Mabilis kong na itulak si Drake ng biglang tumunog ang cellphone ko. Lihim ko munang pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata ko.
Nanatili akong nakatalikod kay Drake, bago ko sinagot ang tawag.
I took a deep breath, "Hello?"
Napangiti ako ng marinig ang tawa ni Aisa sa kabilang linya.
"Hi, EM." she chuckled, "Nandito na ako sa bahay. Ikaw?"
"Nandito na rin sa bahay. Hmm, plano kong ipa renovate ang bahay." saad ko.
"Oh that's nice. Pero dito ka na ba ulit? Hindi kana babalik ng bansa? Paano ang career mo?" sunod-sunod na tanong niya.
I laughed, "Hindi ko pa alam. But for the meantime, I'll stay here. Na miss ko rin ang simpleng buhay."
"That's good. By the way, where's Kinno? Hindi ako nirereplyan." I bet she's now pouting, so I laughed softly.
"N-Nasa baba. Nandito kasi ako sa taas. Chinicheck ang room ko."
"Oh, did I disturb you?"
"Hindi naman."
"Nga pala, EM. Nagkayayaan mga collegeuos natin." she paused, "Reunion daw,"
"Sige, kailan?"
She sighed, "Later tonight. Are you guys free?"
I smiled, "Oo naman-" my own words cut when I felt someone embracing his arms around my waist. "Uh, Aisa I'll just call you later. B-Bye..."
Mabilis kong pinatay ang tawag bago ko tinanggal ang braso sa baywang ko.
"Ano ba, Drake?!" I hissed while glaring at him.
Nakita ko ang bumalatay na sakit sa mukha niya. Bago siya tumalikod sa'kin. Nakita ko na lamang na nagbukas-sara ang pinto.
Napatampal ako sa sariling noo. Habang ramdam ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Mariin akong napapikit at dahan dahang naupo sa kama. I can feel my frustration dahil sa mga biglaang pangyayari.
Payak akong natawa ng maalala ang mga katagang binanggit niya kanina. "Why did you leave me?"
Really Drake? Do you think dahil sa mga ginawa niyo mananatili pa ako?
Imbis na galit ang maramdaman ko dahil sa mga panloloko nila. Parang mas lalo pa akong nasasaktan ngayon. No, hindi 'to pwede.
"May boyfriend na ako, for pete's sake!" sermon ko sa sarili.
I just stayed in my old room for a minute just to calm myself. I could still feel my shivering body. Pero kailangan kong bumababa para sabihin kay Kinno ang occasion mamaya.
I breathed out heavily before I decided to go back wherever they were.
Naabutan ko si Nanay Sona na nakaupo sa sala, habang magkahawak ang dalawang palad at nakatingin sa malayo.
Nakakunot ang noo ko ng hindi makita si Kinno at si Drake. Kaya naglakad ako palapit kay Nanay at walang tunog na naupo ako sa tabi niya, kaya napatingin siya sa akin.
"Nasaan po sila?" tanong ko habang nakayuko.
"Nasa likuran, tinitignan ang lawak ng lupa."
Napatango na lamang ako sa naging tugon niya. Nabalot kami ng katahimikan ng biglang magsalita si Nanay.
"A-Anak, sorry..."
Parang may mainit na humaplos sa puso ko ng marinig ang sinabi niya. Ngunit nanatili akong tahimik.

YOU ARE READING
EAS 2: Certain Shades of Green (Completed)
RomanceEsther Merie Almario is a simple woman who only dreams of being loved by her mother. But whatever she does was still not enough. Because her mother wanted her to enter into the world of modeling. But her dream is to be a Flight Attendant. But someth...