LUPAYPAY ang katawan ko habang naglalakad patungong classroom at namamaga ang mga mata.
Isa, dalawa, tatlo...
Tatlong buwan na mula ng mag-umpisa ang second semester. Ngunit walang Drake na nagpaparamdam.
Araw-araw akong nagtutungo sa bahay nila pero nanatiling sarado ito. Sumadya na rin ako sa dati kong school ngunit hindi daw pumapasok si Drake. Kaya sobra na akong nag-aalala.
"Ang bilis ng araw! Malapit na tayo mag third year!" kinikilig na tili ni Aisa.
"Hoy, Esther! Ano mag eemote kana naman? Tsk. Sabi sa'yo. Ghoster 'yang boyfriend mo eh."
"Aisa!" napataas ang boses ko sa kaniya. "Alam kong nagsasabi ako sa'yo ng rants ko. Pero huwag mo naman sanang husgahan si Drake--"
She rolled her eyes, as her faced sharpened.
"Ang tanga mo Em! Tatlong buwan?! Tatlong buwan na wala siya, aasa ka pang babalik siya?!" sigaw niya sa akin.
"Alam ko may dahilan siya--"
Napatigalgal ako ng bigla niya akong sampalin ng napakalakas.
"TANGA ka nga Em! Ang laki mong tanga!" umiiling-iling siya, "Tatlong buwan na wala siya. Wala rin 'yong Paula. Ano sa tingin mo coincidence lang?!" inis na sigaw niya.
"GUMISING ka Em! Ang ganda-ganda mo para sayangin lang sa siraulong tao, na hindi mo alam kung nasaang lumalop!" singhal niya, habang bakas sa mukha ang sobrang pagakainis.
"I-I know, he will be back..." I uttered, as my eyes watered.
"Tangina! Tatlong buwan umaasa kapa?!" she tsked, "Nasaan siya ng mga panahong kailangan mo siya? Nasaan ba siya ng mga panahong na hospital ka? Nasaan siya ng mga panahong ilang beses kang muntik magahasa?! Nasaan siya Em no'ng sobrang kailangan mo siya, sige nga?! Wala diba? Ni anino niya wala. Ni hi, ni hoy!" sigaw niya kaya hindi ko na napigilan ang maiyak sa harapan niya.
"He was not there, when you need him the most." she pointed out.
"Babalik siya--"
Napaiktad ako sa gulat ng biglang tinumba ni Aisa ang upuan, kaya napatingin sa amin ang iba naming classmates. Good thing, wala pang Professor na pumapasok.
"Aisa..." naiiyak na tawag ko. Ngunit pinanlisikan niya lang ako ng mata, bago mabilis na isinukbit ang bag niya.
Akmang maglalakad siya palabas ng room nang hawakan ko ang braso niya. Ngunit mabilis niya lang iwinaksi ang kamay ko.
"Tsaka mo na ako kausapin kapag hindi kana tanga!" her eyes narrowed, "Dahil wala akong kaibigang tanga!" she added, before she walked away.
Dahan-dahan akong napaub-ob sa desk table ko at tahimik na umiyak. Nasaan kana ba Drake?
KINAHAPUNAN dumiretso ako sa bahay nila Nanay Sona. Nagbabakasaling nakauwi na siya. Araw-araw ko iyong ginagawa. Kaya minsan ginagabi na ako pauwi. Kung kaya't ilang beses din akong muntik mapagsamantalahan. Buti na lang laging dumarating si Kinno upang iligtas ako.
Nanlaki sa tuwa ang mga mata at puso ko nang makitang bukas ang bahay nila Drake. At lumabas doon si nanay. Walang paglagyan ang saya ko. Habang dahan-dahang pumapasok sa bakuran nila.
"Nay..." tawag ko kay Nanay nang makitang nagtapon ito ng basura.
Nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. Ngunit walang bakas na ngiti sa labi niya. Pero lumapit parin ako sa kaniya, ngunit hindi paman ako tuluyang nakakalapit ng salubungin niya ako.
YOU ARE READING
EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)
Roman d'amourEsther Merie Almario is a simple woman who only dreams of being loved by her mother. But whatever she does was still not enough. Because her mother wanted her to enter into the world of modeling. But her dream is to be a Flight Attendant. But someth...