Kabanata 11: Mensahe
Pilit akong pinapasok ni mama ng paaralan kahit na ayaw kong pumasok. Ngayon sila haharap sa barangay namin. At gusto ko sanang sumama. Pero ang sabi niya'y Hindi na kailangan dahil problema na ng mga matatanda iyun. Hindi ko alam kung sino iyung paniniwalaan ko. Pero kahit ano ang mangyari kay mama pa rin dapat ako kampi dahil alam kong nagsasabi siya ng totoo.
"That's all for today, guys," tumayo ako sa inuupuang silya. "Salamat sa pagpunta. Kapag may kailangan kayong itanong tungkol sa respective assignments niyo, lapitan niyo lang ako okay?"
Tumango naman agad ang ibang members ng council. Katatapos lang naming magmeeting para sa upcoming event ng linggo ng kabataan. Pinag-usapan namin ang kabuoan ng program. Ang mga paligsahan sa laro at iba pa. Na i-assign ko na din kung sino ang magfa-facilitate sa bawat event.
Hay. Duties and responsibilities again.
"Riene."
Bago ko man tuluyang ma-ilock ang pinto ng office ay narinig ko na tinawag iyung pangalan ko. Bumaling ako sa likod at nakitang si Christine iyung tumawag. She is wearing our Royal blue below the knee skirt and a type A blouse with our respective cravat which has a four lines drawn horizontally. Nagpapatunay na fourth year kami.
Lumapit siya sa'kin ng mga isang metro. Her hair is on a ponytail. Hindi gaya ng kadalasan kong nakikita, ngayon ay ang putla ng labi niya at parang matamlay ang mukha.
Ngumiti ako sa kanya. "Christine..."
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya sa mahinang boses.
Tumango ako at agad kong nakita ang pagsilay ng maliit na ngiti mula sa labi niya. Christine is younger than me. Third year high school pa lang siya. Minsan lang talaga kami nag-uusap. Kapag may meeting lang sa council o may kailangan akong kunin na records mula sa kanya. Ang sabi nila ay maldita daw ito at malandi pa daw. Iyung huli ay parang sasang-ayon ako dahil ako mismo ang nakakita sa kanila ni Jense. Ewan ko kung totoo iyung nasa isip ko pero parang totoo naman talaga.
But we can't just judge on something without knowing the entire situation first.
Tumigil kami sa upuang kahoy na may dalawang gulong sa bawat dulo. Umupo si Christine doon habang ako'y nanatiling nakatayo mga dalawang metro ang layo. Malamang ay isa ang lugar na 'to ng CCHS na talagang paborito niyang puntahan. Palagi ko kasing nakikita na dito siya pumupunta.
"Pasensya ka na kung nakita mo 'yung di mo naman dapat makita," tumingin ako sa babaeng sinamahan ko. Dinuduyan niya ang katawan sa inuupuang kahoy.
Alam kong itung sa loob ng opisina ang tinutukoy niya. Hindi nga talaga ako nagkamali ng iniisip.
Ngumiti ako sa kanya kahit na nasa mga paa niyang mahinang ginagalaw ang upuan iyung paningin niya. "Okay lang. Pero sana sa susunod kung ano man iyung ginawa niyo ay sa isang pribadong lugar niyo na gawin."
Kahit saang angulo kasi tingnan ay mali at hindi katangap-tangap iyung ginawa nila. As a SSC president, it is my responsibility to take an action especially in choosing the best and right for everybody inside the school. Hindi pwedeng president lang ako sa pangalan. Dapat ay sa gawa din.
"May sasabihin nga pala ako, Riene."
Agad na nagsalubong ang tingin namin ni Christine ng mag-angat siya ng tingin sa'kin. Bakit parang mugto pati mga mata nito? Ramdam ko ding sobrang bigat ng awra ng mukha niya.
"Ano 'yun?" I asked.
Christine look like she's hesitant to open it up. Like she's into trouble with things running inside her head. She look down again. Eyes focused on her feet. I can also feel how hard and deep her breathing is.
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...