Nandito na ako ngayon sa pagre-rehearsal-an namin ng banda pero di naman sila nag aayos ng mga instrument kaya nakakapagtaka kung bakit mag rerehears pero di naman ginagalaw yung mga gagamitin :3
"Bakit nakaupo lang kayo jan?" tanong ko sa kanila
"Uhhmm."
"Ria kain ka ng kain akala mo naman nagwawalis ka dito." saway ni Mac kay Ria na kumakain ng chicherya
"Uhmm Prissy hindi mo ba alam ano petsa ngayon?" tanong ni Rap saken
Ano nga ba? Uhmmm September 30, 2014
"September 30 bakit ano meron?" tanong ko dito
"Wala naman."
Ako na ang nag-ayos ng mga gagamitin at pagkatapos nun ay nag-simula na kami. Mga ilang oras din ang tinagal ng rehearsal namin mga 4pm na din natapos, pauwi na kami actually my mga regalo sa kotse ni Fab ewan ko kung kanina gusto nila sumabay saken para daw mabisita si Papa.
"Ano ba nakain niyo at bibisita kayo dito sa bahay?" tanong ko sa kanila.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay at mukhang wala padin sila Ate Junnalie kasi mapapansin naman dito sa labas eh, pag nandyan sila maingay at magulo dahil lagi silang nag-aaway ni Jella.
"Oh! Di ka pa ba baba jan Prissy? Tara na pasok na tayo sa bahay nyo." anyaya ni Rap dala-dala yung regalo nila, Suhol lang kay Papa yan XD
Pagpasok namin madilim ang sala kaya naman hinanap ko yung switch ng ilaw then in-on ko yun :)
"HAPPY 17th BIRTHDAY PRISSY!!" sabay-sabay na sabi ng mga tao sa loob ng bahay namin :) Grabe nagulat ako pag sindi ng ilaw dahil sumigaw agad si Ate Junnalie XD
"Salamat po." doon ko lang naalala na birthday ko pala XD Hahahaha! Pasaway na bata talaga. Mga bisita ko eh mga kamag-anak ko lang din nandun yung mga pinsan ko na sila Ate Junnalie, Jella, Vivien, Ate Rachel Joyce, Andrea, Joelita, Kristine at Jackielyn. Imbitado din yung mga Elementary friends ko na sila Gillien, Carylle Ann at Jane.
"Happy Birthday sayo. Kamusta ka na Prissy?" bati ni Carylle
"Salamat, okey naman ako buti nakapunta ka? Balita ko kasi busy ka ngayon dahil may dance troupe kayo."
"Hahaha! Oo kaso ako leader kaya naman excuse ako."
"Ikaw talaga bossy ka padin hanggang ngayon." nagkwentuhan lang kami ni Carylle, nagkwento siya about dun sa boyfriend niya.
"Happy Birthday Agatha!" bati ni Patrick, okey sino nag-invite sa kanya?
"Oh sino siya Prissy? Ikaw ah kwento ako ng kwento dito tapos ikaw may ano ka pala." pang-aasar ni Carylle saken
"Salamat Patrick, nga pala Carylle si Patrick kaibigan ko." pakilala ko kay Carylle
"Kaibigan nga ba?" tanong neto sabay ngiti ng nakakaloko -__________________-
"Oo kaibigan niya ako." pag sang-ayon ni Patrick
"Ah ganun ba? maiwan ko muna kayo ni Patrick mo."
At iniwan na nga kami ni Carylle, may binigay naman si Patrick saken na maliit na box color red. Ano kaya to?
"Ano to?" tanong ko
"Buksan mo na lang."
Binuksan ko naman ito at nakita ko ang laman.
"Necklace?"
"Oo ayaw mo ba?"
"Hindi ang ganda nga eh, salamat ah at ang kyuuut din pala kasi may nakalagay na Agatha."
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
Teen FictionLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?