"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampo nakatago na kayo!"
Mabilis kong hinubad iyung dalawa kong tsinelas. Sabay takbo kasama yung iba pa naming kalaro. Yung iba nasa likod ng bahay namin napunta, ang iba naman ay sa kani-kanila ding bahay nagsitago, at yung mga lalaki umakyat ng puno dahil mayayabong yung puno sa paligid. Kahit na sobrang liwanag ng buwan ngayon, hindi ka pa rin makikita kaagad kapag umakyat ka ng puno sa paligid.
"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...."
Habang palayo ng palayo ay mas nawawala yung tinig ng taya namin sa laro. Gumilid ako sa isang tabi. Mukhang mahihirapan na siyang hanapin ako dito. Sa gitna ng mga mayayabong na sagingan ay do'n ko naisipang itago ang sarili. Mula sa kintataguan ay kita ko kung paano natunton ng taya namin lahat ng kalaro ko. Ako na lang kaya yung hindi pa nadadakip?
"Hi."
Muntikan na akong tumakbo pabalik sa mga kalaro ko nang biglang may nagpakitang lalaking bata sa harapan ko. Sino siya? Hindi naman siya kasali sa laro namin ah.
"Sino ka? Hindi ka naman kasali sa laro namin ah," tanong ko sa isang batang parang kasing-edad ko lang din. Matangkad siya, nakasuot ng jacket na itim at itim ding sombrero.
"I've been watching you and your friends from the veranda of our house," sagot niya sa'kin at mas tuluyang lumapit sa kung saan ako nakatago."Halika nga dito," hinigit ko yung braso ng batang lalaki kasi naman baka makita kami ni Totoy iyung taya namin sa tagu-taguan. "Baka makita tayo ni Totoy."
Hindi naman siya pumalag at nagpahigit sa'kin papuntang likod ko. Panay 'yung silip ko sa tinataguang puno ng mga saging. Nakita kong nahanap na yung iba naming kalaro at iilan na lamang kaming nakatago pa din. Kawawang Totoy. Magagaling yata 'to sa taguan.
"What do you called this game?"
Napatingin ako sa likod ng marinig yung batang lalaki. Siguro ang yaman nito parang ang sosyal magsalita tsaka sa tv ko lang naririnig yung mga batang nagi-english.
"Amerikano ka ba?" tanong ko dahil kanina pa siya Ingles ng Ingles malay ko bang kano talaga siya.
Nakita kong pilit niyang pinipigilang 'yung ngiti niya. Kinagat niya yung labi niya pagkatapos ay tawa siya ng tawa sa'kin.
"Bakit ka tumatawa? Wala namang nakakatawa sa tanong ko ah," tiningnan ko siya ng Seryoso at mukhang nakita niya yun kaya natigil yung pagtawa niya.
"There is. A-ah ang ibig kong sabihin hindi ako kano," marunong din pala siya magsalita ng tagalog? "See? Nakaka-intindi ako ng tagalog."
"Eh bakit ka inglis ng inglis? Pinoy ka naman. Ang sabi ng titser namin sa iskol dapat daw ay marunong tayong gumamit ng sariling atin. Sabi pa nga ng sikat na linya ni Doktor.....Doktor-"
"Doctor Jose Rizal?"
"Yun! Sabi niya ang hindi marunong gumamit ng sariling wika ay higit pa sa isang mabahong isda. Kaya dapat magtagalog ka. Para hindi ka maging malansa." pagkasabi ko no'n ay sakto namang bumuhos yung malakas na ulan.
Tumakbo ako kasama yung batang lalaki sa isang malaking bahay. Kaninong bahay kaya 'to? Ang laki. Parang mansyon.
"Rouge! Diyos ko namang bata ka. Saan ka ba kasi galing at kanina ka pa hinahanap ng mga pinsan mo't mommy mo."
Lumabas yung lola sa isang silid tapos ay nilapitan niya yung batang kausap ko kanina. Si Rouge pala pangalan niya. Teka nga bakit ba ako dito pumunta eh malapit lang naman yung bahay namin do'n sa nilalaruan namin kanina. Baka hinahanap na ako nina Mama at Papa ngayon. Umulan pa naman.
"Pasensya na po. Uuwi na po ako. Nasa kabilang bahay lang naman po ako nakatira," na agaw ko ang atensyon nung lola na ngayo'y pinupunasa na yung ulo ni Rouge ng puting tuwalya.
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...