Kabanata 12: Birthday
"Ate sige na. Punta ka na sa birthday ni kuya Ryu mamamaya please...."
Muli kong tinapunan ng tingin si Aaron matapos marinig iyun mula sa kanya. Nasa loob ng kwarto nila ako ngayon at dinalhan siya ng agahan. Mag-aalas syete na at hindi niy pa din ginagalaw iyung pagkain na nasa maliit na mesa. Kanina pa niya ipinipilit sa'kin na pumunta daw ako kina Ryu mamamayang gabi dahil makiki-birthday. Ang sabi ko ay madami akong gagawin na assignments at sa halip na tumigil ay talaga namang pinursige talaga akong pumunta. Hindi daw siya kakain kapag hindi ako pupunta.
Kung hindi ka lang talaga galing sa operasyon.
Defeated by my younger brother I sighed. "Oh sige na. Oo na po. Pupunta na."
I immediately saw excitements plastered on Aaron's innocence face as he heard what I had just said. "Yes! Sabihin mo kay kuya Ryu yung pustahan ika namin ako yung nanalo," kumunot ang noo ko sa narinig. "Sige na ate lumabas ka na. Magpapaganda ka po mamamaya ha? Bawal ka dapat mastress sa school."
Aba! Kung hindi lang talaga ako malalate sa klase ay papatulan ko na talaga 'to.
Kung hindi pa ako ginising ni mama kanina ay hindi ko pa nalaman na may pasok pa pala ako ngayon. Isa talaga sa rason kung bakit ayaw kong mapalayo kina mama ay yung mga umagang bunganga niya ang nagiging alarm clock ko. Ano na lang gagawin ko kapag wala siya diba?
Kumain ako ng agahan at mabilis na naligo. Nang lumabas akonng kwarto ay naabutan kong may bisita si Papa sa sala namin. A man who's like on his fourtys is sitting on one of our native chair. Nag-uusap sila ni Papa at may narinig pa akong sasakyan sa usapan nila.
"Ilan ba talaga presyo mo do'n?" Tanong ng lalaki kay papa.
Papalabas na ako ng bahay namin pero umabot pa iyun sa pandinig ko.
Tumingin sa kanya si Papa at parang nag-iisip ng sagot sa tanong na yun. "Fifty thousand. Ayos na ba 'yan?"
Kumamot ng ulo niya ang lalaki. "Wala na bang ibababa 'yan?" Tanong pa niya.
Wala akong alam kung ano iyung pinag-uusapan nilang dalawa. Wala din dito si mama.
"Wala na eh," umiling si Papa sa kanya. "Mura na nga 'yan."
Hinatid kami ni Papa sa paaralan. Habang nasa loob kami ng rusco ay doon pa lang sinabi ni papa na ibebenta na daw nila ito. Ang rusco namin ang siyang nagsilbing tagahatid ng aning palay, gulay, prutas at maging iyung mga manok na dinadala sa bayan. Higit pa do'n ay ito rin ang sinasakyan namin kapag may pupuntahan at ito rin ang ipinanghahatid ni papa sa'min simula nung nasa elementarya pa lang kaming tatlo. Ang dami na ng naging silbi nitong rusco sa pamilya namin. Mula noon hanggang ngayon.
Nagulat man sa sinabi ni papa ay wala naman na akong magagawa pa. Walang-wala kami ngayon. Mahal ang iniinom na gamot ni Aaron araw-araw. Idagdag pa iyung maintenance ni mama sa hypertension niya. Meron naman Sana sa municipal clinic ng Cabales pero hindi naman siya do'n sanay. Kung kaya kailangan talaga naming bumili sa botika ng gamot para sa kanya. Ipinapasalamat ko na lang na hindi na siya sinusumpong ng mayoma niya.
Kung pwede lang sanang gumawa ng paraan para makatulong sa kanila ay matagal ko ng ginawa.
"Riene, ayos ka Lang?" Nagising ako sa dagat ng pag-iisip ng yugyugin ni Neneng ang isa kong balikat.
Ngumiti ako sa kanya at umayos ng upo. "H-ha? A-ah. Wala. Ano wala pa ba si ma'am?"
Sa halip na iwan ako ng tingin ay mas nanatili lamang ang mapagtanong na mga mata ni Neneng sa'kin. She's weighing the emotions that is visible on my face. At parang wala na yata akong maitatago sa pagkakataon na 'yun. Laking pasasalamat ko na lang ng pumasok ang guro namin sa PE.
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...