Kabanata 27

492 26 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin sa kanila when the girl kissed my man.

Ang taong pangarap daw ako pero niloko naman ako.

Mapait akong napangiti bago tumingin kay Jasper na nakatingin din pala sa akin.

His brows furrowed, "Are you okay?" he suddenly asked, so I just nodded at him. Bago nagpaalam na pupunta ng washroom.

Taas noo akong naglalakad papuntang washroom. Kaya hindi maiwasang mapatingin sa akin ang ibang bisita.

Who wouldn't dare to look at me? Isa lang naman ako sa sikat na International Model sa bansa.

Mabilis kong kinuha sa pouch ang foundation ko at dahan-dahan nag retouch ng mukha sa harap ng salamin. Hanggang sa narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa may tumabi sa'king babae. Napansin ko ang bahagya niyang pagbangga sa braso ko ngunit hinayaan ko na lang.

She cleared her throat, "Long time no see." she chuckled, "It's been a year... Esther."

I suddenly stopped from retouching my face and I faced her, wearing my unusual sweetest smile, "Yeah... So, how are you, Paula?" I asked casually.

She laughed, "Ofcourse, I'm good. We're good."

I smiled at her then I nodded, "That's good to know, then."

Muli akong humarap sa salamin at tinapos na ang pag retouch. Until she spoke again, with her accusing tone.

"Did you come back... for him?"

I suddenly laughed so hard, "W-What are you talking about?" I asked back, "Do you think, I am that martyr? Have you forgotten? You two cheated on me!"

Mahina siyang natawa habang inaayos ang kaniyang buhok. "Well, ako naman kasi talaga ang mahal niya. Ginamit ka lang niya at ginawang parausan." mapang-uyam na aniya.

I got pissed. I secretly clenched my fist, but I still remained in my classic posture. No, I've not affected anymore. Sila ang may kasalanan sa akin.

I took a deep breath to calm myself. At least, natikman ko rin siya. Parehas lang kaming nag tukaan."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Parehas ka rin ng nanay mo, malandi!"

Mabilis na nag-init ang ulo ko kaya malakas ko siyang nasampal na kinagulat niya.

"Para yan sa pagdadamay sa nanay ko!" muli ko siyang sinampal sa kabilang pisngi, "Para naman iyan sa panloloko niyo sa'kin!" sigaw ko sa kaniya at mabilis na lumabas ng washroom.

Pinilit kong huwag tumulo ang nagbabadyang luha sa mata at nagpakawala ng malapad na ngiti sa labi bago bumalik sa lamesa kung nasaan si Jasper. Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.

"Bakit ang tagal mo?" biglang tanong niya.

Hindi na ako sumagot at nginitian lamang siya. Hanggang sa natuon ang atensyon ng lahat sa kakapasok lang na bigating negosyante sa bansa. Si Daddy. Kasama ang pamilya ni Kinno.

Inalalayan ako ni Jasper at sabay kaming naglakad palapit sa inukupahang lamesa nila Daddy. Kaya nabaling ang tingin nila sa amin.

"Oh, my daughter. Akala ko hindi ka sisipot." natatawang saad niya bago ako niyakap ng mahigpit. Niyakap niya rin si Jasper.

"She was planning to back out a while ago, Dad," sumbong ni Jasper. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Daddy laughed softly before he tapped Jasper's shoulder. "Thank you son for stopping her."

Nagtanguan lang sila bago muling bumaling sa pamilya ni Kinno. Kaya nagsalubong ang mga mata namin ni Kinno.

Mabilis akong ngumiti sa kaniya, lumapit naman siya sa akin at mabilis akong niyakap bago hinalikan sa pisngi.

"So, how's your flight? Hindi na kita nasundo-"

"It's fine Kinno, nandiyan naman si Jasper." nakangiting sagot ko.

Muli niya akong niyakap at hinalikan sa noo, "Ang ganda mo..." bulong niya kaya bahagya ko siyang natampal sa braso. "Bolero."

Napaiwas agad ako ng tingin dahil sa paninitig ni Kinno. Hanggang sa mapansin ko si Paula na kakalabas lang siguro ng washroom at kunwaring naiiyak. Sinundan ko ng mata ko ang pupuntahan niya hanggang sa huminto siya sa isang lamesa at mabilis na niyakap ang taong nakaupo doon.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng kausap ni Paula. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Paula dahil bigla na lang nagdilim ang mukha nito, at mabilis na hinahagod ang likod niya. Tsk, ang arte.

Bakit kapag ako ang umiiyak noon, walang Drake na humahagod ng likod ko katulad sa kaniya? Tsk.

Mabilis kong binalik ang tingin kay Kinno nang biglang pumulupot ang braso niya sa baywang ko.

"I miss you, EM..." he whispered

I chuckled, "I miss you too, Kinno..."

He was about to kiss me on my cheek when my Dad called my name. Kaya napabitaw sakin si Kinno. at nahihiyang napatingin kay Daddy.

"Merie, come here." Daddy said.

Mabilis akong lumapit sa kanya at umangkla sa braso niya. "Are you ready?"

I sighed, "K-Kinakabahan ako Dad..."

Daddy rubbed my palm, "Don't be. You're so gorgeous my daughter. You should be proud of it." aniya.

Napanguso na lamang ako at nagpatianod kay Daddy paakyat sa entablado.

Sobrang kinakabahan ako pero hindi ko naman kayang ipahiya si Daddy sa gusto niyang mangyari. Tsaka, ito na 'iyong pangarap ko. Ang makilala bilang anak...

Mabilis kaming nakarating sa entablado. Kaya napabaling ang tingin ng lahat sa amin. Lalo na sa akin. Halata sa mukha nila ang mga katanungan. Halong pagtataka at pagkamangha.

Daddy cleared his throat. Before he held the microphone in front of the crowd.

"Good evening, ladies and Gentlemen." daddy greeted them with his blissful tone. "So this occasion is for my daughter na matagal na nawala sa'kin..." mabilis na naging emotional ang tono niya. Kaya pinisil ko ang braso ni daddy.

"I never expect na may napabayaan akong anak..." he paused, "Kaya nang malaman kong may anak ako hindi na ako nag-aksaya ng oras upang makita siya... At first she hates me so much, and it hurts. Kaya ginawa ko ang lahat upang mapatawad niya. Kaya special ang araw na'to para sa'kin dahil sa wakas. Natanggap din ako ng anak ko sa kabila ng kasalanan ko." ani daddy. Bago ako niyakap.

"So please welcome. My only daughter, Esther Merie Almario Narciso." Daddy informed them. "The famous International model!" proud na announce ni daddy.

Mabilis na nagpalakpakan ang mga bisita sa loob ng event kaya nginitian ko na lamang sila. Kahit na gusto nang tumulo ng mga luha ko.

Hindi na ako ang dating Esther na iyakin, mahina at inaapi. Hindi na ako tulad ng dati na kahit masaktan ng paulit-ulit ay okay lang.

Iba na ako ngayon. Ibang iba na...

Binago ako ng sakit na pinaramdam ng mga taong minsan kong pinagkatiwalaan at minahal.

EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)Where stories live. Discover now