Prissy POV
Yieeeeeee! ANG SWEET NINA RIA AT DRAKE \m/ kainggit much :(( di man lang ako ginaganyan ni Patrick ko </3
"Huy! Prissy ba't di mo nakain yang pagkain mo? busog na ba ang Baby ko?"
O_______________________O
ANO DAW?!
BABY?!
"Pinagsasabi mo dyan?" pagtataray ko dito. kaasar kasi eh -________________-
"Ay! Nagalit agad?"
Ay hindi, hindi naman ako nagalit eh.
Tuwang tuwa nga ako eh :3 -________________-
"Aysus! Wag ka nga Patrick, kinikilig ako eh..." Hahahaha! mga banatan na naman, tsss corney! yohooooooooo
"Hahahaha! Lakas talaga nang tama mo saken AGATHA PRISCILLA<3 Kelan mo ba ako sasagutin ha?" Aba't kelan ba to nanligaw? Sapakin ko to kahit mahal ko siya -_______________-
"Nanligaw ka ba?"
Bigla namang nag 'Woaaaaaaaaaaaahhhh' yung mga nasa paligid namin.
Nagsmirk ako, napatigil si Patrick totoo naman kasi kelan ba ako neto niligawan? Tss kaasar siya :(( sarap magtampo eh.
"Ngayon palang."
HAHAHAHAHA! WTF! Ngayon palang siya manliligaw? Hindi talaga nauubusan si Patrick ng mga jokes :3
"Kahit hindi ka na manligaw, sinasagot na kita :))" ayan abot langit tuloy yung ngiti ko at mas lalo na kay Patrick abot lagpas langit, Hahahaha! para tuloy kaming mga bata na first time magka-aminan ng mga nararamdaman :)
Kinikilig ako takte naman oh, Hahaha! Siguro kung hindi ako nagka-amnesia matagal na kaming masaya ni Patrick edi sana katulad kami ng iba dyan diba? Tulad ng mga couples jan sa may mga park na nagde-date yung tipong kuntento na sila na kasama yung mahal nila.
Yung kahit di na sila pumunta sa special na lugar dahil yung hindi special na lugar gagawin nilang special, yung mga ganung bagay? Ang sweet nun no? Tapos di na kailangan ng gumastos dahil sapat na yung magkasama kayo..
Hindi ko man first boyfriend si Patrick siya naman yung mamahalin ko hanggang sa dulo, Hindi ako nag-promise sinabi ko lang to. May nakita ba kayong Promise? Sapakin ko kayo eh -_______________-
"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Patrick saken, Sarap lokohin na 'Ay hindi, joke ko lang yun' kaso baka umiyak edi kasalanan ko pa diba?
Syempre gusto ko naman maranasan ang sinasabi nilang FOREVER sa piling nang first love ko <3 At kay Patrick ko lang yun gusto maranasan ^_______________^v
Gusto ko siya din first kiss ko :) HAHAHAHA! Yeyeyey.
"Oo nga. So January 1 naging tayo ha? Ayieeeeeeee kilig!!" Hahahaha namula naman bigla si Patrick at kinilig? First time ata to? Well kami na rin naman eh.
Tapos ayun niyakap ako ni Patrick at ...
:*
O___________________________O
FIRST KISS KO SIYAAAAAAAAA! OMG! OMG!
*O*
"I love you Agatha Priscilla Chavez!!"
napangiti ako doon ah :)
"I love you too Patrick Dave Cervantes!!"
Tapos ayun nag 'AYIEEEEEEEEEE' yung mga kasama namin at nakita ko namang masaya para sa akin si Papa, Ate at ang mga kaibigan ko :)) I'm lucky to have them <3
Tapos nag party lang kami magdamag :)) Ang saya pala nang ganito no? Parang gusto ko si Patrick na talaga para sa akin habang buhay, di ko kayang mawala siya saken...
Athasia's POV
Masaya ako para sa kapatid ko :) Matagal na ding pangarap ni Patrick ang ganito, ang magkatuluyan sila ni Prissy at eto na nga natupad na nga :)) Ako kaya? kelan ko matatagpuan yung para saken? Noong una palang nakita na talaga ni Prissy yung tamang lalaki para sa kanya kaso dumating yung trahedyang nagpabago sa takbo ng ikot ng mundo nilang dalawa.
