Kabanata 19

25 5 21
                                    

Kabanata 19: Talk

It's been a weeks since that day when I asked Horenz about the young boy who I first saw on his cellphone's wallpaper. I was even shocked when I found his handkerchief with the same photo embroided on it. And after that day, we often cross paths again, not to mention that we really didn't talk that much before. Kahit na magkatabi lang kami ng upuan.

"Ang ganda naman ng best friend namin oh," Kikay's fascinated voice enters my ears.

Tiningnan ko si Neneng na kasalukuyang tinuturuan ng baklang organizer sa darating na pista. Tumingin siya sa'min matapos iwan ng baklang nagtuturo. Mabilis na pinuntahan siya ni Kikay at Raye na may mga kagalakan sa mukha. Neneng is beautiful. Napakasinple lang niyang tingnan pero napakaganda niya.

"Pak! Sino kayo dyan?" Nagcross arms pa si Kikay sa harap niya.

Ma-agap naman siyang niyakap ni Raye. "Dalagang dalaga na talaga ang aming Lentine."

Neneng smile on us.

"Hindi na naman kayo pumasok, no?" Tumaas ang isang kilay niya na isang bagay namang hindi bagay sa kanya.

Umikot ang mata ni Kikay gaya ng madalas niya gawin. "Duh? Wala ng pasok kasi busy yung mga guro natin sa paparating na pista."

Maya-maya ay umupo kami sa gilid ng pader ng plaza. May mahabang sementong upuan doon. Sa kabila ay mga kakilala din namin ang naka-upo.

"Nakapananghalian na ba kayong tatlo?" Tanong ni Neneng inaayos ang gamit sa bag na dala.

"Hindi pa nga eh. Ikaw pinunta namin dito para sabay na tayo," sagot ni Raye.

Bumalik kami sa paaralan para kumain sa paboritong tambayan. Madami ang ipinabaon ni Mama na ulam kaya binigyan ko din ang tatlong babaeng kasama ko. Nakakalimang subo pa Lang yata ako at naramdaman kong umikot ang paningin ko. Dahil do'n ay hinawakan ko ang sentido ko't mukhang nakita iyun ni Neneng.

"Ayos ka lang Rie? Kanina ka pa tahimik," lumapit siya sa'kin at hinawakan ng kaliwang palad ang noo ko. "Ang init mo Rie! Bakit di mo sinabi sa'min na may lagnat ka? Sana hindi ka na lang pumasok-"

Tinggal ko ang kamay ni Neneng na nasa noo ko. Pilit akong tumawa. "Wala 'to. Alam niyo namang maiinit ang panahon diba tapos naglakad pa tayo mula plaza hanggang dito. Kaya siguro mainit-"

"Umuwi na lang kaya tayo," si Kikay habang parang aliw na aliw pa sa sitwasyon.

Binatakukan siya ni Raye. "Ikaw ba may lagnat ha? Gusto mo ba?" Umiling naman siya agad. "Oh manahimik ka na lang, okay? Si Rie may lagnat kaya mag-isip ka ng paraan para maging maayos 'to." Tinuro ako ni Raye bago dinampian ng likod ng palad ang leeg ko.

Sa huli ay pinilit talaga nila akong RCY office. Si Neneng ang president doon kaya madali kaming nakapasok. Walang tao sa loob except saming apat. Maayos na suhestyon iyung nahanap nila nila dahil may mahabang sofa sa loob na sakto para higaan. Nang makita ko yun ay kusa akong dinala ng sakit ng katawan at pagod doon. Humiga ako kahit na may katangakaran ako sa sofa ay ayos na.

Hay. Ayos naman ako kanina sa bahay. Bakit biglang may ganitong lagnatan?

"Rie, inumin mo 'to," iniabot ni Neneng ang isang tabletas na gamot sa'kin. May dala din siyang isang basong tubig. "Wala pa ba yan kanina?"

Umiling ako parang hinihigop ang mga mata para matulog. "Ngayon lang."

Pinupunasan ni Raye ang noo ko ng basang panyo ang huli kong naramdaman bago tuluyang nahulog ang mga talukap ng aking mata. Nang magising ako ay wala na ang tatlo kong kasama. Inilibot ko ang paningin ngunit wala ng bahid ng tao ang mayroon. Dahan-dahan akong timayo mula sa sofa ngunit agad ding napaupo nang naramdaman ang sakit ng ulo ko. Kinuha ko ang cellphone na nasa loob ng bag ko ngunit wala din pala iyung load. Pilit kong ipinikit ang mata kahit na masakit na masakit na iyung ulo ko. Parang pinupokpok ng matigas na bagay.

Untold Things Under The Moon Where stories live. Discover now