Kabanata 8: Napaso
They said that first born children are tend to be more responsible and obligated as they grow. And I'm starting to feel that now. I think the responsibility becomes more heavy when you're a first born who happened to be a girl. You're not just going to take care your house, do household chores and repeat.
As I age, I realize how different it is to be an elder child. It seems like you're being a second parent to your siblings everytime your parents are not around. There's always an obligation awaits you in the end of the day.
Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko. Sumisilip na ang liwanag mula sa sinag ng araw sa labas. Hinanap ng mata ko ang nakakabit na orasan sa gilid ng bintana. Hala ka! Alas-syete na pala ng umaga?!
Mabilis akong nagsuklay at lumabas ng kwarto. Nadatnan kong nasa labas si Rendon at hinihintay akong magising.
"Ate nasa labas si kuya Ryu. Hinahanap ka."
Ganito ka aga?! Bakit naman siya nandito? Wala naman siyang mensahe na may pupuntahan kami o ano. Bago pa mabasag iyung ulo ko kakaisip kung bakit sa ganitong oras ay nasa labas na namin si Ryu ay lumabas na ako.
Nakasandal siya sa itim niyang pick up at mukhang may tinatype dun sa dala niyang iPad. Kahit na nakasuot lamang siya ng short na hindi lalampas ng tuhod, puting t-shirt at umawang ang bibig ko nang makitang naka-tsinelas lamang siya! Sa maagang sinag ng araw ay namataan kong kumislap ang hikaw sa kaliwang tainga niya. Kahit ganto lang yung suot ni Ryu ay masasabi kong kaya niyang mang-akit ng mga babae. Kapag ito nakita ulit ni Kikay ay siguradong sisihin niya na naman ako kung bakit ni isang chance ay hindi ko binigyan. Sorry naman. Eh sa wala talaga sa isip ko ang mga ganyang bagay.
"Good morning, Rie." Inilagay ni Ryu ang hawak na iPad sa loob ng sasakyan bago ako hinarap.
"Magandang umaga," I then hugged myself with both arms as early morning breeze envelopes me. Kahit na sumisikat na ang araw ay salungat naman ang simoy ng hangin.
Tumikhim si Ryu bago muling tumingin sa'kin. "Gusto mo bang pumunta ng syudad ngayon?" tanong niya nasa akin ang mga mata.
Mas lumapit ako kay Ryu at ikinagulat kong umabante siya. "Bakit? May sinabi ba sayo yung tita mong nurse? May problema ba kay Aaron? Kumusta daw sina Mama?" nakatingin lamang siya sa'kin.
Ngumiti siya at hinaplos ang magkabila kong braso. "No. Ayos lang si Aaron. Okay lang din sina tita at tito," aniya mas maaliwalas ang mukha.
Nakahinga naman ako ng maluwag. "Bakit kasi ganun yung mukha mo kanina?"
Hinawakan niya ang mukha niya. "Ano ba mukha ko kanina?" lumapit siya sa side mirror ng pick up at tiningnan talaga dun yung mukha niya.
Natawa ako. Pinalo ko siya sa kaliwang balikat. "Wala," nagsimula akong lumakad pabalik ng bakod namin. "Ang sabi ko, ang pogi mo...." my last phrase came out like a whisper. Na alam ko namang umabot sa pandinig niya. Well, totoo naman yun.
Nang lumingon ako ulit sa kanya ay sobrang pula na niya. Ryu was blushing! He's neck and ears turning into a color red!
Pilit kong pinipigilan na kumawala ang tawa ko. Sabi pa naman ni Aaron at Rendon sobrang pangit ko daw tumawa. Sabihin ba namang kamukha ko daw yung kraken sa pelikulang 'Rise of the Titans'. Mga walang hiyang kapatid!
Bago pa man ako tuluyang makapasok sa bakod ay literal akong napatalon dala takip ng tainga nang may biglang bumusina ng malakas. Kaagad na hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ng nun. Umawang ang bibig ko ng makita ang motor ni Horenz malapit sa pick up na nakapark ni Ryu.
Siya iyung bumusina?!
He made his motorcycle in stand before getting down on it. Nakasuot pa siya ng madalas niyang isuot na kulay itim na helmet. Mukhang hindi rin inaasahan ni Ryu ang matunog na businang iyun.
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...