Kabanata 25: Getting Attracted
"Hindi si Neneng pumunta ng contest?" Natigilan si Raye sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook niya ng marinig ako. "Bakit? Ngayon lang yata nangyari na hindi siya dumalo," minataan niya agad ang pwesto ni Neneng sa likuran.
Umiling ako at nagsimulang magsulat ulit sa kwarderno ng pinapagawang project proposal sa council. It is because I don't know too why she didn't come gayung alam kong gusto niya talaga ang mga ganung contest. I can still hear her in my ears and so how her tears glistened on her face as the moonlight reflected on it no’ng gabing iyun. Gusto niya si Horenz? Kailan pa? No’ng unang apak pa ba ni Horenz dito sa Cabales? Noong unang pasok sa classroom namin? No’ng nakita ko silang magkasama sa bayan na pumasok sa loob ng botika o noong palaging naabutan namin sa bahay nila si Horenz? Bakit parang ang daming palatandaan pero hindi namin ‘to naisip. Hindi ko lubos maintindihan na ganito pala yung nararamdam niya para kay Horenz.
How can I didn’t notice all of these when in fact we’re almost twenty-four-seven together in school? How can I did not feel that something was going on between my best friend and Horenz? The man who made me felt those unexplainable feelings inside? The man who got my first kiss at the most unexpected time and place?
Horenz….
“Congratulations Horenz my loves! You’re the best talaga!” Umalingaw-ngaw agad sa pandinig ko ang masiglang boses ni Ieo pagpasok ko ng room. “Oy nandito na din pala si Pres. . . kumusta contest Rie? Hakot award ba? Naku naman as usual, diba?” Sagot din niya sa sarili ng wala siyang makuhang ni isang salita mula sa’kin.
Ngumiti ako sa kanya bago umupo sa katabing upuan. Nasa kabilang side din no’n si Horenz na busy sa cellphone niya. Kita mo ‘to ni hindi man lang nagpasalamat sa mga bumati sa kanya. Tsk. May buwanang dalaw na naman siguro. Hindi ko tuloy ma-idirikta ang paningin sa kanya dahil sa tuwing ginagawa ko ‘yun ay si Neneng ang pumapasok sa isip ko. Gusto siya ng kaibigan ko. Hindi naman siguro ‘yun palabas lang dahil nakita’t nasaksihan ko talaga.
She’s the only girl I longed for.
This line enters my mind again. Horenz’s line that night. Ugh! Riene tama na. Napapikit ako at napahilot ng sintido ng muling nanumbalik sa‘kin ang linyang ‘yun ni Horenz. Bakit na naman ako?
“You okay?” Agad na dinaga ang dibdib ko ng marinig ang baritonong boses ni Horenz sa tabi ko.I forced my lips to form a curve, hopefully praying that he won’t notice the pressure I currently have inside.
"Oo naman,” Pinasalamatan ko na lang talaga na dumating kaagad si sir Nelmar bago pa ako ma-e-hot seat ni Horenz without him knowing.
Sumapit ang tanghalian.Nauna ng pumunta ng tambayan namin ang tatlo kong kaibigan. Akala namin hindi sasama si Neneng sa’min ng niyaya siya naming ngunit nagpasalamat kami ng sumama nga talaga siya. Mabuti naman dahil ibibigay ko iyung simpleng regalo ko sa kanya na dapat ay no’ng birthday pa niya dapat ko ibinigay. I know she never love surprises ever since she’d discovered Mang Nelson’s illness nevertheless I want to surprise her through this gift. Kahit sa ganito na lang maalala niyang mahalaga siya at may mga nagmamahal sa kanya.
Mabilis akong pumunta ng SSC office dahil doon ko muna nilagay ang regalo. Hindi pa naman ako nakakapasok sa loob ng opisina ay ramdam ko ng may nakatingin sa akin kay nilibot ko ang paningin sa paligid. My line of vision met his. Pilit akong ngumiti kay Horenz na nasa ilalim ng malaking puno ng nara at kasama ang mga kaibigan niya habang kumakain. Ngunit ganun na lang ang hiyang naramdaman ko ng hindi man lang siya ngumiti pabalik. He did not even plaster a single emotion on his face! Nangyayari sa kanya? Dahil do’n pumasok na lang ako ng opisina na nakakunot ang noo. Horenz and his unpredictable moods.
Nadatnan kong nasa loob ng opisina ang ibang representatives at si Christine. May kalakihan na talaga iyung tyan niya dahil mag fi-five months na ngayong buwan. Pinapatigil na nga siya ng mga guro sa pagpunta ng paaralan pero ayaw pa daw niya. Hindi pa naman daw siya nahihirapan. Mukhang okay na naman iyun kay Jense at sa pamilya niya dahil nu’ng isang linggo ay nakita ko silang naroon kina Christine.
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...