Kabanata 17: Crush
I don't know what made me do kissed Ryu. At sa seaside pa talaga kung saan maraming makakakita sa'min. Ni hindi ko man lang iniba ang paniniwala ng mga tao dito sa Cabales. Na ang seaside daw ay tambayan talaga ng mga magsyota na madalas ay may mga kababalaghang ginagawa. Diyos ko naman. Kababalaghan na ba iyung nagawa ko ngayong gabi?
Ipinagdarasal ko na lamang na wala nga talagang nakakita sa'min na nakakakilala saming dalawa. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maipapakita sa kanila kapag nangyari.
Ugh. Riene Bianca saan na ba napunta ang laman nitong ulo mo?
"You're okay?"
Nag-angat ako ng tingin kay Asterielle. Umupo siya sa kabilang bahagi ng tablang inuupuan ko dito sa dalampasigan. She was in her white statement shirt tucked in with her black denim short. Parang pinaghandaan talaga ang pagpunta dito dahil nakasuot lamang siya ng pang ordinaryong tsinelas.
Her long blonde hair is slightly blown away by the salty wind.
Lumabas ang maliit na ngiti sa labi ko. "Ayos lang," sagot ko. "Nasaan na sila?"
Lumingon ako sa kinaroroonan ng magpinsan kanina at nakitang andun pa nga silang tatlo. Si Thalia ay nakuha pang gawing photographer si Ryu. Kanina ay inis na inis siya ng maunang bumalik iyung si kuyang chinitong nurse sa syudad. Pang gabi daw kasi iyung duty niya.
"I missed this," tinangnan ko si Asterielle na ngayo'y nakatuon ang parehong mata sa nagkalat na mga tala sa langit. "When we were ten, Horenz, Ryu and I used to love going at the beach especially when it's night time. Alam mo bang tumira ako dito sa Cabales ng almost half year?"
Mas lalo lamang akong na intriga sa mga iki-kwento niya. Tumira siya dito? Bakit hindi siya pamilyar sa'kin?
"Hindi kami pinapalabas ng bahay ni Tita Jane. Ganunman ay nakakahanap pa din kaming tatlo ng paraan para makakapunta ng dagat. Specifically here at our location right now," inabot niya ang buhangin at iyun ang pinagtuonan ng pansin sa palad. "We really naughty when we're in our childhood."
Tumawa siya pagkatapos ay sinaboy ang buhangin sa harap. Ang puti-puti talaga ng balat niya. Parang hindi inaarawan.
"Mabait ka siguro noong maliit ka pa no?" She asked. Head turning on my direction.
"Hindi. Makulit din. Minsan na nga akong sinasabihang tibo kasi nga daw sa mga lalaki ako sumasama," natawa ako sa huli kong sagot pero oo yun talaga ang totoo.
Nagtagal ng halos sampong minuto kaming nag usap ni Asterielle. Asterielle proved me that you can't really judge a book by it's cover. She was indeed a nice person to talk. Madami pa sana siyang ike-kwentong karanasan nila noong maliit pa sila iyun nga lang at pinapa-uwi na sila ni ma'am Joy. Pasado alas otso na ng gabi ng ihatid nila ako sa bahay.
"Congratulations sa aming Rie! Ikaw na talaga ang kokoronahang valedictorian, girl!"
Kakapasok ko pa lang sa loob ng room ay sigaw kaagad ni Kikay ang umabot sa pandinig ko. Inilagay ko ang back pack sa upuan bago lumapit sa kanila na nasa gilid ng chalk board namin. Ano na ba ang nangyayari?
"Guys anong- "
"Oh my God, Rie!" Niyapos kaagad ako ni Rae ng yakap. "Congratulations! Ikaw pa din ang nasa rank one. We're so proud of you po..."
"Talaga?" Lumapit na din ako sa may chalk board. Totoo ngang nasa unahan na naman ang pangalan ko. Second quarter rankings na namin ito ngayon. Ng first quarter ay ako din ang nangunguna. "Kayo ba? Anong rank kayong tatlo?"
Ngayon ko lang napansing may kulang sa'min. Wala akong nakitang mukha ni Neneng simula ng pumasok ako sa room.
"Nasa five ako, si Kirsten ay nasa seven while Neneng is next to you....as always...." Raye proudly replied.
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...