Kabanata 1

985 34 0
                                    

"Mama, tama na po ang pag-inom," saway ko sa kanya habang pilit inaagaw ang bote ng alak.

"He! Manahimik ka diyan! Pinapalamon na nga kita, pa-pakialaman mo pa ako?!" nanlilisik ang matang sigaw ni mama sa akin.

"Pero Ma, ang dami mo na kasing nainom..." pangangatwiran ko.

"Wala kang pake! Hala lumayas ka sa harapan ko!" muling sigaw niya sa akin.

Wala akong magawa kung hindi ang umalis sa harapan niya at pumasok sa maliit kong kwarto. Upang mag-aral na lamang. Mabilis kong binuklat at libro ko upang magbasa ngunit napangiti ako ng makita ang nakaipit na sulat doon.

Simula elementarya, palagi na akong nakakatanggap ng mga sulat kung kani-kanino, hanggang sa nakatungtong ng high school kaya hindi na bago sa akin ang ganito.

Mabilis kong tinanggal ang sulat at nilagay sa isang box. Kung saan ko nilalagay ang mga natatanggap mula pa noon.

Nasa Senior High School na ako. Grade 12 student. Kaya marami na rin kaming ginagawa sa school. Lalo na sa research namin, kaya hindi ko na napag-tutuunan ng pansin ang ibang bagay. Ngunit kapag tungkol kay mama kaya kong isantabi ang lahat mabigyan lamang siya nANg pansin.

Ganoon ko siya kamahal, kahit hindi niya ako mahal.

Naagaw ang atensyon ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya mabilis ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Esther!"

Inilayo ko bigla ang cellphone sa tainga dahil sa malakas na tili sa kabilang linya. Nang tumahimik ay ako mismo ang nagsalita.

"Tapos kana?" sarkastikong tanong ko.

"Not yet. Omg Esther!"

I sighed, "What is your problem eba?" Takang tanong ko.

"I can't believe it. Totoong totoo nga!" muling tili niya.

"Ano ba kasi ang problema mo? Sabihin mo na." naiiritang tanong ko.

"Kanina kasi may naghahanap sa'yo." I heard him giggled, "Tapos hiningi ang number mo." she added.

"Sino naman 'yon?"

"Si Drake!" tiling sabi niya.

Pero napairap lamang ako sa hangin.

"Ah okay."

"Ano te? Okay lang sasabihin mo?" histerikal na sigaw niya sa kabilang linya.

"Ano ba dapat kung sabihin? Hindi na bago sa akin 'yon."

"Naku ikaw talaga. Baka nakakalimutan mong sikat si Drake sa school. At madalang lang 'yon mamansin ng babae." aniya

"Hindi rin. Bali-balita kayang playboy rin 'yon. Tahimik na tumutuhog." sabi ko.

"Ayiie! Stalker ka niya 'no?"

"Of course not! Sabi mo sikat siya diba? Kaya naririnig ko lang ang balitang 'yon." depensa ko.

"Oo na. Basta pumasok kana bukas ah? Buti kanina na excuse pa kita sa mga teacher natin." sabi niya, kaya napangiti ako.

"Salamat Eba. Ikaw talaga ang hulog ng langit na asawa ni Adan!"

"Hoy umayos ka nga Almario! Ako na nga 'tong nagmagandang loob, tapos..."

Napa Hagikgik ako.

"Totoo naman kasi. Si Adan at si Eba ang sinaunang--"

"Ewan ko sa'yo! Bye na!"

Agad akong napatingin sa cellphone ko nang patayin niya ang tawag. Kaya napanguso ako ng nakatitig doon. Pikon e.

EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)Where stories live. Discover now