Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, saka ko na lang naalala na dito nga pala ako kela Prissy natulog :3 kagabe anong oras na nga ba?
Agad ko namang hinanap yung phone ko para tignan yung oras, wala kasi silang wall clock sa kwarto na binigay saken.
O___________________O
9:00am na?!
Hala :O patay ako neto hindi na ako nakapasok sa school, dali-dali akong lumabas ng kwarto at laking gulat ko dahil nakita ko si Prissy na nakatayo sa tapat ng pinto.
"Hindi ka pumasok?" pambungad ko dito.
Pero mas lalo kong ikinagulat nang bigla niya akong yakapin at sabihang
"Pat I'm sorry." sabi nito na mukhang iiyak na
"No need to say sorry." ayun na lang na sabi ko kasi nasa state of shock padin ako eh.
Inalalayan ko na siyang bumaba at dumiretso nang kusina, itetext ko na lang si Joseph na hindi na ko nakapasok. Sana lang ay walang masyadong ginawa -___________________-
"Pasensya na ha, di na kita ginising kasi wala akong kasama dito eh, si Ate may pinuntahan."
"Ah okey lang, babantayan na lang kita dito. Uhm kumain ka na ba?" tanong ko dito, umiling naman ito
Kaya ipinagluto ko siya nang adobong tokwa, alam kong favorite niya yun eh :) Hahahaha! Naalala ko na naman tuloy nung mga bata pa kami, actually di ko type dati ang tokwa pero nung naaksidente si Prissy ginusto ko na din ang tokwa.
"Hmmm smells good, patingin ano ba yan?" bigla namang sumingit etong si Prissy kaya naman napaso siya :((
"Aray!" sigaw nito nung napaso siya, agad naman akong kumuha ng first aid kit para malunasan agad yung paso niya bago magka-impeksyon :3
"Masakit pa ba?" tanong ko dito habang nilalagyan ng treatment
"Hindi, salamat ah. Atsaka sorry na din kasi di ako mapapaso kung di ako nag makulit." sabi nito sabay yuko na para bang iiyak na ...
"Hindi ayos lang yun, di mo naman kasalanan eh. Aksidente ang lahat." pagkasabi ko nun biglang tinaas ni Prissy ang ulo niya sabay sabing
"Sumasakit ulo ko, Araaaaaaaaaaaaayyy! Patrick nandidilim ang paningin ko..!!" biglang sigaw niya agad naman akong nag-panic hindi ko alam ang gagawin ko.
Bigla na lang siyang hinimatay pagkatapos nun.
Prissy POV
Nagising ako na medyo masakit padin ang ulo ko, di ko matandaan yung nangyare? Nakita ko may Doctor na kinukuhaan ako ng dugo. Hindi ko alam kung anong nangyare saken eh talagang wala akong matandaan.
"Doc, kamusta na yung anak ko?" rinig kong tanong ni Papa
Diba umalis si Papa? Ano ba kasi nangyare hindi na ba kami natuloy sa ibang bansa? Bakit nandito sila Patrick at .........
"Aaaaarrrrraaaaayyy!" sumakit na naman yung ulo ko parang mabibiyak :'( ano na ba nangyayare saken </3
"Prissy ano nangyare sayo?" alalang alala si Patrick saken, kaya ko siya nagustuhan eh <3
"Biglang sumakit yung ulo ko, Papaaaa!" Sa sobrang sakit nagpanic na pati yung doctoor bigla kasi akong na nosebleed eh.
Tapos may tinurok sila saken na gamot pampakalma tapos pain killer ata, kaya ayun nawala din yung sakit nanghina ako pagkatapos noon.
Biglang hinawakan ni Patrick yung kamay ko...
"Prissy kahit hindi mo ako matandaan ayos lang, ayokong nakikita kaitang nahihirapan..." umiiyak na siya noong sinasabe niya sa akin, nahihirapan akong intindihin siya dahil di ko naman alam pinagssasabe neto?
"Uhmm Pat.."
