Kabanata 16

378 22 0
                                    

Pumuwesto na kami sa kaniya-kanyang sofa dito sa loob ng bahay nila Aisa.

"Girl, ganito ha?" she flipped her hair. "Kunwari magkakabangga kayo sa daan. Mahuhulog ang bag mo pati iilang gamit mo. Tapos magkasabay kayong yuyuko para damputin iyon. Kaya muling magkakasangga ang kamay ninyo at magkakatinginan kayo," she explained.

"Pero dahil nagmamadali ka, ikaw mismo ang pumutol ng titigan n'yong dalawa," kikinikilig na aniya, hindi ko tuloy maiwasang mamula.

"Tapos?" nakangusong tanong ko.

"Maiiwan ang necklace mo na regalo ng parents mo. You tresured that necklace so much kaya ng malaman mong nawala ito. You made a video na kung sino man ang nakakuha ng kwentas ay bibigyan mo ng pabuya."

Napahagalpak ako ng tawa. Pero mabilis niya akong sinaman ng tingin kaya natahimik ako bigla.

"Tapos ilang taon na lumipas, pero wala parin. Hanggang sa nakalipad na ulit ang eroplano papunta sa ibang distinasyon, dahil flight attendant ka," she explained, so I nodded.

"But definitely, 'yong taong nakabangga mo ay nakasakay sa eroplano kung nasaan ka. Muli kayong nagkita habang nagse-serve ka sa mga pasahero--"

"Wait, saan papunta 'to?" kunot noong tanong ko.

"Love story..." hagikgik na sagot niya. Kaya nanlaki ang mata ko.

"Aisa... Ano kasi, may boyfriend ako," usal ko.

"I know, I always saw you with him. But this is just a video for views. No worries."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Okay next."

Muli siyang nag explain nang gagawin namin. Kaya ang kalalabasan. Love story between the Flight attendant and the secret Pilot. Na patago lang pala siyang sinusundan.

"Hoy Kin, tumayo ka diyan!"

Natawa ako dahil sa pagiging bossy ni Aisa. Pero sumunod naman si Kin.

"Kabisaduhin mo ang linya mo, sasabihin mo iyan kay Esther sa huli," sambit ni Aisa, bago pinabasa kay Kin ang line na nasa script paper.

"I was secretly chasing you, from the day we collided. Because when the first time I laid my eyes on you, you already caught my attention and become my dream. My dream to be mine," basa ni Kinno sa script, habang damang dama ang linya.

Kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya sakto namang tumingin din siya sa gawi ko, and our eyes met as we watched each other.






ANOTHER day came maaga akong pumasok at hindi na nagpahatid pa kay Drake. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin, ni text o tawag wala akong natanggap.

Pagkapasok palang sa campus namin, bumungad na sa akin ang mga nakangiting mukha ng studyante. Ang iba ay kinikilig pa. Kaya napayuko akong naglakad patungo sa building namin hanggang sa makarating sa classroom. Mga bulungan ng studyante ang maririnig.

"Congrats mate!"

"Congrats Esther!"

"Congrats!"

Napakunot ang noo ko dahil sa paulit-ulit nilang pagbati ng congrats. Wala naman akong ginagawa ah? Kaya naupo na lamang ako sa pwesto ko at mabilis na tinext si Aisa.

Me:
Aisa, anong meron?

Agad naman siyang nagreply.

Aisa:
Bakit? Ano bang nangyari?

Me:
Hindi ko alam, binabati nila ako ng congrats.

Aisa:
Sabi na eh, hindi ka active sa social media kaya hindi mo alam.

EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)Where stories live. Discover now