinapakita nya saken yung damit, agad naman akong tumingin kay Dan na nakatingin sa akin.
"Ikaw na ang pumili Dan."
Agad namang nagsukat si Dan ng mga damit, para makapili kung ano babagay sa kanya, nang matapos na lahat ng sinukat nya binili ko na din, Hahahaha! Siya date ko kaya wag na siyang umangal.
"Ma'am salamat po dito, nagulat ako nung bigla nyo na lang po binili lahat." natatawa ako kay Dan, after naming mamili at kumain sa Yellow cab, nabusog lang eh panay kwento na.
Nasa kotse na kami pauwi nang may nakita akong matandang babae na pinalilibutan ng mga babae, no they're not just a girls but a MEAN Girls :3 Naku mga kabataan nga naman ngayon, pati matanda -______________________-
"Salamat talag----"
"Stop the car!" sigaw ko kay Dan
"Ah---"
"I said stop the car!!!"
Finally huminto na din yung kotse -_____________- dali-dali akong bumaba ng kotse at pumunta sa mga nakapalibot sa matandang babae.
"What the f*ck is this?!" sigaw ko sa kanila sasampalin na sana nang isang girl yung matanda eh -__________________-
"Who the hell are you?" tanong nung isang babaeng naka mini skirt na pink at naka sleeveless na white :3
"Don't answer my question in another question :3" sabi ko sabay irap.
"What the----" sasabunutan na sana ako nung babaeng kausap ko nang biglang hinawakan ni Dan yung kamay ng babae -________________-
"Don't dare to touch her!" sigaw nito at mukha namang natakot kaya ayun nagsialisan sila.. Natawa naman ako kase naman ngayon ko palang narinig mag-english si Dan :3 Well ayon sa source ko gradute si Dan sa ADMU pero mas pinili niyang mag-apply as a driver :3
I really don't know what he's planning. Tsss what an idiot :3 After nun ay tinulungan namin yung matanda na nakaupo sa may gilid ng kalsada, mukhang namamalimos lang siya.
"Hello po lola" bati ni Dan
"H-hello s-sayo.." tugon naman ni lola
"Hi! Ano pong pangalan nyo? Ako pala si Athasia, nga popala anong ginagawa ninyo dito??" tanong ko sa matanda
"Mering, mering ang pangalan ko wala na akong bahay. Iniwan na ako ng mga anak ko kaya nandito ako namamalimos..." kwento nito samen.
Tinulungan namin siya, st dinala sa bahay namin, well pansamantala muna :)) mabuti na lang at kasama ko si Dan kung hindi nako.
"Naku Ineng ang laki pala nang bahay nyo, salamat sa tulong nyo pero nakakahiya naman.." aalis na sana yung matandang babae nang pigilan ko.
"Lola, tulong na po namin ito saiyo. Atsaka don't worry hahanapin namin mga anak mo..." Sabi ko na may assurance :)
"T-talaga hija?" paninigurado niya
"Oo naman po, Ah lola ituro ko na po sainyo yung kwartong tutuluyan nyo.." finally at nagsalita na si Dan, Akala ko forever tunganga gagawin nya eh.
*Dinner Time
"Uhm Dan!" sigaw ko
Nandito kase ako sa Living room at as ussual nuod TV, siDan kase inutusan kong magluto at kung tatnung nyo kung na saan si lola, nandun siya sa kwarto niya at di ko alam ang ginagawa :3
"Ah bakit po Ma'am?" tanong nito
"Ah wala naman, sige continue your work.."
Ewan pero bakit ganun na lang? Iba yung nararamdaman ko kay Dan, di pwede to hindi pa ako sumusuko sa feelings ko kay Mike :( Hayth kung ako na lang sana yung pinili ni Mike noong araw na yun. Kaso hindi eh napaglaruan ako ni tadhana :'( Ano kaya yung feeling na mahal din ako ni Mike?
Masaya kaya? Masarap? Simula noon wala na akong ginusto kundi si Mike lang, kay Mike ko lang to dapat maramdaman :3
*Dingdong
Huh? Baka si Prissy na 'to pero 7pm pa lang ah? Paalam nya saken gagabihin siya baka mga 11pm na siya makauwi.
Pagbukas ko nang pinto, bumungad ang kawawang itsura ng kapatid ko at basang basa ang mukha kakaiyak, kumalat na din ang make-up niya dahil sa pag-iyak.
"Anong nangyare sayo? Diba mamaya pa uwi mo?" tanong ko dito, at takang taka talaga ako -_________________-
"Ate hindi ba pwedeng *sob* papasukin mo *sob* mo muna ako *sob*" nag-iiyak iyak padin si Prissy, ano ba kaseng problema nito?
At ayun pinapasok ko na nga siya tatanungin ko sana siya kaso ...
"Ano bang nang---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil tumakbo agad siya paakyat sa kwarto niya.
Okey I think she need space for now, bukas ko na lang siguro siya kakausapin.
[A/N: Hi! For soooo long and slowwww update I'm really very sorry for waiting you so long, Hahahaha! Naging busy this past few months alam nyo na graduating ang lola nyo :3 Pero I have time to update naman na eh, sorry for this update medyo lumilipad pa utak ko dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko XD Hahahaha! Well yung iba ko ding stories basahin nyoooo!! Salamat :)]
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
Teen FictionLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?