Nandito kami ngayon ni Patrick sa isang park malapit dun sa mall, malapit na din pala mag-February edi malapit na din ang Valentine's Day at malapit na kami mag-exam sa NAT namin. Alam niyo naman pag graduating daming exams tapos maraming requirements na kailangan kumpletuhin -___________________-
"Babes sarap ng hangin dito no?" nakatingin lang siya mga ulap na gumagalaw, pinakiramdaman ko naman ang hangin at tama nga siya masarap sa pakiramdam.
Para bang walang polusyon sa hangin, napaka sariwa marahil sa maraming puno dito at mga halaman kaya ganito ang hangin dito sa park.
"Oo nga Babes, uhmm gusto mo mag Ice cream tayo?" napalingon naman saken si Patrick na parang nagtataka kung saan ba makakabili ng Ice cream.
"Wag mo nga akong tignan nang ganyan Babes! Ayun oh may Dirty Ice cream dun. Tara bili tayo!" tatayo na sana ako kaso ..
"Madumi yan.." sabay hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ako.
Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti :)
"Ano ka ba Babes! Dirty Ice cream lang ang tawag dyan, pero malinis at masarap yan.." sabi ko dito sabay hila sa kanya para tumayo.
Hindi na siya nakapalag sa akin kaya tumayo na rin siya, at lumapit kami doon sa nagbebenta ng Dirty Ice cream..
"Manong magkano po iyan?"
"Ay ineng libre na lang para sa inyong dalawa nang boyfriend mo.."
"Naku! Wag na po, bibilhin na lang namin yan.." biglang singit ni Patrick
Napilitan na lang si Manong na bentahan kami kahit na gusto niyang libre na lang para sa amin, nakakatuwa nga eh yung pinaka-mahal yung binili ni Patrick :)) ayieeeeeeeeee keleg ako :D Hahahaha!
Naglalakad lakad kami ni Pat dito sa may Lagoon may tulay naman dito eh, marami ding mga couples na nagde-date dito.
Uhmm ano na nga bang petsa? January 31 na pala edi bukas birthday na ni Ate? Naku! Hindi pa ako nakakapag plano para sa Birthday ni Ate T^T paano na ito? patulong kaya ako kay Francis? Ay wag! mamaya madaldal yun, uhmm kela Fab kaya? Naku! baka busy sila?? Uhmmm kay Pat kaya? Kaso wala naman tong alam sa mga party eh.
Alam lang umattend pero di naman mahilig mag-organize ng isang party. Kanina kaya ako magpapatulong? :(( kailangan kong mag-isip ng mabuti ...
"Babes? lalim ng iniisip mo ah? share naman dyan!" ay! kalabaw naman tong si Patrick -____- hindi naman siguro siya mahilig mang-gulat no?
"Ah wala ito Babes, uhmm may kilala ka bang magaling sa mag-organize ng isang party?" tanong ko dito, kumunot naman yung noo niya :3
"Uhmm bakit? sino ba may party?"
"Si Ate."
"Si Ate Athasia?! Weee? kelan?"
"Bukas na eh, di ko alam kung paano ko siya bibigyan ng memorable na party."
Matagal bago nagsalita si Patrick, hindi ko alam kung makakatulong to eh? Pero sana matulungan niya yung PINAKA MAGANDA nyang Girlfriend no :3
"Meron akong kilala, si Tita Pia organizer yun ng malalaking event. Alam kong matutulungan niya tayo..." ngumiti siya saken tapos tumayo siya
"Saan ka pupunta?"
"Anong 'KA'? TAYO ang pupunta dun para kausapin si Tita Pia."
Nagmadali kaming maka-punta sa parking, nang makarating kami agad akong pumasok sa kotse nya saka niya pinaandar.
Inihinto ni Patrick yung kotse nya sa tapat ng isang malaking bahay, double story siya at malapad ito. Bumaba na sa kotse si Patrick at binuksan nya yung pintuan ng akin para makababa na din ako.
Napaka-Gentleman no? HAHAHA! Ganun talaga.
