Prissy's POV
Sa totoo lang kwento ko to pero dahil sa mapilit si Ria eh nakiusap siyang mag POV dahil nga para naman malaman daw nyo yung nararamdaman niya. Hahahaha! Baliw talaga eh no?
Naglalakad na ako pauwi ngayon galing kasi kami ni Ria sa isang coffee shop dahil niyaya kami nila Janine at Charlaine na mag coffee at para makapag usap na rin daw parang magkakilala lang. Btw nagtataka ba kayo kung bakit ko kilala si Janine? Simple lang friendly lang ako, Hahahaha! XD Joke! Nakilala ko siya dahil kay Rap kasi noong birthday niya eh di naman nakasama si Ria nun dahil my family reunion daw sila kaya di niya alam pero kilala din siya nina Mac and Fab.
"Oh! Gabi na ah? Ba't walang naghatid sayo?" tanong ni Papa
"Bakit sino ba ine-expect mo jan Pa na maghahatid saken? Atsaka ba't ang aga mo pala kanina umalis, siguro nakipag-date ka no??" tanong ko din dito pero imbes na mainis saken natawa pa siya
"Hahahaha! Ikaw talaga, matanda na si papa mo di na ako nababagay sa mga ganyan baka ikaw ang nakipag-date."
"Luhh? Okey nakipag date ako pero sa babae.."
"WHAT!" O______________________O
Minsan talaga magugulat ka na lang sa sigaw ni Papa eh, napansin ko wala si Ate asan kaya yun?
"Ok let's change the topic Pa, asan si Ate?" tanong ko dito bigla naman siyang nagkamot sa ulo niya na para bang may kuto. Hahahaha XD
"Kasama niya si Nalie."
Huh?! Sinong Nalie? Wag niyang sabihin na dumating na si Ate Junnalie from Canada?! Whuaaaaaaaaaaaattttt! NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!
"No."
"Anong No? Hoy Prissy ano iniisip mo jan?" sabay wagayway ni papa ng kamay niya sa harapan ng mukha ko, natulala kasi ako bigla eh.
"Dumating na ba si Ate Junnalie, sya ba si Nalie na tinutukoy mo?" tanong ko kay Papa na nagtataka saken kung bakit ganun ako mag-react.
"Bakit ano bang masama kung dumating si Nalie? atsaka kasama niya ngayon yung kapatid niyang si Jella." paliwanag ni Papa
So it means...
Totoo ngang nakabalik na si Ate Junnalie at kasama nya pa si Jella?! NO it can't be T^T
Hindi na ako sumagot sa tanong ni Papa umakyat na ako sa may kwarto ko at nagpahinga hayth. Mga pinsan ko sila pero di ako comfortable eh lalo na kay Ate Junnalie :((
Tinext ko si Fab siya kasi nakakaalam kung bakit di ako comfortable pag kasama or nandito sila Ate Junnalie eh, hindi naman sa inaaway nila ako or binubully pero....
TO: FAB
Hey! Still up? I need to talk to you.
Send ...
Mga ilang minuto ay biglang tumawag si Fab mayaman kasi kaya maraming pangload.
"Hello?"
"Oh ano pag-uusapan natin?"
Huminga muna ako ng malalim bago ulit magsalita
"Nandito na sa pilipinas sila Ate Junnalie, and may bonus pa nandiito din kasama niya si Jella."
"WHAT! KELAN PA?!"
Hindi naman siguro ako bingi no? Makasigaw akala mo may nangyari na masama saken.
"Siguro kanina lang, atsaka dahan dahan ka nga. Sumisigaw ka jan eh mamaya magising kapatid mong si Faye."
"Hayaan mo siyanaglalaro lang naman ng computer games yun eh, nga pala baka gusto mag overnight dito samen para di ka ma-feel uncomfortable jan?" alok ni Fab pero tumanggi ako
BINABASA MO ANG
TEAR DROPS ON MY GUITAR
Teen FictionLahat tayo may karapatang ipaglaban ang mga taong mahal natin, Pero dapat parin ba natin 'tong ipaglaban kung alam naman nating sinuko ka na niya? Iniwan ka sa ere na lumalaban? Magpapaka-tanga ka na lang ba o susuko na lang din tulad ng ginawa niya?