Kabanata 21

26 5 22
                                    

Kabanata 21: My Luna

Tinapos ko ang huling parol na ikinakabit sa gilid ng bintana ng classroom namin bago bumaba ng silyang pinapatungan ko. Inilibot ko ang mata sa loob ng room dahil may pakiramdam akong may tumitingin sa bawat gawin kong kilos kanina pa. Hinanap ko ang sapatos na hinubad kanina dahil nga sa umakyat ako ng upuan. Kung sino man ang magandang nilalang na nagtago no'n ay tumandang dalaga sana siya. Periodt.

"Riene yung hagdan babagsak sayo!"

Wala akong balak pansinin iyun dahil madalas naman nila iyung sinisigaw. Kesyo may sunog, may babagsak na libro, may tatamang bola sa mukha at marami pang iba.

Ngunit nagulat ako ng mabilis akong bumagsak sa sahig na madulas dahil kakalagay lang ng floor wax. Masakit ang braso kong unang nakatama sa semento. Pero mas namilog ang mata ko nang mapagtantong bumagsak ako dahil may taong sadyang sumalakay sa'kin.

"Horenz....."

He's eyes were closed and his jaw were clenching hard. Nakatukod sa sahig ang kanang kamay samantalang ang kaliwa ay nakayapos sa bewang ko. Kapwa nakasalampak kami sa malamig na sahig.

"You're okay?" His eyes immediately landed on mine upon asking that question.

Nakaawang pa din ang bibig ko. At nang mahagip ng paningin ang hagdan na nakadagan sa likod niya ay mas lalo lamang akong na estatwa. Anong nangyari?!

"Oh my God! Riene ayos ka lang?" Walang anong-ano ay tinulak ko si Horenz nang marinig si Raye. Agad naman akong nakarinig ng mahinang pagdaing galing sa kanga matapos kong gawin iyun. "Diyos ko naman baka nabalian ka ng buto Horenz!"

"Lentine diba first aider ka? Pakisuri mo nga si Horenz baka nasugatan o ano," tawag ni Miles kay Neneng.

Dahan-dahan akong umupo sa sahig. Ganundin ang ginawa ni Horenz. Muli ay nakita kong ipinikit niya ang parehong mata habang ikinuyom ang dalawang kamay na nasa sahig. He looked at me.

"May masakit ba sayo?" Tanong pa niya na akala mo ay ako itong natamaan ng hagdan.

"Horenz...." Hindi ko alam kung ano yung dapat kong isasagot. Wala namang masakit? O dapat ba ako yung magtanong ng ganun sa kanya?

"I'm asking you, Riene...." He folded his knees at agad din siyang ngumiwi. "Wala bang masakit sayo?"

"Naku Horenz ikaw yata may malalang tama eh," wika ng isang kaklase namin. "Nasaan na ba si Lentine at hindi pa 'to tiningnan...."

"Sos Horenz tsansing ka lang e!" kantyaw ni Mark na agad namang sinundan ng iba pa naming lalaking classmates.

Tiningnan siya ng masama ni Horenz. "Tangina kamo," mas humagalpak lang sila ng tawa nang bangitin iyun ni Horenz.

"Ay kaloka anong role playing ang nagaganap dito?!" Kakarating lang ni Ieo at si Neneng iyung kasama niya. "Oh my palaka! Horenz may sugat ka sa paa. Dumudugo...."

Nasa loob ng maliit na clinic ng CCHS si Horenz at kasalukuyang dinadapatan ng paunang lunas iyung sugat niya sa kanang paa. Hindi namin kaagad iyun napansin dahil nakasuot siya itim na slacks na pantalon na siyang uniporme namin. Mabuti't daplis lang ng naka angat na lansang ang nakasugat sa kanya. Kung bakit niya ba kasi ako tinulak at niyakap? Ayan tuloy siya pa ang nasugatan mabuti sana kung sugat lang. Hindi naman siguro siya nabalian ng buto. Sana nga....

"Iniisip ko na baka karma na 'to ni Horenz dahil sa di niya pagsipot nung gabi ng koronasyon....Ang aga naman dumating ng karma," tiningnan siya ng masama ni Raye na nasa tabi ko lang nakaupo.

Sa halip na tumigil ay nagpatuloy pa din Kikay. "Ano? Aba'y dapat lang yun sa kanya. Ang ganda-ganda ng best friend natin ng gabing yun tapos di niya lang sinipot? Ugh. Di ko alam kung crush ko pa siya sa lagay na 'to o gusto ko na lang siyang matitanu total ay lansang naman iyung tumusok sa kanya."

Untold Things Under The Moon Where stories live. Discover now