Kabanata 13: Cure
Noong maliit pa ako laging pinapaalala ni mama na dapat daw kahit walang magarbong selebrasyon ang isang kaarawan ay maging masaya pa din iyung taong nagdiriwang nito. Dahil isang mahalagang ganap iyun sa buong buhay ng isang tao. Oo't taon-taon dumadating pero dapat daw hindi natin makalimutang maging masaya sa mismong kaarawan natin. Kahit na walang nakahain sa mesa. Kahit walang nagbigay ng mga regalo.
Unti-unti ko na iyung naiintindihan ngayon. Mapalad iyung mga anak na napunta sa mga magulang na kayang ibigay lahat ng gusto nila. Na isang request ng ganito at ganyan ay talagang nasusunod.
For me, the presence of my love ones will always be enough as a gift. They maybe couldn't afford to prepare for grandiose celebration but they always made me felt magnificent in every night and day since then untill now. I am just so blessed for having them. Couldn't get any other things in the world but them.
Matapos kaming talikuran ni Ryu ay hindi ko na siya nakitang lumabas ng bahay. Kung ano ang nangyari sa kanya kanina ay yun ang hindi ko alam. Luminga-linga ako sa saktong lawak ng garden. Mas dumami pa ang mga bisitang dumating. Nakita kong nakikipag-kamay ang tatay ni Ryu do'n sa mga bisitang banyaga sa paningin ko. Nandito din kaya ang pamilya ni Horenz? Imposibleng wala dahil pamangkin nila iyung may kaarawan.
Nahanap ng mga mata ko ang isang mesang pabilog na walang naka-upo. Dahan-dahan akong umupo do'n. Naalala ko tuloy ang bilin ni mama ng inaayusan niya ako kanina. Dapat daw ay mahinhin akong uupo sa mga silya at pati iyung pagkain ko dapat daw pangdalaga. Ano ba ako sa tingin niya? Maliit na bata? Tss.
"Rie?"
Nag-angat ako ng tingin sa taong tumawag ng pangalan ko. She was holding a small red pouch on her left hand. The red fitted off-shoulder dress added radiant on her pure white complexion. Her hair is on a bond with some strands dropping at the side of her face.
Ang ganda niya.
I smile when she settle herself on the vacant chair beside me. Kilala niya ako?
"Oh my gosh!" Medyo nagulat ako ng narealize na hindi ko siya naaalala. "It's me, Thalia."
Hala! Totoo? Wow. Iba nga iba nga naman iyung tubig ika sa syudad. Nakakaputi. Parang dati lang magkasing itim lang kami nito. I mean, I'm not literally black in complexion. Kulay ng totoong Pilipina nga sabi ni mama.
Inusog niya ang silyang inuupuan kaya mas naging malapit iyun sa'kin. "You remember me na?" She asked with a hopeful face.
"Oo. Grabi ibang-iba ka na, Alia. Ang ganda-ganda mo na," I complimented her based on what I see.
Tinapik niya ang kamay sa hangin. "Sos. Hindi naman, Rie. Medyo effective lang ang tubig ng syudad. Very very little lang naman," she replied with eyes beaming of humbleness. Hindi talaga siya nagbago.
Natawa ako ng kaunti dahil hindi talaga siya nagbago makalipas ang apat na taon. Thalia is one of the female cousins Ryu have. Kalimitan din kami nitong naglalaro noong nasa elementarya pa lang kami.
"Nakita ka na ba ng birthday boy?" Thalia asked putting her pouch on her lap.
"Oo. Kanina nung pagdating ko."
Hindi ko na binangit pa ang pagtalikod ni Ryu sa'min ni Horenz. Hindi ko din kasi alam kung anong nangyari sa kanya.
"Alam mo kung saan siya pumunta? Kanina ko pa kasi hinahanap dahil maya-maya lang ay magsisimula na ang selebrasyon niya."
I shook my head. "Pero baka nasa loob ng bahay nila." Kasi doon ko siya namataang papunta kanina.
Thalia stood up from her chair. "Maiwan muna kita, Rie ha? Hahanapin ko pa si kawayan. Baka sinumpong na naman 'yun."
YOU ARE READING
Untold Things Under The Moon
RomanceHave you ever bothered by a lot of things while looking up the moon above? Riene was too focused on her life goals that she never imagine herself being committed in a relationship. She's been sacrificing herself for the people around her. But fate h...