Kabanata 15

27 7 23
                                    

Kabanata 15: First Kiss

Days run out fastly. It seems like I just woke up early in the morning with a January breeze embracing my skin but now, I can already feel how air slowly getting humid even when during noontime. Ber months are fast approaching. I can almost feel the essence of my most awaited Holliday of the year- Christmas.

Unang araw ng September ngayon. Kadalasan kapag ganitong papasko na ay pumupunta kami sa dating bahay nina mama para magfamily reunion. Magkita-kita kaming magpamilya. Tuwing pasko lang naman kasi umuuwi ang mga kapatid niyang nasa ibang lugar. This event is like our simple present for Lola and Lolo. Kita kasing sobrang masaya sila kapag nagsasalo-salo kaming lahat. Pero duda na ako ngayong taon. Siguro'y dito na lang kami sa bahay magpapasko. Nakakahiya namang kami lang ang walang ambag kung magkataon.

"Rie! Bilisan mo na dyan at mahuhuli na tayo sa misa!"

Dinampot ko ang sling bag na nakalagay sa itaas ng higaan. Tinangnan ko sa huling pagkakataon ang sarili sa harap ng salamin bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Linggo ngayon at nakasanayan naming pamilya na magsimba.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin sayong bata ka kapag college ka na't ganyan ka pa din kabagal kumilos...." Walang kahirap-hirap kong inakyat ang rusco namin. Sakay na din ang dalawang kapatid ko.

Tiningnan ako ni Aaron mula ulo hanggang paa. "Ate bakit ganyan suot mo?" Tiningnan ko ang suot na dilaw na blouse at black skinny jeans. Nakatennis shoes lang din ako.

"Ano ba masama sa suot ko?"

"Mas maganda yung dilaw mong bestida," napa-isip ako kung anong bestida iyung tinutukoy niya. "Iyung suot mo sa kaarawan ni kuya Ryu."

Umusog ako ng kaunti sa tabi niya. "Hindi ba ako maganda sa suot kong 'to?" Itinaas ko pa ang dalawang kamay sa ere at tumayo sa harap nila ni Rendon.

"Parang daig mo pa 'yung Mr. Tomboy ng barangay natin dyan eh..."

Tumawa si Rendon habang ako naman ay hinampas si Aaron sa kanang balikat. Aba! Minsan talaga makakalimutan kong galing sa operasyon 'to.

"Paano ka magugustuhan ni kuya Ryu nyan eh parang magtropa na nga lang kayo sa suot mong yan," at ang lokong Rendon ay nakisali na din.

Ugh. Mga bwiset talaga 'to.

"Ayaw mo na kay kuya Renz, kuya? Akala ko pa naman ay siya ang manok mo."

"Siya nga. Hintay ka lang mananalo din ako."

Anong mananalo? May laro ba? May pasabong ba at akalain mong may pustahang nagagaganap.

Kung makapag-usap 'tong dalawang 'to akala mo naman ay wala ako dito. Ano ako sa tingin nila dito? Hangin lang ba talaga?

Kahit na tumatakbo na ang sasakyan ay panay tukso pa din silang dalawa sa'kin. Nanahimik na nga ako sa kabilang bahagi ng sasakyan ngunit ang mga mabubuti kong kapatid ay ganun pa din. Nakakain na naman ba sila ng maling pagkain? Parang tuyo lang naman ulam namin kaninang umaga.

Hindi naman malayo ang simbahan ng Cabales mula sa bahay namin. It was quarter to eight when we finally reached the place. Dito samin, may dalawang misa. First mass and the second mass. Madalas ay first mass kami at dapat at alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay nasa simbahan ka na. Ngayon lang kami magsisimba ng second mass dahil inaraw na kami ng gising.

Nang bumaba ako sa rusco at nilibot ang mata sa paligid ay siya ding pagtama ng paningin ko sa isang tabi kung saan nakatayo't nakahalukipkip ang isang lalaki. On his white buttoned down polo shirt tucked in on his black designer pants, Ryu looks like he wasn't going to a mass. As usual, he was in his favorite brand of shoe again— Nike. He seems to be doing some photoshoot. Hindi niya suot ang ring-liked silver piercing niya sa kaliwang tainga. Mabuti naman dahil bahay ng diyos iyung pupuntahan niya at hindi disco ball.

Untold Things Under The Moon Where stories live. Discover now