Kumekembot-kembot pa ako habang nasa harap ng kalan at may hawak na sandok.
"Nanay! Okay na po ba 'to?" excited na tanong ko.
Tinikman naman ni nanay ang niluto kong menudo. Kaya napatalon ako sa tuwa nang tinaas niya ang dalawang hinlalaki.
"Perfect!" she exclaimed while clapping her hands.
Kaya hindi ko naitago ang labis na saya sa dibdib. Sana magustuhan 'to ni Drake.
"Osige na, pakuluin mo na lang tapos okay na. I-aayos ko kang ang paglalagyan ng pagkain." sabi ni nanay kaya tumango lang ako.
Mabilis kong kinuha ang ang bagong cellphone ko, na galing kay mama. Kasama pala sa sobreng iniwan niya sa akin.
Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay Drake.
Me:
Lunch break niyo na?Pinatay ko ang kalan ng makitang kumukulo na ang niluto ko, bago bumaling sa cellphone, sakto namang nagreply si Drake.
From: Drake
20 minutes pa. Bakit?Hindi na ako nagreply pa at tinulungan na lang si nanay na ayusin ang baunan.
"Nanay, magugustuhan kaya ni Drake ang niluto ko?" kinakabahang tanong ko. Habang naglalakad na kami papunta sa Hacienda Cervantes kung saan nagtatrabaho siya bilang Assistant sa farm ng Cervantes family. Isa sa pinakamayamang pamilya dito sa Sitio Pinaglabanan sa lalawigan ng Zambales.
"Abay syempre naman. Paborito niya 'yan eh."
Lihim akong napapangiti habang hindi mapakali sa magiging reaksyon ni Drake. This is the first time I cooked for other people. Sometimes I'm too lazy to cook for myself, kaya bumibili lang ako ng de lata o kaya noodles.
Mabilis kaming pinapasok ng bantay sa gate ng Family Cervantes dahil kilala naman si Nanay Sona. Ramdam ko ang sobrang kaba sa dibdib.
Nang makarating kami sa balkonahe ng hacienda, nakita naming lumabas si Drake mula sa loob ng hacienda Cervantes habang masayang nakangiti sa kausap na katulong. Kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Dahil sa biglaang pagkirot ng puso ko.
"Mama? Esther?"
Bakas ang gulat sa boses ni Drake. Kaya dahan-dahan akong napatingin sa kaniya, habang nakangiti parin. Kaya sinimangutan ko siya bigla.
Nagpaalam siya sa kausap niya bago naglakad palapit sa amin. Habang inaayos ang manggas ng damit.
"Hey, bakit kayo nandito?"
Nagulat pa ako ng alalayan niya akong makaupo. Same with nanay.
"Wala kasi kaming magawa ni Esther, kaya naisipan naming dalhan ka ng pagkain."
He chuckled sexily, while suddenly sat down beside us.
"How sweet my girls." he commented.
Natawa lang si nanay. Bago inilabas ang pagkain sa tupperware. Ako naman ay nanatiling nakasimangot. Who's that girl? Kaya siguro ang sipag niya magtrabaho dahil may nilalandi siya dito.
"Why so quite?" puna niya sa'kin.
I smiled fakely, "Wala. Namamangha lang ako dito." palusot ko.
Tumaas ang kabilang kilay niya, na parang hindi naniniwala. Ngunit ng malanghap namin pareho ang amoy ng ulam. Sabay kaming napabaling doon.
"Wow!" he exclaimed.
Mabilis na inabot sa kaniya ni Nanay ang baunang tupperware, na may kanin at ulam.
![](https://img.wattpad.com/cover/267625296-288-k16090.jpg)
YOU ARE READING
EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)
RomanceEsther Merie Almario is a simple woman who only dreams of being loved by her mother. But whatever she does was still not enough. Because her mother wanted her to enter into the world of modeling. But her dream is to be a Flight Attendant. But someth...