Sabi nga nila "Kung kayo talaga para sa isa't isa, tadhana na ang maglalapit para sa inyong dalawa." At ayun nga tadhana na ang gumawa ng paraan para matuloy ang pag-iibig na na-udlot dahil sa aksidente.
Sana tumagal sila, at sana di maranasan ni Priscilla ang naranasan ko sa first love ko :( Ang masaktan at umasa na babalik siya saken :(( Hinintay ko siya at hanggang ngayon umaasa padin akong babalikan niya ako T^T pero mukhang malabo na yun.
10 years na ang nakakaraan kaya imposibleng bumalik pa siya sa akin, siguro nga tama si Papa na kung mahal niya talaga ako hindi niya ako iiwan nang ganun, at kung mahal niya pa ako babalik siya saken..
Siguro tama na yung isang beses masaktan sa maling tao, tama na din ang umasa at magpaka tanga sa isang tao na kahit kailan di ka na babalikan at kahit na kailan wala nang pag-asang magpapakita siya sayo at sasabihing 'Akala ko sumuko ka na, masaya ako na di mo ako sinukuan' pero alam ko namang imposibleng mangyari yun.
Hindi pa ako handang mag-mahal siguro dahil na din sa hindi pa ako nakakapag-move on nang lubos pero sinusubukan kong maging masaya para sa kapatid ko.
Kahit siya na lang ang masaya, kahit hindi na lang ako mas mabuti pa yun kesa makita ko yung kapatid kong naghihirap tulad ng paghihirap ko dati sa first love ko.
Masaya magmahal, pero mas mahirap ding masaktan nang dahil dyan sa pagmamahal na yan. May mga pangyayari talagang di natin maiiwasang mangyari, mga pangyayaring di mo inaakalang mangyayari. Sabi nga nila 'Life is unfair' pero unfair nga ba?
Para sa akin dati 'OO' ang sagot pero ngayon 'Hindi' na dahil tayo din naman ang gumagawa ng mga nangyayari sa atin bakit natin isinisisi? May mga bagay talaga tayong hindi maintindihan at naguguluhan tayo kaya mas mabuti pang isisi na lang sa iba.
Mas madali yun, kesa mag-isip ka ng mag-isip.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kwento nang kapatid ko, dahil hindi naman ako ang gagawa nang kapalaran nila, kundi sila lang ni Patrick..
Pero ..
Umaasa ako at nananalangin na sana hindi maging mapag-laro ang tadhana at sana hindi masaktan ang kapatid ko. Dahil alam kong di niya kakayanin ang ganun.
Siguro pag natapos tong kwento nila, baka ako naman ang gagawa nang kapalaran ko kung magmamahal pa ba ako o hindi na? Handa na ba akong masaktan ulit o hindi pa?
Pag nagmahal ka marami kang mararanasan at marami ka ding iisipin. May mga tanong sa utak mo na hindi mo masagot. Tulad ng:
Magiging masaya ba ako pag pinili ko siya?
Tatagal ba kami?
Mamahalin niya parin ba ako hanggang sa huli?
Sasaktan niya ba ako?
Iiwan niya ba ako?
Iilan lang yan na tanong sa isip ko, Hindi ko naman to kwento pero gusto ko lang ibahagi yung sa akin. Pero ang point ko dito ay Sana maging masaya ang kapatid ko at sana di niya maranasan to.
Bilang Ate niya dapat matatag ako sa harap niya, dahil pag nakita niya akong nahihirapan baka bumigay siya at isakripisyo ang pag mamahal niya kay Patrick nang dahil sa akin :(( Ayoko maging selfish sa kanya...
*End of Athasia's POV
[A/N: Happy 1K sa TDOMG!! Yehey kamuta kayo guyss? H! Sa mga silent reader ko na patuloy sinusubaybayan ang bawat kabanata nang aking kwento.. Ayun lamang po :)]
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
Fiksi RemajaLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?