Mahigpit kaming magkayakap ni Drake habang nasa harap ng Van ng pamilya Cervantes. Hindi ko mapigilan ang maluha habang kayakap siya.
"Isang linggo lang akong mawawala babe. Uuwi rin ako."
Tumango lang ako. Naiintindihan ko naman pero kasi nasanay na akong lagi siyang nandiyan.
"Basta lagi akong magtetext sa'yo at tatawag. Okay? Kapag nabobored ka puntahan mo si Nanay." aniya
Muli lang akong tumango.
"Wag kana umiyak. Baka hindi na ako umalis." biro niya. Kaya natampal ko ang braso niya.
"Mag-iingat ka do'n ah. Mamimiss kita, tsaka 'wag titingin sa ibang babae sa Maynila!" paalala ko.
He chuckled, "Syempre hindi. Ikaw lang ang mahal ko." malambing na bulong niya.
"I love you, Drake." bulong ko. Naramdaman ko ang bahagya niyang paninigas.
"I love you too, Babe." he kissed my lips, "'Pag balik ko papaksalan na kita." napanguso ako dahil alam kong nagbibiro lang siya.
"Baliw! Nag-aaral pa ako."
"Pwede naman iyon. Para wala ng aagaw sa'yo, mula sa akin."
Pinamulahan ako sa sinabi niya. I'm hoping Drake. Ngunit kailangan na nilang umalis, bago sila abutan ng takip-silim.
I quickly wiped away my tears when I could no longer see their car. It's only a week.
Si Drake kasi ang napiling Engineer ng pamilya Cervantes sa ipapatayong building sa Manila. Hindi ko alam ang buong detalye. Nasa 4th year college pa lang siya, pero tiwala na sa kaniya ang mga Cervantes.
Nag-umpisa na akong maglakad pabalik ng bahay. Hindi na rin ako nagpahatid sa tauhan mg pamilya Cervantes. Total maaga naman kaya ko ang sarili ko.
While walking on the road I observed the beautiful scenery here in the city of Zambales. The pleasant breeze of the wind and the pleasant hearing of the birds chirping.
I continued walking until a track full of people passed by. Maybe they will bond. Since semester break today, and I'm currently in my second-year of college.
I couldn't help but to feel a strange joy. Because I will be able to board a plane in a few more years. Just like my dream.
Malapit na ako sa bahay nang muling marinig ang mga tsismisan tungkol kay mama. Lalo na't napapadalas ang pag-uwi niya pero araw-araw para siyang namamayat.
Mabilis akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Naging libangan ko na ang ang buklatin ang Photo Album ni mama. Kahit na may malaking katanungan sa isip ko.
Hindi naman ako natuloy maghanap ng trabaho. Dahil sobra sobra ang inaabot ni mama. Na libo-libong pera. Kaya hindi ako nagugutom o nagkakaroon ng financial problem. Pero hindi ko maiwasang magduda kung saan niya kinukuha ang pera.
Nagsearch na rin naman ako sa social media kung may pangalan niyang nasa model lists pero wala naman. Kaya mas lalo akong nalilito sa nangyayari.
Malalim akong bumuntong hininga bago muling binuksan ang Photo Album. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Habang pinagmamasdan ang masayang mukha ni nama sa letrato. Kaya siguro hindi niya akong kayang mahalin.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at nag facebook na lamang. These past few days, nagiging active ako mag facebook lalo na at napapatawa ako ng memes na gawang pinoy.
***
NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ng malakas na tunog ng cellphone. Kaya pupungas-pungas ang matang sinagot ko ito.
"H-Hello?"
"Goodevening. Ito ba ang anak ni Merlenna?"
Mabilis akong napaupo sa higaan ng marinig ang pangalan ni Mama. Kasabay ng pag-usbong ng kakaibang kaba sa dibdib.
"O-Opo, bakit po?"
"Miss Almario, pumunta kana lang sa Saint John Hospital. We'll send the exact location."
"Ano pong--" I couldn't finished my words, when she suddenly ended the call.
Mabilis akong bumangon at nag-ayos ng sarili ng matanggap ang location ng Hospital. Ngunit madaling araw palang kaya wala akong masasakyan.
