Kabanata 28

543 23 0
                                    

NAGISING ako dahil sa malakas na pag tunog ng cellphone ko. Kaya pikit mata ko itong sinagot kahit hindi pa nakikita kung sinong tumawag.

Humikab muna ako, "H-Hello?"

Nakapikit lamang ako habang hinihintay magsalita ang nasa kabilang linya.

"Hello, EM!" malakas na sigaw sa kabilang linya. Kaya tipid akong napangiti.

"Aisa..."

She chuckled softly, "Ako nga. Sorry kagabi hindi ako nakapunta-"

"Okay lang." I interrupted, "Hindi rin naman ako nagtagal doon."

Ako na ang pumutol ng sasabihin niya dahil panigurado walang katapusang sorry na naman ang sasabihin niya.

"I miss you, EM! I hope we can catch up soon..."

I smiled, "Pwede naman, tapos na ang mga kontrata ko sa modeling kaya magpapahinga muna ako."

"Really?"

"Yes."

She screamed, "Let's have a vacation sa probinsya. Uuwi ako sa makalawa." untag niya.

My smiled slowly faded, "Hmm... s-sure, dadalawin ko rin si mama."

I heard she sighed, "Okay kana na?"

I chuckled. I know what she mean, "Of course. Sasagutin ko ba si Kinno kung hindi?"

She giggle, "That's good to know. So see you there na lang?"

"Sure,"

"Alright, bye EM. I have a lot of things to do. Take care. See you soon, mwah!"

"Take care too, bye..." I responded before the call finally ended.

Imbis na bumalik sa pagkakatulog mabilis na akong bumangon at dumiretso sa banyo. Napatitig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili.

"Okay na na talaga ako?" tanong ko sa sarili.

I immediately shook my head, Yes! I'm fine already. I know I love Kinno. Kung ano man ang naramdaman ko sa event ng makita sila for sure galit 'yon. Dahil sa panloloko nila noon.

Daddy taught me not to plant a wave of anger for people but when I saw them, I couldn't help but feel hatred. I hate them for cheating on me behind my back.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago naghilamos at lumabas ng banyo.

Agad kong tinawagan si Daddy. Hindi kami magkasama ngayon dahil dito ako tumuloy sa regalo niyang condo para sa akin.

Makailang ring lang ng sagutin niya ito.

"Hello princess. Good morning." masiglang bati niya.

"Morning, Dad." I sighed, "Dad I wanted to visit mama in the province."

"Oh, sure princess. Kaso hindi kita masasamahan. Same with Jasper, may lakad kami."

"Okay lang Dad. Kasama ko si Aisa. Baka si Kinno rin sasama."

Daddy chuckled, "Good to know, at least you're safe with them." he commented.

"And Dad..." I sighed deeply, "I want to renovate our house there... for vacation purposes. Sayang din kasi 'yon."

"Sure princess, I'll send the best Engineer and Architect to check your house."

I smiled happily, "Thanks Dad... I can help with the expenses-"

"No princess, Ako bahala sa gagastusin"

"Pero Dad-"

"No buts, anak. Hayaan mo akong bumawi sa'yo." aniya sa malumanay na boses.

EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)Where stories live. Discover now