"Hindi naman ako nahihirapan alalahanin ka dahil mahal kita, lagi kang nasa puso ko. Atsaka ano bang pinagsasabi mo?" nagtataka kasi ako sa mga sinasabi ni Patrick saken, ano bang meron at bakit ba laging sumasakit tong ulo ko?
Baka ma-bobo ako niyan -_____________________-
"Naaalala mo ako?" takang taka na tanong ni Patrick saken,
"Oo, bakit nakalimutan ba kita?" tanong ko dito
Bigla namang lumapit yung Doctor samen at sinabing ...
"Mukhang bumalik na nga yung alala ni Prissy after 7years .."
O_____________O
7years akong walang maalala tungkol kay Patrick at sa iba ko bpang kaibigan?
"S-sino l-lang b-ba yung nalimutan ko sa loob ng pitong taon?" utal utal kong tanong sa mga tao na nakapalibot sa kama ko..
"Si Patrick lang, may mga pangyayari ding hindi mo natandaan noon.." sagot ni papa na nakahawak sa kamay ko para kumalma, alam nya kasing nanginginig ako eh.
"S-sorry Patrick.." at nagsimula na nga akong umiyak, sobrang naasar ako bakit sa lahata pa ng pwede kong kalimutan eh si Patrick pa, hindi ko alam yung nangyare sa loob ng 7years dahil parang iba ako noon, at ayoko nang balikan pa yun.
Fab's POV
"Hello Pat, oh kamusta na si Prissy? Ganun ba? Sige pupunta kami dyan nila Rap.. Ah nga pala baka nakalimutan na kami ng bruhang yan.. O sige bye na.." Kausap ko nga pala si Pat sa cellphone, tumawag kasi siya dahil nakakaalala na daw si Priscilla at tuwang tuwa yung mokong dahil alam niyang may pag-asa na siya kay Prissy -_________________-
Pasaway na lalake talaga, pero hanga ako sa kanya tiniis niya yung 7years na yun para lang mapalapit ulit siya kay Prissy at umaasang matatandaan siya nito.
*Ding dong* (dooorbell yan wag kayong ano dyan)
"Yaya! Pakitingnan kung sino yung nag doorbell, salamat!" sigaw ko dito sa bago naming katulong, agad naman itong nagpunta sa main door para pagbuksan yung nasa labas..
"Ma'am Fierce! May bisita po kayo si Ma'am Riaaaa!!" sigaw ng katulong namin, nasa itaas kase ako dito sa kwarto ko nag peprepare ng damit para mamaya sa pagdalaw namin kay Prissy. Agad-agad naman akong bumaba para batiin si Ria.
"Riaaaaa!! I have a good news for youuuu..." bungad ko dito kaso nabigla ako dahil hindi siya hyper at di siya ngumingiti..
"Aong problema?" tanong ko dito
"Lilipat na kami ng bahay, I mean sa states na kami titira. Nakakuha kasi si mommy ng house and lot doon at ibebenta niya na yung properties namin dito sa pinas, ayoko sanang sumama kaso dahil sa ibebenta niya nga yung properties namin I have no choice but to migraite with them." malungkot na sabi ni Ria
So mabubuwag na ba yung banda namin at ang friendship? Haysss bakit ngayon pa kung kelan maayos na si Prissy :((
"We will respect your decission, okey lang samen kaso malungkot na dahil di ka na namain makakasama.." sabi ko dito sabay yakap sa kanya tapos iyakan portion kami sa sala namin.
Nang mangalay kami nagbitaw din kami..
"So, what's the good news?" tanong nito habang nakangiti
"Nakakaalala na si Prissy!!" galak na galak akong ibalita sa kanya, at ang ekspresyon niya ay tuwang tuwqa na parang bata na binigyan ng cotton candy <3
"Sayang naman, kelan kayo dadalaw? para makasama ako. Hihintayin ko na lang yung Graduation tapos aalis na kami.."
"Uhmm mamaya, di ko pa nasasabi sa dalawa eh... Hahahaha!"
Wala namang nangyareng maganda samen, basta nagkwentuhan kami tapos tawanan tas iayakan..
Parang mga sira lang no? HAHAHA! <3
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
Fiksi RemajaLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?
