Kabanata 25

469 24 0
                                    

KINAUMAGAHAN maaga akong nag-ayos upang puntahan si Nanay, tungkol kay Drake. Ngunit pagdating ko sa bahay nila sarado ito at naka lock.

Sinubukan kong tawagan ang numero ni Nanay at Drake. Pero out of coverage, kaya lumapaypay ang balikat kong umalis doon.

Ngunit napahinto ako ng marinig ang nangyaring aksidente daw noong isang gabi. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at umuwi na lamang.

Hanggang sa maisipan kong tawagan si Eba. Alam niya kaya ang nangyari? Siguro hindi. Kasi hindi naman kami madalas mag-usap.

Napanguso ako ng hindi ko rin makontak ang number ni Eba. Nahihiya naman akong tawagan si Aisa at Kinno dahil lang sa nalulungkot ako.

Mabilis akong pumasok ng bahay. At doon nagmukmok sa kwarto habang yakap ang mga letrato ni mama.

Muli kong binuksan ang kaniyang Photo Album at pinilit lakasan ang loob. Pagbukas ko tumambad sa akinang masayang family picture na kasama si mama. At may buhat na batang lalaki. Habang may nakayakap sa baywang niyang lalaki.

Sabay-sabay nagbagsakan ang luha ko. Dahil sa nalaman. May pamilya si mama bago paman ako dumating Kaya siguro hindi niya ako nagawang mahalin. Pero paanong nangyari iyon? Sino ang tatay ko? At paanong hindi niya naabot ang pagmomodelo, eh model na siya sa mga letrato.

Gulong-gulo ang isip ko. Hanggang sa may narinig na katok mula sa labas ng pinto. Kaya agad kong pinunasan ang luha sa mata bago bumaba.

Pagkabukas ko ng pinto. Tumambad sa akin ang dalawang babae. Kung susumain kasing edad ni mama.

"Hi. Ikaw ba ang anak nk Merle?" biglang tanong ng isang babae, kaya napatango ako.

"Pwede kaba naming makausap? Katrabaho niya kami," nahihiyang sabat ng isa.

Namilog bigla ang mata ko. Bago nilakihan ang bukas ng pinto.

"Pasok po kayo."

Pumasok sila at kusang naupo sa mahabang kahoy na upuan. At tipid na ngumiti sa amin.

"Hindi kami magtatagal. Gusto lang naming iabot ito."

Muling nanlaki ang mata ko ng iabot nila sa akin ang maliit na box na agad ko namang tinanggap.

"Sa mama mo iyan. Naiwan niyang gamot sa club." nahihiyang sabi ng babae, "Hindi ko alam kung alam mo. Pero nagtrabaho ang mama mo sa club, hindi dahil sa kagustuhan niya lang." unti-unting naluha ang babae.

"Saksi kami kung paano siya nandidiri sa mga lalaking nakakasalamuha niya sa club. Pero lagi niyang iniisip. Ang mabigyan ka ng magandang buhay." she paused. Then I gasped. I didn't know.

"Tiniis niya ang magtrabaho doon, dahil 'yon lang daw ang malaking pagkakakitaan. Lalo na at magka-college kana." tumulo ang luha ng babae, kasabay ng pagtulo rin ng luha ko.

"Naikuwento niya sa aming naging malupit siya sa'yo. Kaya doon na lamang siya bumabawi." dagdag nito.

Tuluyan na akong napahagulhol.

"Sabi pa niya. Kahit bumalik siya sa pagmomodelo hindi na rin siya tatanggapin." malungkot na wika ng babae. Kaya sumabat na ako.

"Bakit naman po? Papasa pa naman siya--"

"Nabuntis siya sa'yo."

Mariin akong napapikit. Tama nga ako. Dahil sa akin hindi niya naabot ng tuluyan ang pangarap niya.

"May offer daw sa kaniya noon. International, kaya nag celebrate siya ng gabi ring iyon. Dahil matutupad na ang pangarap niyang maging sikat na modelo." she paused, "But then, she got drunk. At nabiktima ng raped..."

Napasinghap ako habang nakikinig.

"Your mother was allegedly raped that night, and you were the fruit." she continued.

Oh God! Mabilis kong nabitawan ang box na hawak dahil sa panginginig ng katawan ko. Hindi ko alam iyon.

"Kaya daw sa tuwing nakikita ka niya, nasasaktan siya dahil sa hindi niya naabot ang pangarap niya, dahil mas pinili niyang buhayin ka..." she paused again, while her tears falling. "Pero alam mo kung ano mas masakit?" tanong niya, kaya umiling ako.

"Kaibigan niya pa ang gumawa noon, dahilan para iwanan siya ng fiancee niya..."

Nanigas ako sa kinauupuan ko, dahil sa mga nalaman. Parang dinudurog ang puso ko. Ganoon pala ang pinagdaan ni mama. Kaya pala, galit siya at ayaw niya sa akin.

"Kaya pinapasabi niya..." napatingin ako sa babaeng nagpupunas ng luha. "Siya na daw ang pinakamasayang tao sa mundo. Kung may tutupad sa pangarap niya," she paused. "Ikaw daw ang inaasahan niya dahil nakuha mo ang lahat sa kaniya, ngunit ayaw ka daw niyang pilitin, dahil alam niya ang nararamdaman mo..." tipid na ngumiti ang babae bago tumayo.

"Mahal ka ng mama mo. Naging malupit man siya sa'yo. Hindi ka parin niya pinabayaan. Pero maswerte ang mama mo, dahil nagkaroon daw siya ng anak na katulad mo.," she smiled, "Proud na proud sa'yo ang mama mo. Dahil sa pagiging matapang mo."

Huling salitang narinig ko bago sila tuluyang lumabas ng bahay. Kaya mabilis kong niyakap ang mga tuhod ko. At doon humagulhol ng humagulhol dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam.

"Mama... Mahal na mahal din po kita..." bulong ko sa hangin habang nakapikit na lumuluha.

EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)Where stories live. Discover now