Kabanata 18

26 4 11
                                    

Kabanata 18: Litrato at Panyo

Mabilis pa sa alas-kwatro kaming nakarating sa Moñares district hospital. Ang tanging pagamutan na pinakalapit sa bayan. Wala akong alam kung paano nakatawag ng sasakyan si Horenz ng ganun kabilis. Nalaman ko na lang ng nasa loob na kami ng isang close van at mabilis na mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Kasama ng driver si Horenz sa harap. Nakaunan sa pareho kong hita si Christine na ngayo'y wala pa ding malay.

Hinawakan ko ang kamay niyang bakas pa ang mga dugong malamang ay galing din sa kanya kanina. Patuloy sa panginginig hindi lang iyung kamay ko kung hindi buong katawan ko.

Lord God, sayo ko po ipinapaubaya ang lahat. Tulungan niyo po si Christine.

Nasa emergency room kami ng dumating ang mga magulang ni Christine. Lumapit sa'min ang isang nurse upang tingnan ang kalagayan niya. Panay tanong siya sa'min ni Horenz kung ano ang nangyari bago isinugod dito sa ospital si Christine. Wala naman akong mahagilap na tamang sagot dahil ako mismo ay hindi alam ang nangyari sa loob ng cubicle na 'yun.

"Rie anong nangyari! Anong nangyari sa anak ko?!"

Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Christine ng makita kami sa emergency room. Kasama din niya ang panganay na anak na babae.

Umiling ako. Humigpit ang hawak sa panyong ibinigay ni Horenz kanina ng nasa loob kami ng van. Maging iyun ay may bakas din ng dugo na galing kay Christine.

"H-hindi ko po alam, Tita. H-hindi ko po alam," ramdam ko ang panginginig ng labi ko habang binabangit iyun.

"Nadulas po siguro siya sa CR. The floor was wet with water when we got there inside the cubicle," seryosong usad ni Horenz na nasa gilid ko.

"Ayan na kasi ang sinasabi ko eh," napahilamos na lang ng mukha ang ina ni Christine. "Ang tigas ng ulo. Sinabi ng hindi na nga papasok dahil sa kalagayan niya, ayan at papasok pa din. Tingnan anong nangyari ngayon?"

Ayon sa doktor na sumuri kay Christine ay kailangan lang daw niyang magpahinga. Nabunutan naman kami ng tinik dahil Sabi daw ay ayos lang siya at ang magiging anak niya. Maga-alas otso na ng gabi ko naisipang may pamilya din pala ako at kailangan ko ng umuwi.

Ipinasok muna si Christine sa isang ward kung saan siya mananatili ng tatlong araw para magpahinga. Gusto na nga sana niyang sa bahay na lang nila ngunit ang sabi ng doktor ay mas mabuting manatili muna siya sa ospital para sa iba pang observations.

Binuksan ko ang backpack na dala at kinuha ang cellphone doon. Sa sobrang pagmaadali at kaba ko sa mga nangyari ay hindi ko na naalalang tawagan o itext man lang si Mama. Baka kung saan-saan na nila ako hinahanap.

Pagbukas ko ng cellphone ay sunod-sunod ang pagtunog no'n. Lahat ng mensahe ay galing kay mama at papa maging si Kikay at Raye ay may mga mensahe din. Hays. Balak ko sanang tawagan si Mama ngunit wala na pala akong load. Diyos ko naman Rie. Sa sobrang kuripot mo sa load, ano ka ngayon?

"You're okay ?"

Napapitlag ako sa inuupuang plastic na silya ng lumapit si Horenz sa'kin. Kagaya ko ay suot din niya ang school uniform namin.

"Ayos lang."

At kailan pa talaga ako naging magaling sa pagsisinungaling?

"You're acting otherwise."

"Ha?" I consciously asked.

Inabot niya ang isang bakanteng upuan upang ilapit iyun sa kung nasa'n ako. He put his elbows above his knees while his face is directing to the hospital bed where Christine is.

"Baka hinahanap ka na sa inyo..." Ngayon ay nasa parehong paa na ang atensyon. "You can borrow my phone."

Wala akong ibang choice kaya agad na inabot ko ang cellphone na inilalahad ni Horenz. Lumabas ako ng ward para doon e-dial ang numero ni mama. Nasa call log na iyung screen. Rich kid talaga. Yung cellphone niya ay yung touch screen na nakikita ko lang sa internet tapos mga guro lang namin ang mayroon.

Untold Things Under The Moon Where stories live. Discover now