"Wow! Mas malaki pa sa bahay namin to Babes." manghang-magha ako nung sinasabi ko yun kay Patrick
"Samen din eh, mas malaki pa nga to sa bahay namin."
Pumasok na kami at sinalubong kami nang limang katulong at lahat sila nakayuko? Ano to Koreanovela yung tipong may tatawagin silang Young Master? HAHAHA! Hindi padin ako maka-move on sa pinapanuod ko na Boys over flowers.
"Good Afternoon po Sir & Ma'am.." magalang na bati nang mga katulong habang nakayuko padin.
Kaya yumuko din ako at bumati ng "Good afternoon din!"
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mapunta kami dun sa Sala Area nila, umupo muna kami dahil sabi ni Patrick eh hintayin na lang daw naming bumaba yung Tita niya.
Habang nakaupo kami naghanap naman ako ng mapaglilibangan, maraming libro ang Tita niya kaya ayun ang napag-tripan ko :3
Namili ako nang librong babasahin para naman malibang ako habang naghihintay kay Tita Pia (nakiki-Tita na din ako hahaha!)
May isang libro akong nagustuhan dahil kakaiba ang title kaya naman ayun ang kinuha ko.
"Ano yan?" tanong ni Patrick at binasa ang nakasulat.
"Isang Milyong Sulat?" tumango naman ako.
Kinuha ko na kay Patrick ang libro at sinimulang basahin, prologue palang kakaiba na, hindi siya yung common na love story.
Nagulat na lang ako dahil may nagsalitang babae..
"Oh! Napadaan ka dito Patricio? At sino yang kasama mo?" medyo mataray na tanong ni Tita Pia
"Ah Tita si----" hindi na naituloy ni Patrick yung sasabihin niya dahil pinutol ito ng kanyang Tiyahin -_________________-
"I'm not interested, okey so anong plano mo?" grabe tong Tita ni Patrick naka-taas talaga yung kilay ah :3
"Ahh Tita papatulong sana kami ni Prissy dahil po bukas na yung 23rd Birthday ng Ate niya at gusto niyang magkaroon ng memorable party yung Ate niya.."
Biglang umupo yungTita niya na kanina pa nakatayo, siguro nangalay siya tapos nag-isip na para bang interesado siya mag organize nang party ng kapatid ko.
"Sige, ano bang theme ang gusto niyo? Kung wala naman kayong maisip na theme I can do that para di na kayo mahirapan at ilista niyo na din yung mga bisita sa party..." marahan niya itong sinasabi sa amin.
Parang kanina lang eh mukhang kontrabida ang pasok niya sa eksena with taas kilay effect pa :3 Pagkatapos nung agenda namin sa Tita Pia ni Pat eh niyaya kaming mag-dinner tutal natagalan kami sa pag-paplano at syempre hirap ding isipin kung sino yung pupunta sa party no.
"So Hija ikaw pala ang first Girlfriend ni Patricio, buti at natatagalan mo yang kakulitan niyan.." kumakain kami ngayon at ang daming tanong ni Tita Pia, nalaman kong Patricio tawag nya kase mas feel niya yun dahil masyadong pina-arte daw ang Patrick XD
9:30 pm na kami nakauwi ni Patrick hinatid niya ko sa bahay..
"Bukas na lang Babes ha, Goodnight na pahinga ka na.."
"Goodnight din Babes." tapos kiniss niya ko sa forehead ko sign of respect <3 Ayieeeeeeeee keleg talaga :D
Nasa kwarto na ko at ang daming pangyayare ang di ko malilimutan ngayong araw, lalo na nung kinantahan niya ako sa Mall, hayyy ang swerte ko talaga sa lalaking yun.
[A/N: Hi! READERS & Silent Readers kamusta? February na anong balak nyo sa 14? Ako kung tatanungin nyo ako baka mag-update lang ako ng 3 chapters :D Hihihi at kadate ko ang walang kamatayan kong unan at kama :P keep reading and voting]
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
Ficção AdolescenteLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?