Pagkatapos naming kumain ng dumplings na binili namin ni Kei doon sa my stand eh naglakad lakad pa kami sa mga bilihan ng mga bargain na damit. Meron din palang ganito sa Japan? Can't believe it, pero astig kase kahit 2nd hand na siya maganda padin at maayos :)
"Prissy bagay to sayo.." sabay bigay nya ng isang cute na dress touched of yellow polkadot
"Ah, salamat cute nga eh" sabi ko naman dito
Habang pumipili din si Kei ng damit para sa kanya eh agad ko namang binayaran yung damit na binigay ni Kei, kahit nag insist siya na siya yung magbayad di ako pumayag. Sobrang bait ko ba? Ganun talaga :))
After makapili at makabili ng mga bargain na damit ay tumambay muna kami sa plaza dahil sabi ng babaeng tindera ng dumplings ay may event daw? Hindi ko naman alam kung anong klaseng event, wala ding idea si Kei kung anong klaseng event yun dahil di naman masyadong lumalabas si Kei sa bahay nya kung walang kasama.
"Kei, mukhang contest to? Sali kaya tayo?" masigla kong suhestyon dito
"Nasisiraan ka na ba? Wala akong talent."
"Meron yan, ayaw mo lang ipakita sa iba dahil nahihiya ka."
Biglang nag announce yung MC doon sa stage na may registration daw sa ganitong contest, well to be specific parang Japan got talent ang peg? Basta ganun yun.
Syempre ako gusto ko sumali, kaya ayun dali-dali akong pumila pinipilit ko ngang sumali din si Kei kaso ayaw niya :( kaya ayun solo ang peg ko ang dami ding Japanese na sumali. May nakasama pa nga akong pinay din solo din ang peg niya :D
"Kon'nichiwa!" bati ni Hailey
"OMG! Hailey nandito ka parin pala?"
"Oo naman, so sasali ka din pala sa contest? Wow ah iniwan mo yung banda mo sa pilipinas tapos dito ka magpapasikat?" pang-aasar neto saken
"I have my reasons no, by the way saan ka mag-aaral?" tanong ko dito
"Uhmm lilipat kami sa France kase doon na assign si Papa, alam mo na pag architect kung saan ang trabaho doon din kami."
At nagkwentuhan lang kami ni Hailey, Hailey is one of my friends in Japan nakilala ko siya kay Kei which is pinsan niya din ito. Time goes fast malapit nang mag-start yung contest so nag prepare na kami ni Hailey atsaka ng iba pang contestant.
"Are sure?" tanong ni Kei, ano ba sinasabi nito?
"Ha? Oo naman parang kakanta lang ako eh." sabi ko dito nagtotono pala ako ng gitara na gagamitin ko.
"Okey, punta na ako doon sa labas doon ako sa unahan baka kase hanapin mo ko." sabe nito sabay lakad palayo.
Nandito kami sa may backstage ng ibang contestant naghihintay na marinig ang mga pngalan namin, actually nagsimula na yung contest at ang mga kalaban ko ay talagang sanay na sa mga ganitong contest.
Grabe pang banda lang talaga ata ako? HAHAHA! Nasanay akong may kasama sa stage and this is my first time na kakanta ng solo.
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
JugendliteraturLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?