CHAPTER 13

119 11 0
                                    

Ang bilis ng panahon matapos nung date namin ni Patrick Friendly date lang yun ah, baka kung ano isipin niyo eh -_____________________-

"AGATHA PRISCILLA! PAKI-ABOT NGA NUNG CHRISTMAS LIGHTS.." utos na naman si Ate Junnalie.

Ewan ko ba kung kelan balak nilang umuwi ni Jella eh. Dito daw sila magx-xmas :3 kawawa naman ako dito panay utos kasi eh :/ tapos si Ate di man lang ako magawang tulungan palibhasa magka-vibes sila ni Ate Junnalie T^T

"Uyyy! Kanina ka pa tulala jan ah?" tanong ni Jella habang may dalang malaking kahon.

"Hmm. Je ano yang dala mo? Ano laman niyan?" tanong ko dito at binuksan ang kahon na dala niya

Narinig ko naman yung mahina niyang tawa, so ano meron dito?

Pagbukas ko isang ...

MANIKA?!

"Ayyy! Shit!" nagulat ako pagka bukas ko nabitawan ko tuloy -___________________-

"HAHAHAHA! Hawak pa moreee.." pangangasar ni Jella

"Sige mang-asar ka pa jan!"

Kaasar ba't ganun? Nakakatakot yung mukha >_____________< Kamukha ni Chucky puteeekk lang talaga. Kanino ba yun?

"Oyy! Jella kanino ba yan? Kakatakot!" tanong ko dito na nanginginig padin sa gulat

"Hahaha! Ewan nakita ko lang sa may basurahan eh.."

O____________________O

What! Para namang tanga to si Jella -_________________- yung totoo basurera na ba siya?

Nakakatakot kaya yung manika parang Annabelle sa "The Conjuring" na parang "Chucky" din :3 Hayth sa totoo lang takot ako sa manika, basta may trauma ako nun sa manika ni Ate eh.

"Oh! Nag-aayos na pala kayo ng mga christmas decors.." rinig kong sabi ni Papa

Agad naman akong nagising sa pagkakatunganga sa hangin ..

"Oh! Prissy bakit lagi kang wala sa sarili? Okey ka lang ba?" tanong ni Ate

"Uhmm wala naman Ate, kulang lang to sa tulog.." pagpapalusot ko dito kaso mukhang di gumana eh..

"Hahaha! Silly my dear, saken ka pa talaga magsisinungaling ah?" Ba't di ko mauto tong isang to -____________-

Bago ko pa sagutin si Ate eh agad naman akong pumunta sa kusina para maghanap ng gagawin para naman di niya mahalata na lutang ako dahil kay Patrick ..

"Are you inlove?"

O______________________O

Nabitawan ko tuloy yung tray na nakuha ko sa may kusina, kaasar si Ate kung ano-ano yung tanong eh :3

"Hahaha! Patawa ka din Ate no?"

"Bakit mo tinatanggi ha?" medyo di na maganda tono ni Ate

Aamin na ba ako? Ayoko nga wala naman akong aaminin eh -________________-

 "Hahahaha! Ate naman kung ano ano na naman yang sinasabi mo? Hindi ako inlove.."

Maybe I'm not yet inlove but ...

I'm inspired :)

"So still denying?" pangungulit ni Ate

"Wala talaga Ate, I'm just inspired of someone who caught my attention." Umalis na ko after kong sabihin yun, Ano ba magandang gawin?

Alam ko naman na dun na din to papunta sa tinutukoy ni Ate, hindi ko matatakasan to. Pero baka pwedeng i-treasure na lang? Hahahaha! Adik ka talaga Prissy baka masaktan ka lang ..

Nandito ako ngayon sa may park malapit sa bahay namin nasa loob lang din ito ng village namin..

Nakaupo ako sa may swing habang pinagmamasdan ang mga batang naghahabulan sa may damuhan, naaalala ko tuloy nung bata ako wala pa akong ganitong iniisip kundi mga laruan at kung sino-sino ang makakalaro ko...

