Kabanata 6

446 25 0
                                    

Naglalakad na ako pauwi, ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang nalaman. Why would he even protect me? I asked to myself.

Umiling-iling na lamang ako dahil sa mga posibleng naiisip. Habang naglalakad mag-isa, may nakita akong Ginang na pinupulot ang mga prutas na nasa lupa. Kaya mabilis akong lumapit at tinulungan ang Ginang.

Napangiti siya sa akin nang mapansin ako. Hanggang sa matapos na kami sa pagpupulot dalawang plastic bag iyon. Pero sira na ang isang plastic.

"Salamat, anak." nakangiting sabi niya. Parang may humaplos sa puso ko, when I heard her words with her angelic voice.

"W-Wala pong anuman." my voice stammered, I can't hide my emotion. This is the first time someone called me anak.

"Mauuna na ako ha? Baka abutan ako ng dilim."

"Saan po ba kayo umuuwi?" biglang tanong ko.

Napatingin naman sa akin ang Ginang habang malapad na nakangiti. Pamilyar din ang mukha niya. Parang may kamukha siya. Lalo na ang bilugan nitong mata.

"Diyan lang sa Sto. Pinaglabanan."

Napangiti naman ako. Hindi naman pala kalayuan sa amin.

"Hatid ko na po kayo, malapit lang po kami doon."

"Naku anak, hindi na--"

"Sige na po. Baka mahulog ulit ang mga dala niyo." nakangiting sambit ko. Habang nakatingin sa inaalalayan niyang plastic bag.

"Ay sige anak. Kung mapilit ka." nahihiyang aniya.

Mabilis ko siyang tinulungan sa dala niya. At nag-umpisa ng maglakad. Napatingin pa ako sa bahay naming naka sarado. Bago nilagpasan.

"Ay anak, anong pangalan mo?" biglang tanong ng ginang.

Her words makes my heart melts. It's good to hear. I felt so important. Para akong isang batang mahal na mahal ng isang ina.

"Esther po." I still managed to answer despite my trembling.

"Ang gandang pangalan. Ako naman si Sona. Tawagin mo na lang akong nanay Sona."

Hindi ko na kinaya, ramdam ko na ang pamamasa ng mata ko. Ganito pala ang pakiramdam. Kapag tinatawag kang anak.

"Opo, N-Nanay Sona..."

Inabot ng ilang minutos bago kami makarating sa bahay nila. Kalahating bato at kahoy. Malinis din ang bakuran at puno ng mga halaman. Nakita ko pa ang pulang rosas. Kaya naalala ko agad ang bulaklak na natanggap ko last week.

"Anak, pumasok ka muna."

Mabilis akong umiling kay Nanay sona. At tipid na ngumiti.

"Sa susunod na lang po, Nay. Baka hinahanap na po ako sa bahay." palusot ko.

Medyo nalungkot ang mukha ni Nanay sona. Kaya muli akong nagsalita.

"Babalik po ako dito nay, kapag wala po akong pasok."

"Talaga?" masayang tanong niya.

"Opo." tango ko.

"Asahan ko iyan. Magluluto ako favorite ng anak kong menudo."

"Sige po Nay, mauuna na po ako," paalam ko.

"Mag-iingat ka sa daan. Sayang at hindi mo naabutan ang anak ko. Pumasok na ata sa trabaho." nanghihinayang na sabi niya.

Nakangiti lamang ako habang nakatingin sa ginang. Makikita sa mukha ang labis na pagmamahal sa anak. Sana... Sana ganoon din si mama sa akin.

"Okay lang po, Nay. Baka po sa susunod maabutan ko na." huling sinabi ko, bago tuluyang nagpaalam paalis.


EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)Where stories live. Discover now