I was about to dial, Drake's number. Pero nasa Maynila nga pala ito. Si kinno, shit! Wala akong number niya. Mabilis kong hinagilap ang number ni Aisa para mag text. Pero naunahan ako ng hiya.
Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa hindi malaman ang gagawin. Facebook!
Aligaga kong binuksan ang facebook ko at saktong online si Kinno. Kaya mabilis ko siyang chinat. Habang dama ang sobrang saya.
Me:
Kinno!***
I run fast into the hospital and hurriedly asked the information desk where mama was is. When the nurse said so, I quickly ran there and quickly entered the room.
"Mama!" iyak na sigaw ko nang makitang nahiga siya sa hospital bed habang nakapikit. Nanghihina, namumutla ang mga labi, malaki ang eye bags, at sobrang payat.
"Mama..." muling tawag ko. Kasabay ng pagmulat ng mata niyang malungkot na tumingin sa akin.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang bahagyang umangat. At hinaplos ang mukha ko. Kaya tuluyan na akong napahagulhol habang dinadama ang haplos niyang, kay tagal kong pinangarap maramdaman.
"Anak..." nahihirapang sambit niya.
Napaub-ob na ako sa kaniya at mabilis na niyakap. "Mama ko..."
"Anak, patawarin mo si mama..."
Muli akong napahagulhol ng marinig ang katagang iyon mula sa kaniya. "Mama, matagal na po kita napatawad." I sobbed.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang makita ang habol niyang paghinga. "Mama..."
Tipid siyang ngumiti habang pinupunasan ang luha ko. "I-I'm so proud of you, anak. You're so brave to face the darkness of life..." she said in a broken voice. At the same time she shed a tears.
"Anak pwede akong humiling sa iyo?"
Napahinto ako saglit sa pag-iyak, at mabilis na tumango habang nakatitig sa basa niyang mukha. Ngunit bakas parin kagandahan doon.
"Fulfill my dreams anak..." namamaos na aniya, at nahihiyang umiwas ng tingin. "I really wanted to be a model, so bad." she uttered, at sabay-sabay na pagbagsak ng luha niya. "Pero kung ayaw mo, huwag mong pilitin-"
"Mama!" napasigaw ako ng makita ang mariin niyang pagpikit na parang may iniindang sakit. Ngunit muli siyang pilit na dumilat at ngumiti.
"Stay strong, Merie." she sobbed, "Mahal kita, anak... Mahal ka ni mama, Merie..." nahihirapang aniya. Bago tuluyang pumikit ang mata.
Sunod-sunod na bumagsak ang luha ko. Habang naninikip ang dibdib ko. "Mama! Mama!" I screamed, "Doc! Doc! Iyong mama ko!" tawag ko sa Doctor. Ngunit ng mapatingin ako sa Doctor. Umiling lang ito sa akin, na bakas ang awa sa mukha.
"Uminom siya ng alak na may lason, mabilis itong kumalat, kaya hindi na namin naagapan pa." paliwanag ng Doctor.
"Pero bakit Doc?" takang tanong ko. Bakit magpapakamatay si mama?
"N-Nagkaroon siya ng Aids. At hindi niya iyon matanggap..."
Muling namalabis ang luha mula sa mata ko. Habang sapo-sapo ang masakit na parte ng dibdib. Hindi ako makahinga, walang salitang lumalabas sa bibig ko. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Hanggang sa bumagsak na lamang ako sa sahig. Habang humahagulhol... Kasabay ng pagpulupot ng mga braso mula sa likuran ko.
"Stay strong, EM. Nandito lang ako..." bulong niya.
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya at mabilis na yumakap, at doon muling humagulhol.
"Wala na si mama ko, Kinno. Wala na siya..." hagulhol ko sa bisig niyang nakayakap sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/267625296-288-k16090.jpg)
YOU ARE READING
EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)
RomanceEsther Merie Almario is a simple woman who only dreams of being loved by her mother. But whatever she does was still not enough. Because her mother wanted her to enter into the world of modeling. But her dream is to be a Flight Attendant. But someth...