Pero ...

Ngayon iba na, ibang iba na talaga ngayon kesa noon :((

"Ate yung bola!!" sigaw nung batang babae na papunta sakin

Nakita ko naman yung bola na gumugulong papunta saken, dadamputin ko na sana nang biglang may kumuha.

O__________________________O

"P-patrick?" 

Oo si Patrick yung nakadampot ng bola na ako sana ang dadampot.

"Hi!"

Binigay ni Patrick yung bola dun sa batang babae at umupo naman sa katabi kong swing ..

"Buti na lang at nagkita tayo.." panimula niya

"Uhmm.. Bakit maysasabihin ka ba saken?" tanong ko dito 

Nakatingin padin ako sa mga batang naglalaro

"Naaalala ko nung bata pa ako dito yung first love ko.."

First love? Hahahaha! Nakakatawa naman tong si Patrick, may ganun pala siya?

"Dito kami unang nagkita.." dugtong niya

Hindi na ko nagsalita at nakinig na lang sa kwento niya about sa first love niya dati ..

"Naaalala ko pa noong una kaming nagkita dito, lagi siyang binubully dahil sa lampa siya.. Hahahaha! Natutuwa talaga ako sa kanya. Ako ang naging taga-pagtanggol niya noon..."

Sino kaya yun? Siguro ang kyuuuut nilang couple sa hinaharap..

"Kaso saglit lang sila at nag-migrate sa UK."

Awww. 

"Uhmm can I ask you?"

"Sure."

"Sino yung girl? Ano name?" tanong ko dito at napangiti lang siya..

"Hindi niya na pala ako maalala."

Kawawa naman si Patrick..

"Hinihintay ko padin siyang maalala ako, I forgot to tell you na naaksidente siya before silang mag migrate sa UK.."

Saklap naman ng nangyari sa girl, pero sana maaalala niya na si Patrick..

"So hindi ka na nainlove pa?" tanong ko dito, syempre curious ako eh

"Hindi na.. I'm still hoping.."

Hindi ko alam kung anong nangyare saken pero niyakap ko si Patrick, at alam kong umiiyak siya dahil nabasa yung damit ko eh.. Pero hinayaan ko na lang siya dahil kung saakin mangyare yun baka nagpakamatay na ko...

Sabi nga nila, First love never dies ..

He's still hoping kahit na walang kasiguraduhan na maalala pa siya nung babaeng minamahal niya, hindi siya tumingin sa ibang babae dahil umaasa padin siya sa babaeng una niyang minahal..

Pagkatapos nun ay na pagdesisyunan naming umuwi na pero sabi niya sasama na lang daw siya saaken, dahil wala naman siyang gagawin sa bahay nila kaya ayun pumayag na din akong sumama siya..

Sana lang maalala na siya nung girl, Ilang years na siyang naghihintay na maalala siya siguro hanggang tingin lang siya dun sa girl dahil nga hindi siya maalala. Nakakapagod din yung ginagawa niya ako nga di ko alam kung may first love ako eh? Hahahaha! Hindi ko masyadong maalala yung nakaraan pero masaya na ako ngayon, ayoko ng alalahanin pa yung dati ang mahalaga ay yung ngayon :))

Nandito na kami sa bahay at agad namang tumulong si Patrick kela Ate Junnalie na mag-ayos, samanatalang ako eto nakatingin sa Patrick na masiyahin parang kanina lang umiiyak siya..

Ayoko maranasan yung ganyan, alam kong nasasaktan si Patrick hindi ko kaya nang ganun..

Ayoko maranasan yung heartbreak nilang tinatawag dahil baka di ko alam kung ano magawa ko sa sarili ko pag nangyari yun ..

[A/N: Si Prissy kaya yung babaeng tinutukoy ni Patrick? Ano na nga ba ang nararamdaman ni Prissy ngayon... Sorry sa matumal na update :) Sabi ko sainyo feedback kailangan ko eh..]

TEAR DROPS ON MY GUITARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon